"Bakit Zamille? May problema ba?" tanong ni Yohan. Hanggang ngayon, tulala pa rin ako.
"Daddy." yan lang ang lumabas sa bibig ko nung nakita ko si Dad na nasa bahay nina Yohan.
"Zamille? Anong ibig mong sabihin?" tanong ulit ni Yohan pero wala akong naririnig sa oras na ito. Ang alam ko lang, galit na galit ako kasi nakita ko yung taong iniwan kami at hindi na bumalik pa. Yung taong, hinahanap-hanap ko nung bata pa ako.
"Nice to see you, Mr. Alfred Suarez." nagulat silang lahat lalo na siya.
"Ha? Kilala mo si Daddy?" confirmed! Daddy niya si Mr. Alfred. Isa lang ang maliwanag sakin ngayon na hindi kami pwede ni Yohan dahil magkapatid kami. Oo, magkapatid kami!
"Uhmm hija, nakilala na ba kita dati? Sorry ah medyo makakalimutan na kasi ako." haha halata nga, pati ata yung pamilya mong iniwan nakalimutan mo na rin.
"Let me introduce myself Mr. Alfred. I'm Zamille Sophie Vuizon. Daughter of Ms. Zoey Vuizon. And yung Zamille si Mommy nagpangalan sakin at yung Sophie naman? Ipinangalan sakin yun nung DADDY KO na INIWAN kami at di na NAGPAKITA PA." parang matutumba si Mr. Alfred sa sinabi ko. Napaupo siya at napalapit sina Yohan sakanya at pinapaypayan.
"Dad anong nangyayari sayo?" tanong ni Yohan.
"Cathalina yung gamot ng Dad mo kunin mo!" utos ng Mommy nila.
Ako? Nanatili lang sa kinatatayuan ko, umiiyak. Lumabas na ako kasi baka kung ano pa ang magawa ko.
Palabas na sana ako ng gate kaso bigla akong hinawakan ni Yohan sa braso.
"Zamille, naguguluhan ako. Bakit ka umiiyak at aalis? At bakit kilala mo si Dad?" tiningnan ko siya ng seryoso, mali! Sobrang mali ng ginawa namin. Ughhh magkapatid kami! Tapos jinowa ko? Naiinis ako sa sarili ko.
"Di mo ba napapansin? Ang Daddy mo ay Daddy ko rin, siya yung tinutukoy na iniwan kami simula bata pa ako! Yohan, magkapatid tayo! Magkapatid tayo!" sabi ko. Iyak pa rin ako ng iyak.
"Pero--"
"Alam mo Yohan siguro ipaliban muna natin itong shooting natin. I mean next next week pa naman ito kailangan. Gusto ko munang makapag-isip isip. Okay. Bye!" bigla niya akong niyakap. Alam kong ayaw niya kaming magkahiwalay kahit ako ayaw kong mangyari yun. Palagi na lang kami pinaghihiwalay ng tadhana, tapos ngayon ipaghihiwalay na naman kami?
"Please stay, please." pagmamakaawa niya, bumitaw ako sa pagkakayakap niya.
"Yohan, hayaan mo muna ako makapag-isip isip. Please. Let's claim this as a cool off muna." sabi ko na ikinagulat niya.
"Cool off? Zamille naman. Ayoko, please." pagmamakaawa niya, I can't take this anymore. Ayaw kong nakikita na naman siyang nasasaktan ng dahil sakin.
Bakit ba kasi hindi na lang kami hayaan ng tadhana na maging masaya? Bakit kami pa?
"Sorry, Yohan. Usap na lang tayo tomorrow, para lang sa documentary. Kailangan natin yun matapos. Isantabi muna natin yung ATIN. Please." napatango naman siya at tuluyan na akong lumabas at sumakay ng taxi pero siya? Andun pa rin sa kinatatayuan niya, alam ko na nasasaktan na naman siya pero mas nasasaktan ako lalo na nung nalaman ko na, magkapatid kami.
Umuwi na ako at nung nakita ko si Mommy bigla ko siyang niyakap at napaiyak ako. Sa sobrang lakas ng hagulgol ko nagpuntahan pati sina Kuya at sina Lolo.
"Anong nangyari anak?"
"Apo okay ka lang?"
"Si Yohan na naman ba? Naku mapupuruhan sakin yun! Pigilan niyo ako, masasapak ko yung lalaki na yun!"
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Teen Fiction[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...