♥Chapter 8- Direct Message♥

351 8 0
                                    

"No hindi ko gagawin yun. Baka madagdagan pa ang iniisip ng iba. Baka sabihin ginagamit ko na nga si Lolo pati ba naman si Yohan. Hays gusto ko umiwas sa mga issue na yan." napatango naman si Agnes.

"So sino ang kokontratahin mong tumugtog pag kumanta ka?" hmmm I have a bright idea.

"Si Kuya." nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Si Z-Zayn? Marunong mag-gitara si Zayn ko? Omg bes mukhang lalaksan ko talaga ang pag-cheer ko sayo kahit mamaos ako." well, di pa sure kung papayag si Kuya but I will make sure na papayag siya. Actually, kung pumayag siya first time niya magpe-perform infront of many people. May mga musical instruments siya sa kwarto tulad ng electric guitar, drums, ukelele at marami pang iba. Pero ginagamit lang niya yun pag nasa bahay. Akalain mo yun may hidden talent ang kuya ko ahahaha bukod pa yung talent niya sa pangongolekta ng mga chics hays.

Nasa bahay na ako and nasa dining table kami. Andito na si Lolo, Mamita, Mommy, Kuya at ako. Palagi kong katabi si Kuya pag kumakain, nasa harapan naman namin si Mommy at si Lola at nasa may gilid ko si Lolo. Palagi kaming kumpleto tuwing kumakain kami tuwing gabi.

Huminga muna ako ng malalim. "Mommy sasali po ako sa Ms. Logistica." gulat na gulat silang napatingin sakin.

Biglang tumayo si Mamita at lumapit sa akin. "Omg! I'm so happy our princess. We will support you when ba yun?" tanong ni Mamita.

"Uhmm sa Monday na po." I said. "So hindi pala ako maging isa sa mga judge kasi baka pag biglang manalo ikaw, baka ma-issue." napa-agree naman kaming lahat. Tama si Lolo, kanina pa nga lang may mga bulong-bulungan na, what more pa kaya sa mismong pageant.

"So anak, bukas pupuntahan natin yung friend kong designer. I hope may mga ready na siyang gown na kasya sayo." sabi ni Mommy. Ibinaling ko kay Kuya ang tingin ko na kumukha pa ng kanin at ulam.

Umubo ako at napatingin siya. "Kuya may favor ako." sabi ko. "What?" seryoso niyang tanong. Sana pumayag siya.

"May talent portion kasi sa pageant. And wala akong maisip na talent kundi kumanta. But I have a problem walang maggi-gitara. I need your help kuya, please ikaw na lang tumugtog." nag-puppy eyes pa ako para pumayag siya sana mag-work. I know he can't resist my cuteness hakhak. "NO." nabokya ata ako. "WHAT?! KUYA NAMAN EH." ang bad niya. Minsan na nga lang ako humingi ng tulong.

"Zayn pagbigyan mo na ang kapatid mo. At saka pampa-attract ng chics ang pagi-gitara." haha nice one Lolo. Alam na alam mo talaga ang gusto ni Kuya. "Sige na nga. Make sure na mananalo ka." sabi ni Kuya. Ofcourse I will make sure na magiging proud kayo at si Rovie. Pangarap namin itong dalawa.

Nasa kama na ako at naisip ko si Rovie.

"Gusto kong sumali sa mga ganyang pageant. Babe, sa tingin mo mananalo ako pag sumali ako sa ganyan?" hinalikan niya noo ko. Nanood kasi kami ngayon ng Ms. Universe.

"Ofcourse Babe. Ang ganda mo kaya at ang talino mo pa. Kaya I'm very lucky to have you. Pero kahit naman hindi ka manalo you're still gonna be my queen." I smiled. I'm very lucky to have you too.

"Someday sasali ako diyan." he gave me a surprise look. "What?" natatawa kong tanong. "Babe, when that day comes I'll be your number 1 supporter." aww so sweet.

"Thank You Babe, I love you."

"I love you too."

Hays I terribly miss him. Binuksan ko ang twitter ko at may new notification.

@OfficialYohanFabio followed you.

Ini-scan ko twitter account niya at ni-follow back ko na rin. Ohh mas active pala siya sa twitter kaysa sa FB.

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon