♥Chapter 1- New Transferee♥

842 19 0
                                    

Zamille's POV

I am Zamille Sophie Vuizon. I'm a college student and soon makaka-graduate na rin if makapasa ako sa board exam. Nag-aaral ako sa Logistica International School and grandfather ko yung owner nito. So I'm the queen here. Paano ko mapapatunayan?

"Goodmorning Ms. Zamille." sabi nung dalawang babae sabay bow. Ngayon naniniwala na kayo? Pero syempre di naman ako yung tipo na bossy, well minsan oo pero lumulugar ako.

"Frienyyy!" tawag sa akin ng kaisa-isahang bestfriend ko dito sa school.

Siya naman si Agnes Chantel, my bestfriend. Well, dati she's a nerd, no offense. Lagi siyang binubully so parang ako yung naging fairy godmother niya, and I transformed her into a princess like me. So simula nun naging bestfriend na kami.

"What's the problem frieny?" tanong ko. Umupo na muna kami sa may bench.

"Eh kasi si Alfred, pinagpalit ako sa transferee!" sabi niya sabay iyak.

"Psh. Sabi ko naman sayo diba WALANG FOREVER!" I know right. Wala naman talaga, walang permanente sa mundo lahat nawawala.

"Umaandar na naman yung pagka-Philophobic mo." sabi niya. Napa-smile na lang ako sakaniya

Let me explain the meaning of Philophobia

Philophobia
\fə-ˈlä-ˈfō-ˈbē-ə\

It is the FEAR of FALLING IN LOVE or EMOTIONAL ATTACHMENT. It is an unwarranted and an irrational fear of falling in love. Sometimes, the sufferer does fall in love but it causes an intense emotional turmoil in his/her mind.

Yes may ganun ako. Hindi sa nag-iinarte ako basta philophobic ako at ayaw ko muna pag-usapan kung bakit ako nagka-ganito kasi nahihirapan ako.

All of a sudden biglang naluha pa lalo si Agnes at pagkakita ko dumaan pala yung lokong Alfred na yun with her new girlfriend. Ang mga lalaki talaga hindi makuntento sa isa.

"Excuse me." hindi ko kayang nakikita ang bestfriend ko na umiiyak dahil dito sa lalaking ito na kaka-break palang may kapalit na agad. Mygoodness syempre di ko rin hahayaan na may naglalandian sa loob ng school ko like geezz nakakairita kaya sa mata.


"Yes?" sabi nung babae sabay tayo sa kinauupuan niya. Nasa likod ko na si Agnes ngayon at hinahawakan ako sa braso.

"Transferee ka nga." sarcastic kong sabi. Hindi dapat ganun ang pakikitungo sa akin.

"G-Goodmorning po Ms. Zamille." sabi ni Alfred. Napa-taas naman ng kilay yung girlfriend niya at parang nagtataka kung bakit magalang ang pagbati sa akin ng mga estudyante dito including her boyfriend.

"So I'm here para sabihin sainyo na hindi pwedeng maglandian dito." pataray kong sabi. Tinaasan na naman ako ng kilay nung babae. Argh! Bakit niya kailangan gawin yun? Di naman pantay ang pagkilay niya sa sarili niya like duh

"Who are you para pagsabihan kami?" lahat ng estudyante napalingon sa amin ngayon yung iba napatigil pa sa paglalakad at hinihintay kung ano ang gagawin ko. Nakita ko naman si Alfred na pilit hinihila yung girlfriend niyang sobrang puti na lumaklak ata ng isang timbang gluta!

I smirked.

"I'm just Zamille Sophie VUIZON, grandchild of the owner of this school." hindi ko naman talaga pinagmamayabang na apo ako ng may-ari ng school na ito pero sa ngayon gusto niya ako makilala. Gusto ko siyang mapahiya sa harapan nang maraming tao dahil AYAW KO NG UGALI NIYA!

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon