Zamille's PoV
Andito kami lahat ngayon sa salas, paano ba naman pagkadating ko nadatnan ko si Kuya na umiiyak at pinapakalma nina Mommy.
"Ano?! Break na kayo ni Frenny? Bakit? Anong problema? Kuya, diba sabi ko sayo wag mong sasaktan si Frenny." naga-alala ako kay Frenny, grabe pa naman umiyak yun at saka baka ano pang gawin nun, alam ko na mahal na mahal niya si Kuya at baka kung ano ang tumakbo sa isipan nun.
"Nakipag-break ako sakanya para di na siya masaktan. May a-anak na kasi ako." mahinang sagot ni Kuya.
"A-Anak?!" sabay-sabay naming tugon. Jusko kaloka itong si Kuya. So Official na, na Tita na ako, I feel so old. Si Mommy haha, lola na.
"Anak, wait ah naguguluhan ako. Anak? Kanino?" tanong ni Mommy.
"Don't tell me Zayn nakabuntis ka ng babae dun sa mga dine-date mo dati sa school?" paga-alala ni Lolo.
"Apo, magkakaroon na rin ng Baby sa bahay! Nagsasawa na ako sa pagmumukha niyong dalawa eh at saka hindi ko na kayo ma-baby." sabi ni Mamita. Grabe ka Mamita ah.
"Chill lang kayo wala akong ibang babae kundi si Stella lang at anak namin si Stayn." sabi ni Kuya. So tama nga ako, anak ni Kuya yung nakita namin sa resto. Omo, ang cute nun eh. Yey! May minion na ako dito sa bahay.
Pero hindi muna ako magsasaya ng tuluyan kasi nga, alam kong nasaktan si Frenny. Yeah mahalaga sakin si Baby Minion este si Stayn pero mahalaga rin yung feelings ng frenny ko na si Agnes.
"Anak, I want to meet my apo. Papuntahin mo siya dito bukas. I'm so excited!" sabi ni Mommy. Tinext naman ni Kuya si Ate Stella. Nagpaalam na ako sakanila at umakyat sa taas.
Binuksan ko messenger ko, sana online si Agnes.
Agnes Pamintuan
Ringing...Wooh salamat naman sinagot.
[Oh frenny? Bakit ka nag-video call? Miss mo na ba mukha ko haha sayang di na tayo nag-abot kanina.]
"Okay ka lang ba?" tanong ko.
[Ofcourse bakit mo naman nasabi na di ako okay? Nakakatawa ka frenny, oh kumusta yung work mo with Yohan?]
"Ayun maayos naman, nagkaayos na kami and wag ka mabibigla. Kami na!" sabi ko. Napangiti naman siya, teka lang ah, hindi si Frenny ang kausap ko kasi kung si Frenny ito, siguradong magtata-talon yun sa tuwa kasi mas OA pa mag-react yun sakin. Hays she's pretending to be okay, kahit hindi naman talaga.
[I'm so happy sainyong dalawa. Sana lahat may second chance ano? Katulad niyo ni Yohan.]
Ngayon, hindi na niya napigilan yung mga luha niya. "I know that you're not okay. Kaya nga kita tinawagan eh para kamustahin ka. Alam ko na yung sainyo ni Kuya." sabi ko. Pinunasan niya ang luha niya saka tumingin sakin ng seryoso.
[Wag na natin siya pag-usapan. I mean okay na tanggap ko na at naiintindihan ko si Zayn. Ayaw ko ring maging miserable yung buhay nung anak niya, ayaw kong ipagkait sa anak niya yung pagkabuo ng pamilya nila. Nga pala Frenny, magbabakasyon muna ako sa Japan for 2 months bukas na alis ko.]
Nagulat ako. Pero anong magagawa ko, hindi ko na rin siya pipigilan kasi nga isa yun sa stage para makalimutan niya si Kuya. "Sige frenny, pero pag may time ka dun ah mag-video call tayo. Tapos pagbalik mo dito don't forget my pasalubong ah." pagbibiro ko.
[Syempre naman Frenny! Sige bye na, magi-impake pa ako eh. Love yah!]
Masaya ako na kahit papaano, ngumingiti si Frenny. I know na kaya niyang makalimutan si Kuya. Kaya mo yan Frenny.
Nagpaalam na ako at in-end ko na yung video call. Nilapag ko na yung phone ko sa table kaso biglang tumunog.
My Darling BB is calling...
"Hahaha Hi Mr. Yohan!"
"Uy Yohan! Pinagti-tripan mo ba ako? Bakit ayaw mong sumagot?"
"Uy Yohan? Bahala ka nga diyan ibababa ko na--"
[Tsk. Kasi naman kulang na naman yung tawag mo sakin]
Aish napakamatampuhin talaga nito. "Hello, Mr. BEIGH Yohan, My Darling BB!" inis kong tugon. Natawa naman siya, trip niya talaga akong inisin ano.
[Hehehe ang cute mo talaga My Darling Baby Boo! Sana andyan ako sa tabi mo para mapisil ko yang chubby cheeks mo hehe joke lang]
"Chubby cheeks ka jan?! Excuse me wala akong ganun! By the way, bakit ka napatawag?" tumawa na naman ang mokong. Ang saya niya talaga palagi.
[Wala lang. I miss you na kasi. Miss ko na yung boses, mukha at pagtataray mo sakin.]
Kalokohan haha pero infairness kinilig ako dun ng very very light konti lang naman hahaha.
[Oh? Nawala ka ata My Darling Baby Boo, kinilig ka ano? Yieee]
"Ewan ko sayo, ang kapal ng fezlak mo! Pero I miss you rin haha baka sabihin mo wala akong kwentang girlfriend."
[Bakit ko naman sasabihin yun? I'm lucky to have a best girlfriend, like you. Di ako makapaniwala na sa wakas naging tayo na rin.]
"Ako rin eh akalain mo yun pinaglayo tayo ng tadhana tapos ngayon yung tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit tayo."
[Kaya nga eh, I Love You My Darling Baby Boo.]
"I Love You too!" sagot ko. Ayun yung mokong kinilig ang pwet haha.
[Sige na! Goodnight na! Baka ako pa sisihin mo pag lumaki yang eyebags mo! Beauty Rest ka na mahal ko!]
"Shemay oo nga, ubos pa naman na yung concealer ko! Sige goodnight na rin my Beigh Yohan!" Ayun natawa na naman ang mokong.
Pagkatapos namin mag-usap ni Yohan, natulog na ako. Ayaw ko ngang lumaki ang eyebags ko at saka ayaw ko magka-pimples no'
***Kinabukasan***
Maaga nagising ang mga madlang people sa bahay, ngayon bibisita si Stayn sa bahay. Nagluluto na si Mommy ng specialty niyang Kaldereta. Si Lolo at Mamita naman hinahanda na yung regalo nila kay Stayn, mga laruan, damit at mga chocolates. Naku spoiled na spoiled ang pamangkin ko. Si Kuya naman sinusundo na sina Ate Stella sa condo nila. At ako nagbe-bake ako ng mga minion cupcakes (may icing na yellow at nakapalibot sa cupcake at nilagyan ko ng chocolate syrup na mukhang mata ng minions) Haha ang cute kasi ng minions, I hope magustuhan ni Baby Stayn!
Ilang oras lang dumating na sina Kuya, agad namin sinalubong sila.
"Hi Baby Stayn and Ate Stella." sabi ko. Sobrang saya naming lahat. Nilapitan ako ni Ate Stella at nagbeso kami. Tapos si Baby Stayn ayun nilalaro na nina Mamita. Nakakatuwa nga si Baby Stayn kasi kahit ngayon niya lang kami nakasama, komportable na kaagad siya.
"Oh Apo, ito mga regalo namin sayo. Do you like it?" sabi ni Mamita at agad binuksan ni Stayn yung mga regalo. Todo ngiti naman si Stayn.
"Bago ang lahat, halina na muna kayo dito. Kumain na tayo!" sabi ni Mommy. Kaya pumunta na kami sa dining table para kumain ng sabay-sabay. Masaya ako kasi may nadagdag ng new member of the family!
Nung tapos na kami kumain ng napakasarap na kaldereta ni Mommy. Kinuha ko na yung minion cupcakes na binake ko.
"And for the dessert. Presenting my very own minion cupcake!" proud kong tugon sabay distribute ng minion cupcake na ginawa ko.
"Wow inion!" bulol na tugon ni Baby Stayn. So cutieeee. Sabi na eh magugustuhan niya ito.
Sinimulan na nilang tikman.
"Hmm ang sarap Zamille!" sabi ni Ate Stella.
"Syempre Ate Stella ikaw kaya nagturo sakin mag-bake dati." sabi ko.
"Yah, pero I think mas magaling ka na sakin." sabi niya. Napatawa naman ako.
I Love this family. Kahit may isang kulang. Alam niyo kung sino? Haha si Daddy pero hayaan na natin siya, masaya na siya sa buhay niya kaya siguro hindi na nagpaparamdam. Pero kahit wala siya may dumagdag naman sa pamilya. Si Ate Stella at si Baby Stayn.
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Fiksi Remaja[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...