♥Chapter 12- He's Rovie♥

375 9 1
                                    

"Hi Babe! How are you? I'm very sorry kung minsan na lang ako pumunta dito, busy masyado sa school eh. Nga pala, may kasama ako. He's Yohan, classmate at friend ko rin." sabi ko habang inaalis yung mga dahon sa puntod ni Rovie. Umupo ako at umupo na rin si Yohan.

"Babe look at this." pinakita ko sakanya yung crown ko. "I won! Alam kong nanuod ka kanina at alam kong masaya ka kasi tinupad ko yung pangako ko na sasali ako someday sa isang pageant." napatigil ako nung napansin kong hindi kumikibo si Yohan, ibinaling ko ang tingin ko sakanya at tutok na tutok siya sa puntod ni Rovie.

"Akala ko hiniwalayan ka lang ni Rovie, yun pala...I'm sorry, I didn't know na may pinagdaraanan ka palang ganito." nginitian ko siya. Buti naman na gets na niya.

"I said to myself that I will spend the rest of my life with Rovie. I can't believe na it's been four years na pala nung narinig ko yung boses niya at nakita yung mga ngiti niya." miss ko na si Rovie, di ko kayang wala siya sa tabi ko.

"Sorry to ask this ha, I'm just curious. Anong ikinamatay niya?" ibinaling ko ang tingin ko sakanya at nagsimulang magkwento.

"What?! Doc ulitin mo nga ang sinabi mo? Baka mali lang yung findings mo! Babe, mag-second opinion kaya tayo. For sure, mali ang sinasabi niya." sabi ko, pinipigilan ko na maiyak ayaw kong makita ako ni Rovie na umiiyak.

"Hanggang kailan na lang Doc? Three months? Two months? Hanggang kailan ako mabubuhay?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Rovie? Shut up please. Di ka pa mamatay. We can beat that stupid cancer! Di ka pa mamatay, okay? Magpapakasal pa tayo diba? Magta-travel pa tayo. Tuparin mo yung pangako mo please?" hinawakan niya ang mukha ko sabay punas sa mga luhang patuloy na dumadaloy sa mukha ko.

"Babe, ayaw kong umasa ka. Walang kasiguraduhan na mabubuhay ako pero susubukan ko. Promise susubukan ko, para sayo." sabi niya. I smiled.

Di ako sumuko sakanya, lagi akong nasa tabi niya tuwing may chemo therapy siya. Naiiyak ako sa tuwing nakikita siyang nahihirapan pero di ko pinapakita sakanya. Alam kong lumalaban siya para makasama pa niya ako pero after 1 year na pakikipaglaban sa cancer niya, he failed. Sumuko na yung katawan niya. Namatay siya sa tabi ko, hawak-hawak ko pa yung mga kamay niya nung nawalan na siya ng hininga.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko, di ako umattend sa funeral ni Rovie. Para saan? Di pa naman patay si Rovie, alam ko andito pa siya, binabantayan ako. Hindi ako kumakain, kaya nangayayat ako. Muntik pa akong mamatay, uminom ako ng maraming sleeping pills, suicidal na ako at di ko na kaya. Iyak ng iyak nun si Mommy, sobrang naaawa siya sakin pati rin ako naawa sa sarili ko, alam mo yung feeling na buhay ka pero parang patay ka na rin kasi wala ng saysay yung buhay mo kung wala na yung tao nagbibigay saya sayo.

Pero one time, napanaginipan ko si Rovie. Nakita ko siyang malungkot, ayaw kong nakikita siyang malungkot. Tapos sinabi niya sakin na wag ko daw pabayaan ang sarili ko. Natauhan ako kaya para maging masaya ulit si Rovie, sinubukan kong bumangon at magsimula ulit ng bagong buhay.

"I don't really know what to do in my life na wala siya cause he's my everything. He was my bestfriend back then, he's my savior in all situations." di ko na kayang itago yung pag-iyak ko. Ayan na naman umiiyak na naman ako. Ipinangako ko rin yan kay Rovie na di ako iiyak ng dahil sakanya, pero I can't help myself. I miss him so bad.

"I'm sorry to hear that. Ang swerte ni Rovie ano, may girlfriend siyang mahal na mahal siya ng sobra sobra." napatingin ako kay Yohan na nakangiti ngayon, singkit na nga siya mas lalo pa siyang sumingkit ngayon, na-realize ko kamukha pala siya ni Nam Joo Hyuk. May pagka-Oppa naman pala itong si Yohan.

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon