♥Chapter 9- Remembering Him♥

345 8 0
                                    

Bukas na ang pageant. Kinakabahan ako na excited. Ngayon ay nasa kwarto kami ni Kuya, yup may audience kami, si Agnes. Kagabi pa niya ako kinukulit na manunuod siya sa practice namin kasi gusto niya siya una makakita sa performance namin.

Nagsimula ng mag-gitara si Kuya at ang kakantahin ko ay Rewrite The Stars. Nung una tinanong ako ni Kuya kung sure ba daw ako na yun ang kakantahin ko. I said yes, themesong namin ito ni Rovie and gusto ko mapasaya siya habang pinapanuod ako. Nag-duet kami ni Kuya.

"Woah nice, since perfect na yung na-practice natin. Kita kits na lang bukas, I have to go." umalis na si Kuya. Saan kaya ang punta nun? Really practice ba tawag dun, isang beses pa lang yun. Hays ang tamad talaga ng taong yun pero atleast napapayag ko siya kaya go lang Kuya pero pag di ako nanalo naku paktay ka sakin.

"Ang dali naman umalis ni Fafa Zayn hays. Frenny pwede dito muna tayo mag-stay sa kwarto ni Zayn?" sabi ni Agnes. Napatawa naman ako kasi humiga siya bigla sa kama ni Kuya at inamoy amoy pa yung unan. Eww kadiri siya, may laway kaya yun ni Kuya kasi pag natutulog siya tumutulo ang laway.

Biglang nag-iba ang expression niya nung napalingon siya sa cabinet ni Kuya. Napatingin ako at sabi na nga ba nakita niya yung mga picture ni Kuya at ni Ate Stella na nakadikit dun.

"Frenny sino siya? Ngayon ko palang siya nakita ah." oww she's jealous. "Frenny she's Ate Stella, ang kaisa-isahang babae na sineryoso niya." I said. Napabangon naman siya bigla at titig na titig sa akin. "Ha? Eh bakit never ko pa siya nakikita at saka di ba siya nagseselos kasi iba-ibang babae ang kasama ni Zayn?" napabaling ako sa mga pictures nina Kuya at Ate Stella at nagsimulang magkwento.

"Nasa Korea si Ate Stella. Ayaw ni Kuya na mapalayo sakanya si Ate Stella kasi sobrang mahal na mahal niya ito. Alam mo ba si Ate Stella lang ang babaeng dinadala niya sa bahay. Akala nga namin hanggang huli sila pa rin kasi sobrang bait ni Ate Stella. Actually, siya nagturo sakin mag-bake. Perfect Girlfriend na si Ate Stella pero di ko akalain na sa huli lolokohin lang pala niya si Kuya, pinagpalit siya sa isang koreano. Galit na galit ako kay Ate Stella kasi ginawa niya yun kay Kuya. Muntikan na nga mag-suicide si Kuya dahil sakanya. Kaya naging maloko si Kuya dahil sakanya, until now di pa rin niya makalimutan si Ate Stella." pagkatapos ko magkwento, napansin kong umiiyak si Agnes. "Oy Frenny okay ka lang?" nag-aalala kong tanong.

"Naiinis ako kay Stella, ang swerte swerte niya kay Zayn tapos gaganunin lang niya." natawa ako, grabe talaga ang pagmamahal ni Agnes kay Kuya.

"Sige na Frenny, aalis na ako. Babush! Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Naku pag nakita ko yang si Stella kakalbuhin ko yan." natawa na lang ako kay Agnes. Hinatid ko na siya sa gate at nagpaalam. Di ko naman masisisi si Agnes na ganun ang reaction niya kasi mahal na mahal niya si Kuya sana lang makita ni Kuya ang mga efforts ni Agnes for him.

Napahiga na lang ako sa kama ko, aish wala na akong gagawin ngayong araw. Ayaw ko namang lumabas kasi mainit sa labas, baka bukas di bumagay yung tone nung foundations sakin kasi sobrang itim ko, madali pa naman akong umitim.

