♥Chapter 28- Daddy?!♥

342 9 0
                                    

***April 5, 2018***

Ngayon ang birthday ni Yohan and ngayon rin namin isho-shoot yung 2nd thing na nasa bucket list niya. Natapos na rin yung mahal na araw. Anong ginawa ko? Ayun nag-Bisita Iglesia tapos bonding with Baby Stayn.

Nga pala, sa amin na tumitira si Ate Stella at Baby Stayn tapos ipinagpaalam na namin sila sa Daddy ni Ate Stella. Nakakatakot nga Daddy ni Ate Stella, sabi daw papayagan daw niyang tumira yung anak niya at si Baby Stayn sa bahay namin sa isang kondisyon. Next month daw dapat ikasal na si Ate Stella at si Kuya Zayn. Well, wala naman dung problema kasi I think mahal pa rin nila ang isa't isa. But I think rin hindi pa rin makalimutan ni Kuya si Agnes kasi nung malaman niya na pumunta sa Japan si Agnes para kalimutan siya ayun naglasing.

I know mahal na mahal niya si Agnes. But I'm super excited sa kasal nina Kuya next month. Syempre ako ang bride's maid hehehe.

Ngayon pala nasa NBS ako, bumibili ako ng illustration board, cartolina, glue at stickers. Gagawa ako ng explosion box hihi. Nag-search kasi ako kung ano mas magandang regalo sa boyfriend mo, and lumabas ang explosion box!

So nung nabili ko na yung kailangan kong bilhin, umuwi na ako sa bahay at nag-search kaagad ako kung paano gumawa ng explosion box, wala akong idea eh. Tawag ng tawag sakin si Yohan pero hindi ko sinasagot kasi nga baka madulas ako at baka masabi ko sakanya na may surprise ako sakanya. Kunwari na lang na nakalimutan ko ang birthday niya hihi mamaya pa naman ako pupunta sa bahay nila para i-shoot yung sa documentary, kakauwi lang ng parents niya kagabi so perfect timing talaga sa birthday niya.

Okay so eto na nga, how to make an explosion box tanong ko kay Pareng google. Well, search niyo na lang rin kung gusto niyo ibigay sa mga boyfriend/ girlfriend niyo para makita niya yung mga efforts mo hahaha.

After 10 minutes...

Nagupit ko na yung pinakabase nung box. Struggle is real kasi di pantay-pantay yung sukat ko buti na lang yung pinakamalaking illustration board binili ko kasi alam kong magkakamali ako, hindi kasi ako masyadong magaling mag-arts and crafts kahit pag may project kami sa school nagpapatulong pa ako kay Mommy kasi nga ang hirap.

Nalagyan ko na rin siya ng designs pero kulang pa, kasi ang nakita kong explosion box may pictures at message.

So pumunta ako sa office ni Lolo kung saan may printer haha sasabihin nun bakit ang dali maubos ng ink niya, ang hindi niya alam ginagamit ko whahaha

Konti lang picture namin sa isa't-isa yung nasa phone ko lang nung nag-Vigan kami at nag-scuba diving. Pero ang gagawin ko na lang ay pupunuin ko na lang ng mga pictures ng mukha niya yung explosion box, hindi naman ako nahirapan dahil may pic siya sa google.

Pagka-print ko, bumalik na ako sa kwarto at ginupit yung mga pictures tapos dinikit ko na sila sa explosion box. Then nagsulat rin ako ng mga message ko sakanya. Tapos nung matapos ko na ang lahat, inilagay ko na yung ginawa kong takip para sa box at nilagyan ko ng ribbon.

"Anak kakain na--Uhmm what are you doing?" tanong ni Mommy at lumapit sakin. Nakita niya yung nakalagay sa takip ng box.

"To: My Beigh Yohan? Happy Birthday. Anak? Kayo na ba ni Yohan? Bakit di mo sinasabi samin? Omygod I'm so happy sainyong dalawa, sa wakas naging kayo rin." sabi ni Mommy sabay hug sakin.

"Hehe thank you po. Uhmm Mommy do you think magugustuhan ito ni Yohan. I mean wala na akong maisip na ibigay kasi parang meron na siya ng lahat eh so ito na lang." paliwanag ko. Natatakot talaga ako baka bigla siyang madissapoint sa regalo ko sakanya.

