♥Chapter 17- Happy for THEM♥

316 10 0
                                    

Finals na ngayon hanggang madaling araw akong gising para magreview kaso walang pumapasok sa utak ko. Sinusubsob ko na nga ang sarili ko sa pag-aaral para makalimutan ko na siya pero habang nagre-review ako siya pa rin nasa isip ko. Ughhh

Naligo na ako ng maaga, hindi ko na rin hinintay si Kuya kasi tuwing may test kami maaga nagsisimula eh I need to review pa so maaga akong papasok para man lang makapag-review ulit.

Nag-taxi na lang ako kasi walang maghahatid sakin. It's currently 6:30 am. Siguro dadating ako sa school 7:00 then may 30 minutes pa ako para makapag-review.

Konti palang kami dito sa loob ng classroom. Kinuha ko na yung reviewer. Well, wala namang equation na magaganap buti na lang di ako nag-accounting cause I hate Math. Kaya andito ako sa MassCom.

Why nga ba MassCom? Kasi gusto ko maging researcher o kaya producer sa isang TV Program. Well, na-curious lang ako kung anong ginagawa ng mga tao behind the camera para magkaroon ng isang succesful content na maipapalabas. And I like to travel. So if I become a researcher, magta-travel ako for free! Yeyy haha. And syempre madaming opportunities na trabaho para sa mga graduate ng MassCom.

Pero bago tayo mag-isip ng ganyan back to the reality tayo. So ayan dumating na yung magpapatest samin. Usually, iba-iba ang nagpapatest samin aish miss ko na tuloy yung dating nagpapatest samin. Sobrang bait niya kasi, sinasabi yung mga sagot hakhak. Pero ngayon mukhang terror magpapatest samin.

"Okay. Goodmorning class, so we'll start the test. Ay wait complete na ba kayo?" nagsitinginan sila sa isa't isa at sabay-sabay silang lumingon sa likod kung saan ako nakaupo. Oo nga wala pa siya.

"Ma'am Beigh Yohan is not yet here." sabi nung isa kong kaklase. "Ahh yes nagpa-excuse siya sabi niya iho-home test na lang daw niya yung test." bakit andaya? Ako, apo ako ng may-ari ng school pero never pa sakin yung ginawa ng school. Aish ganun ba talaga siya kaimportante??

Okay. Buti na lang talaga nag-review ako kundi wala akong maisasagot sa test. 100 items ang test wooh kaya pa.

After 12345 hours, napaunat ako. Wooh tapos na rin, nangalay ako dun ah tapos sumakit pa yung ulo ko sa pag-alala ng mga ni-review ko.

Half day lang naman ang test namin kaya pagkatapos nun umuwi na ako. At naabutan ko si Agnes at si Kuya Zayn na nag-uusap sa salas. Anong ginagawa ni Agnes dito? Hindi naman niya sinabi na dadalaw siya sakin.

"A-Agnes? What are you doing here?" tanong ko tapos inilapag ko yung bag ko sa salas at humiga. Ang sakit ng katawan ko at ng ulo ko. Feeling ko nga pumutok na kanina yung mga brain cells ko sa 100 items test na yun. Kaloka! Nakaka-haggard yun ah.

"Uhmm Frenny, dapat sasabihin namin sayo ito kahapon kaso diba nga may problema ka kahapon so we need to comfort you first. Uhmm magagalit ka ba kung sabihin ko na kami na ng Kuya mo?" nanlaki bigla ang mata ko at napatayo ako bigla. Anong sabi niya?

"K-Kayo na ni Kuya?" tanong ko. Napatango sila parehas at napatingin sa baba. Agad ako lumapit sakanila at niyapos sila pareho.

"H-Hindi ka galit?" tanong ni Agnes.

"Bakit naman ako magagalit? Alam ko naman na matagal mo ng gusto si Kuya at sobrang saya ko kasi na kayo na ang nagkatuluyan. Syempre naman gusto ko ang magiging girlfriend ni Kuya ay mabait, di lolokohin si Kuya at syempre kasundo ko rin dapat. At ikaw yun! Omo!" tawang-tawa silang dalawa sa naging reaksyon ko. I'm super happy for them. Akalain mo yun, akala ko walang chance si Agnes kay Kuya kasi kahit anong gawin niyang pagpapapansin, inii-snob lang ni Kuya pero omg talaga buti naman na-realize niya na yung efforts ni Agnes at sana tuluyan niya ng makalimutan si Ate Stella.