Gosh ganito pala ang feeling ng walang ginagawa tuwing weekdays, usually kasi pumupunta ako sa mall or kung saan pang gagalaan.

Kinuha ko na lang yung Ipod ko at pinalsak ko sa tenga ko yung earphones. Paulit-ulit kong pinapatugtog yung Rewrite The Stars By: Zac Efron and Zendaya

Bumalik naman sa alaala ko yung mga panahon na kasama ko pa si Rovie at naiiyak pa rin ako. Nung nawala si Rovie para akong buhay na patay. Buhay nga ako pero para na rin akong patay kasi wala ng saysay ang buhay ko ng wala siya. Sinisisi ko pa rin sarili ko kung bakit siya nawala sa buhay ko.

Binuksan ko yung gallery ko at punong-puno yun ng videos namin ni Rovie. Binuksan ko yung isang video nung pumunta kami sa Tagaytay, sa Picnic Grove.

"Hi Babe!" sabi ni Rovie habang nakasakay kami sa kabayo.

"Hello Babe!"

"I love you so much my queen!"

"I love you too my king!"

"Huwag kang gumalaw, baka mahulog tayo!" taranta kong sabi.

"Babe, don't be scared. Andito lang ako sa tabi mo lagi oh. At saka kung mahuhulog tayo, ako na lang ang magpapakahulog at sasaluhin kita." sabi niya sabay halik sakin sa pisngi.

Short lang yung video pero meaningful. Ito yung mga panahon na nakakangiti ako ng hindi pilit. Dati, nung nasa tabi ko sa Rovie, feel ko safe na safe ako. Wala akong kaibigan dati kaya siya yung nagsilbi kong takbuhan pag may problema ako at kapag malungkot ako, magro-roadtrip kami at pupunta kaming dagat at dun kami sisigaw at iiyak ng sabay. Lahat ng trip ko sinasabayan niya. He's my boyfriend and he is also my bestfriend.

Binuksan ko yung twitter account ko. Usually dito ako naglalabas ng totoong nararamdaman ko, madami na kasing toxic sa FB kaya dito na lang. Wala rin akong privacy sa FB atleast dito sa Twitter naka-private ako.

Zamille Sophie Vuizon
@PrettyZamphie

Sana maging proud ka sakin bukas. I miss you so bad, walang oras hindi kita inisip. Big day tomorrow, goodluck to me!

Agad naman ni-like ni Yohan post ko. Then I checked my DM and may new message na naman siya.

Yohan Fabio
@OfficialYohanFabio

•Eyy wanna talk? May 5 mins break pa kami.

•Hindi, I'm fine naman. Kasi bukas na yung pageant so kinakabahan na ako. By the way, pupunta ka ba dun?

•Uhmm susubukan ko. Kasi nga kailangan talaga naming tapusin yung movie. Are you mad?

•Hindi okay lang na wag kang pumunta baka maabala pa kita nakakahiya naman :)

Then I turned off my ipod.

Aaminin ko naiinis ako sakanya kasi nga di siya pupunta. Di ko rin alam sa sarili ko kung bakit? Pero hindi ko muna kailangang isipin yan. Kailangan ko munang isipin yung pageant tomorrow.

Paano kung madapa ako dahil naapakan yung gown ko?

Paano kung matapilok ako at masira yung takong ng high heels ko?

Paano kung di ako makasagot agad sa Question and Answer?

Paano kung walang mag-cheer sakin?

Ugh. Yan ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Di pala biro sumali sa beauty pageant. Lalo na siguro pag sumali ka sa Ms. Universe, nire-represent mo buong Pilipinas samantala ako, section ko lang.

Goodluck to me, tomorrow is a big day. Lord guide me. Rovie I hope you are very happy and proud at me, this is our dream right? That you will be my number 1 supporter when I joined a beauty pageant.


(A/N Maikli lang yung chapter na ito pero yung next chapter mahaba na 🙌😘💖)

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon