Tumigil kami ni Daddy sa isang park.
"Uhmm ano pong ginagawa natin dito?" tanong ko. Tapos bumaba siya at inalalayan ako sa pagbaba.
"Sundan mo lang ako anak." napatigil ako sa narinig ko. Tinawag niya akong anak, biglang lumambot ang puso ko. Sinundan ko siya at umupo kami sa isang bench sa tapat ng isang playground.
"Dati dito kita palaging dinadala, kayo ng kuya mo. Dito ako nakaupo tapos binabantayan ko kayo habang naglalaro diyan sa playground. Tapos pag pagod na kayo babalik kayo dito tapos bibilhan ko kayo ng ice cream at kakainin niyo dito mismo sa kinauupuan natin." kwento niya.
"Bakit niyo po kami iniwan nina Mommy? Alam niyo po ba naghahanap ako ng kalinga ng isang ama. Di ko alam kung anong pakiramdam ng may Daddy eh. Bakit niyo po kami natiis?" pinipigilan ko ang sarili ko na maluha. Gusto ko malaman kung ano ang dahilan niya. Tumingin siya sakin at ngumiti.
"Hindi namin inaasahan ang pagdating ng Kuya mo. Highschool kami nun ng malaman kong nabuntis ko ang mama mo. Sinabi ng Lolo mo na dapat panagutan ko ang Mama mo at ginawa ko naman kaso di masyadong naging maganda ang pagsasama namin. Palagi kaming naga-away. Hanggang sa dumating ka, di pa rin maganda ang pagsasama namin. Kaya lumayo ako kahit masakit. Iniwan ko kayong dalawa. Alam kong malaki ang kasalanan ko sainyong dalawa, hindi ko man lang inisip ang kapakanan niyo." at tuluyan na akong naluha. Naniwala ako na mahal nila ang isa't isa pero napilitan lang pala si Daddy. Di ko alam ang mararamdaman ko.
"Sorry anak. Patawadin mo ako." sabi ni Daddy. Niyakap ko siya, ang importante ngayon ay masaya ako kasi nakita ko na siya at pinagtapat niya sakin mga pagkakamali niya.
"Daddy, kalimutan na po natin lahat yun. Ang importante ngayon ay magkasama na tayo ulit. Please po i-promise niyo di niyo na ulit ako iiwan, kahit para lang saming dalawa ni Kuya." sabi ko. Simula bata ako yun lang ang tanging hiling ko na sana isang araw bumalik si Daddy at makasama namin. Salamat Panginoon dahil tinupad niyo yung ipinagdarasal ko dati.
"Pangako anak, babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko. Mahal ko kayo ng Kuya mo." sabi ni Daddy.
"Love you too, Dad." sagot ko. "Sige na, ihahatid na kita. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito." natawa naman ako sa sinabi ni Daddy, ngayon alam ko na kung saan nagmana si Kuya. Palagi rin kasi yung binibitin yung mga moments na ganito.
"Hahaha sige po mamaya lumapit satin diyan si Ma'am Charo at baka sabihin na i-MMK na yan! Hahaha" tawa kami ng tawa ni Daddy. Yung mga tao tuloy na we-weirduhan na samin.
Hinatid na ako sa bahay ni Daddy.
"Daddy, gusto mo bang pumasok muna? Para you know makita ka ni Kuya?" sabi ko. Naga-alinlangan pa si Daddy pero pinilit ko siya at napapayag ko rin. Halatang kinakabahan si Daddy kasi tagaktak pawis niya.
"Hahaha Daddy wag kang kabahan, ako bahala sayo." sabi ko. Pumasok na kami sa loob ng bahay at as usual nasa salas na naman ang buong fam kaya na-shookt sila sa grand entrance namin ni Daddy.
"Alfred? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Mommy.
"Daddy?" sabi naman ni Kuya Zayn.
Um-exit muna sina Lolo, Mamita, Ate Stella at Baby Stayn para daw makapag-usap kaming magpapamilya.
Umupo na kami ni Daddy.
"Bakit ka pa bumalik?" pambungad na tanong ni Kuya. Kuya yor road! Yor akting layk a ked! Ay este ano ba yan nagagaya na ako kay Jenny haha. Ang ibig kong sabihin ay grabe naman bumungad si Kuya.
"Kuya!" saway ko pati si Mommy pinigilan na siya.
"Andito si Daddy para makipag-ayos. Para humingi ng tawad. Hindi para sumbatan mo." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Teen Fiction[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...