"Thank you bunso." sabi ni Kuya. "Kuya one more thing. Wag mong sasaktan ang bestfriend ko ah." sabi ko kay Kuya. Natawa naman ang loko. "Yes boss madam!" sagot niya.

"Dahil diyan magpakain naman kayo!" sabi ko. Umakyat si Kuya sa taas, alam na this! Kukunin nun yung credit card niya.

"Let's go na!" sabi niya tapos kinuha niya yung key sa may tv. "Kuya where's Mommy?" tanong ko. Di ko siya nakita pag-alis ko pati ba naman sa pag-uwi ko? "She's with Mamita, you know nagpa-salon and spa na naman yung dalawang yun. Anyways let's go na." sabi ni Kuya. Syempre dahil ako'y di hamak na third wheel lang kaya dito ako sa likod habang nilalanggam na ako dahil sa ka-sweetan nung dalawa.

"Ehem, remember may tao dito sa likod. Aish pwede wag kayong maglandian sa harapan cause nakakairita kaya." bitter man pero I can't help myself na maiinggit haha bwisit na yan.

"Ambitter mo talaga frenny hmp." sabi ni Agnes.

"Yaan mo yan babe, pinaglihi yata yan ni Mommy sa ampalaya. Kaya ganyan yan." dagdag ni Kuya. Napairap na lang ako, sige lang asarin niyo lang ako TT_TT

Nakarating na kami sa Korean Resto. First time ko dito and di ko alam kung masarap ba ang food dito. Well ang nag-suggest nito ay si Agnes. Kasi naman adik na adik yan sa Kdrama. So since si Kuya ay masunuring Boyfriend sinunod niya ang gusto ni Agnes.

Okay so what to order? Ramyeon at sushi na lang ako since hindi ko naman masyadong kilala yung ibang foods. Samantalang si Agnes, may nalalaman pang Korean Fish Cake na paborito daw ni Kim Bok Joo kaya satingin daw niya masarap daw. Tapos nag-order pa sila ni Kuya ng kimchi at soju. Aish basta masaya na ako sa inorder ko.

"Frenny selfie tayo since first date namin ito." Sabi ni Agnes. "At thirdwheel yung isa diyan" singit ni Kuya. Sige pagtulungan niyo pa ako. #SingleProblem hays

Natigil ako sa pagkain nung biglang nagtilian yung mga babae sa loob ng resto at napalingon ako sa pinto at biglang bumagal ang buong paligid at parang nag-mute ang paligid. Dumaan siya sa table namin at nagkatinginan kami pero iniwas ko kaagad ang tingin ko.

Kasama niya pala si Macy. Mukhang legit nga yung nasa news kahapon. Well, I'm not bitter actually I'm happy for them.

"Gusto mo bang lumipat, Zamille?" Tanong ni Kuya. "No kuya. I'm fine." sagot ko. "Uhmm may I go to the cr? Maiwan ko muna kayo." napatango naman yung dalawa.

Bago ako tumayo napatingin muna ako sa table nina Yohan and nakatingin rin siya sakin kaya iniwas ko ulit yung tingin ko. Naglakad ako ng mabilis papunta sa cr.

Pagkapunta ko sa CR. I locked the door. Gusto kong makapag-isip isip.

Pumunta ako sa sink at naghilamos. Tapos tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Tama ba talaga ang ginawa ko? Tama ba na pinalayo ko siya? Tama ba na sinaktan ko siya? Tama ba na hindi ko siya pansinin? Tama ba na iwasan ko siya? Tama ba na hindi ko nasabi sakanya na parehas kaming nararamdaman sa isa't isa?

Zamille, don't cry. Tama lang ginawa mo, alam mo naman na para rin yun sakanya para sa ikabubuti niya.

Pinunasan ko ang mukha ko at inayos ang sarili ko bago lumabas sa CR. Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Yohan na nakasandal sa pader at tiningnan niya ako ng seryoso at napa-smirk pa +_+

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon