Zamille's POV
Ugh. Ang aga-aga pa, pinapapapunta na kaagad ako ni Yohan sa Moon Magic. Eh ang dali lang naman pumunta sa Batangas. Grr masyadong excited teh?
"You're 1 minute late." psh pati ba naman yun hindi pinalagpas. Kinuha na niya maleta ko at inilagay sa likod ng kotse niya. So wala siyang driver? Kami lang nasa kotse for 2 hours?!
"Oh ano pang ginagawa mo diyan? Get in na!" bulyaw niya. Minsan talaga hindi ko rin matimpla mood nito eh.
Padabog akong pumasok sa loob ng kotse. Then sinimulan na paandarin ni Yohan ang kotse.
Kinuha ko yung camera at itinutok sakanya.
"So where are we going?" tanong ko. "We're going to Anilao, Batangas cause it's in my bucket list to try scuba diving." sabi niya. Then pinatay ko na cam ko, baka ma-lowbat sabagay ang kailangan ko lang naman ngayon ay go pro.
.
.
.
.
Di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Umunat muna ako at nakita ko si Yohan na kinakausap na yung mga tao sa resort na may alam sa scuba diving. Dali-dali akong pumunta sakanila, kailangan kong i-video ito. Si Yohan naman kasi hindi ako ginising."Oh gising ka na pala, tara na!" tapos hinila niya ako at hawak-hawak niya ngayon kamay ko. Hanggang sa makarating na kami sa bangkang sasakyan namin saka lang niya binitawan kamay ko.
Nagsuot kami parehas ng lifevest. Andito na kami ngayon sa bangka, medyo malakas yung hampas ng alon. Safe bang mag-scuba diving nito? Naku Yohan, mamatay ako sa nerbyos nito eh.
"Okay, Yohan. Where are we going?" tanong ko sabay tutok ng cam sakanya. Hinubad niya yung shades niya bago magsalita. "Okay guys, now we're heading sa diving spot. So I'm so excited na! Finally makakapag-scuba diving na ako!" sabi niya. Halatang-halata na excited siya. His reaction was priceless kung tutuusin. May other side palang ganito si Yohan. I mean never ko pa siya nakita na ganito kasaya, yung feeling na gusto mo ng pabilisin yung bangka para makarating kaagad sa diving spot parang ganun nararamdaman niya eh.
After 10 minutes riding a boat, nakarating na kami sa diving spot. Ibinigay ko kay Yohan yung Go Pro.
"Ikaw na bahala mag-shoot sa ilalim." utos ko habang kinakabit sakanya yung oxygen tank at mga equipments pa for scuba diving.
"Ha? Sumama ka." sabi niya. Aba, ayoko nga! Di ako marunong lumangoy at saka baka magpanic lang ako sa ilalim.
"Mag-isa ka!" sagot ko. Bigla siyang lumapit sa akin.
"Sige na please *pout*" hindi mo ako madadaan sa pagpapacute mo, Mr. Yohan Fabio :|
Bigla niyang tinurn on yung camera.
"Okay so ngayon ay magda-dive na kami, kasama ni Producer Zamille!" tapos kinabitan na ako ng mga equipments. Teka, wala pa akong sinasabi na pumapayag ako! I'm scared!
"Yohan, ayoko please. I'm scared, di ako marunong lumangoy." sabi ko. Tumalon na siya sa bangka at inilahad niya ang kamay niya.
"Zamille, YOLO! You Only Live Once, wala naman sigurong masama kung susubukan mo ito. Promise, masaya ito. Wag kang matakot ako bahala sayo. Hindi ko bibitawan kamay mo kahit anong mangyari." hays Lord ikaw na bahala sakin. Napa-sign of the cross ako bago tumalon sa bangka.
Hinawakan ni Yohan kamay ko habang sumisisid kami. Kagaya nga ng sabi niya hindi niya binitawan kamay ko. Tama rin siya na masaya ang mag-scuba diving. Nilibot ko ang mga mata ko at nakakita ako ng mga sea creatures na never ko pang nakita dati. Tapos andaming coral reefs, mapapa-Woah ka na lang talaga.
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Teen Fiction[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...