"I'm sure na magugustuhan yan ni Yohan. Sobrang effort mo nga anak eh. Kaya I'm 100% sure na matutuwa si Yohan sa regalo mo." sagot ni Mommy. Tapos bumaba na kami para kumain, as usual masaya na naman kami habang kumakain lalo na dahil kay Baby Stayn, ang takaw niya. Parehas na tuloy kaming may chubby cheeks hehehe

Pagkatapos naming kumain, umakyat na ako sa taas para makapagpalit ng damit at mag-make up na rin kasi hello haharap ako sa mga magulang ni Yohan. Kahit pa work lang ang dahilan ng pagpunta ko dun kailangan maging presentable.

All of a sudden, biglang tumunog phone ko. Yohan is calling. Sige na nga sasagutin ko na siguradong galit na galit na ito hahaha

[Hello? Myghad Zamille akala ko kung na pano ka na. Bakit mo kasi di sinasagot phone mo? Naga-alala ako sayo.]

"Hehehe sorry Babe, ayun nga ngayon lang ako nagising. Pero papunta na ako diyan." sabi ko, waahh kinakabahan ako baka malaman niya na may regalo ako para sakanya hindi siya masu-surprise.

[Sige. Sige. By the way, wala ka bang naaalala ngayon?]

Omg. Kunwari wala hahaha. "Uhmm diba ngayon natin isho-shoot yung 2nd thing sa bucket list mo." pinipigilan ko na yung tawa ko. Pfft

[Aish pasalamat ka mahal kita. Sige My Darling Baby Boo, pumunta ka na dito. I want to see you na tapos ipapakilala na kita kay na Mommy at Daddy.]

What?! Gosh kinakabahan ako. I mean paano kung hindi ako magustuhan ng Mommy at Daddy niya? Paano na?

"Sige, bye! Love Youu" sabi ko.

[Bye, I Love You too.]

Wooh dapat pala di masyadong makapal make-up ko. Natural look lang dapat baka kasi husgahan ako ng parents niya.

Hinatid ako nina Kuya sa bahay ni Yohan. Malapit lang kasi yun sa amusement park na pupuntahan nila nina Ate Stella at Baby Stayn, igagala kasi nila si Baby Stayn.

"Thank You Kuya. Bye Ate Stella and Baby Minion!" *behlat* sabi ni Yohan. Hahaha bully talaga akong tita. What kamukha naman talaga niya yung minion, ang cute kaya ng minion. Yaaahhh!

Nag-doorbell na ako at ang lumabas sa pintuan ay si Yohan kaagad. Myghad di naman siya masyadong excited makita ako?

Agad niya binuksan ang gate at sinalubong ako sabay yakap sakin.

"I miss you, My Darling Baby Boo!" sabi niya, wait hindi ako makahinga, grabe ang higpit yumakap ah.

Kinuha ko na yung explosion box na pinaghirapan ko at ibinigay sakanya.

"Kala mo ata nakalimutan ko na. Happy Birthday Babe! Yan wala akong maisip na regalo so yan na lang explosion box. And bago mo husgahan gusto kong sabihin sayo na pinaghirapan ko yan haha" tapos niyakap na naman niya ako at hinalikan. That was our first kiss. Lagi kasing sa noo niya ako hinahalikan.

"I like it! Thank You sa effort, my darling baby boo. But hindi mo naman yun kailangang gawin, nahirapan ka pa tuloy." sabi niya. Natigil ang pag-uusap namin nung may nag-ehem sa likod namin, pagkalingon ko si Cathalina. Akalain mo yun kapatid pala niya si Yohan, gosh yung mortal enemy ko.

"Long time no see, Zamille. *ngumiti sakin at sandaling tiningnan ako at ibinaling niya ang tingin kay Yohan* Kuya, nakababa na si Mommy and she want to see your girlfriend/producer. *sabay baling na naman sakin ng tingin niya.*" bago siya tumalikod at umalis, tiningnan na muna niya ako mula ulo hanggang paa. Really?! Kung hindi ka lang kapatid ng boyfriend ko naku.

Pumasok na kami ni Yohan. Nung nakita ko yung Mommy niya, nawala yung kaba ko kasi nakangiti siya sakin. Mukhang mabait naman silang lahat eh kaso anong nangyari kay Cathalina?

Tapos may bumaba na lalaki at tumingin kami sakanyang lahat. Nalaglag ang dala kong camera nung mamukaan ko kung sino yung lalaki.

Mas lalo ko siyang nakilala nung papalapit siya samin. Tama nga ang nakita ko at hindi ako pwedeng magkamali, siya si Daddy!

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon