"Bakit kuya? Bakit mo ba pino-protektahan yang Zamille na yan? Do you love her? Kayo ba?"
"Yes kami!" sagot ko. Nabigla silang lahat including Zamille. Kailangan kong sabihin yun para matigil na sila.
Agad ko hinila si Zamille palayo sakanila. Pumunta na kami sa Dean's office.
"Lolo!" agad siya lumapit sa lolo niya, napansin ng lolo niya ang nangyari kay Zamille.
"I heard the news. Kayo ba talaga?" tanong ng lolo niya. "H-Hindi po." sabay naming sagot ni Zamille. Well, I just said it kanina para tigilan na nila si Zamille.
"Yohan hijo, pwede mo bang iwan mo muna kami ng apo ko." utos sakin ni Mr. Vuizon. Napatango naman ako at bago ko buksan ang pinto, lumingon ako kay Zamille at umaasang tinitingnan niya ako pero hindi parang balewala lang sakanya ang pag-alis ko. Ni hindi man lang siya nagpaalam sakin.
Pero siguro I'll give her time muna. Lumabas na ako ng tuluyan at pagkalabas ko nakita ko si Cathalina na nakasandal sa pader at mukhang hinihintay akong lumabas kanina pa. Hinila ko siya papuntang parking lot.
"Ouch kuya, stop it na! Nasasaktan na ako." reklamo niya. "Pasok sa kotse!" utos ko. "Pero kuya. May class pa ako!" pagmamatigas niya, aish ang tigas talaga ng ulo ng babaeng ito.
"Sabi ko pasok na sa kotse, o baka gusto mo pa makarating ito kay na Mommy? Kayang-kaya kong tawagan sila." pagbabanta ko. At sa wakas napasunod ko rin siya. Pumasok na rin ako, maganda ng dito kami mag-usap para hindi na madagdagan pa ang mga issue.
"Bakit mo ginawa yun kay Zamille?!" galit kong tanong. "K-Kuya cause alam kong ginagamit ka lang niya para mas lalo siyang maging famous. At ngayon nga nakuha niya na ang gusto niya sayo." biglang pumintig ang tenga ko. Kahit kailan di yun gagawin ni Zamille. Kilala ko si Zamille and she wouldn't use me for fame.
"Stop that! Kilala ko si Zamille, hindi niya yun magagawa so please tama na Cathalina! Wag mo siyang subukang saktan kundi wag na wag mo na akong tatawaging kuya. Understood?" agad naman siya bumaba sa kotse. Lalabas na sana ako para balikan si Zamille kaso biglang tumunog phone ko.
[Manager Choi is calling...]
Ano kayang kailangan nito? Aish.
"Bakit? Kung yung issue na naman namin yan ni Zamille please wag niyo na akong kulitin. I love her so kahit career ko igi-give up ko para sakanya."
[I called your mother at sinabi ko itong issue mo at alam mo ba ang sabi niya? She said na ayusin mo daw ang career mo at wag mo daw baliwalain ang pinaghirapan niyang papasukin ka sa showbiz.]
Nanigas ang buong katawan ko sa sinabi ni Manager Choi. Mahal na mahal ko si Zamille pero ano ang mas pipiliin ko?
[Oh? Nagbago na ba ang isip mo?...Yohan? Are you still there? Yohan??]
Zamille, ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sayo. Ngayon gusto ko ako naman ang magdedesisyon para sa sarili ko.
Zamille's POV
Ngayon nga ay nakaupo lang ako habang nakikinig sa sinasabi akin ni Lolo. Nananatiling tikom ang bibig ko at tulala habang patuloy na bumubuhos ang luha ko.
"Kailangan mo ng layuan si Yohan." tapos ipinikita sa akin ni Lolo ang isang text message na galing sa Manager ni Yohan
To: Mr. Vuizon
Hi this is, Manager of Yohan.
Please naman po pakisabihan yang apo niyo na lumayo na kay Yohan. Ilang taon nang inaalagaan ng industriya si Yohan. He's the #1 celebrity in the Philippines. Pero bigla na lang ba yun maglalaho dahil sa apo niyo? Please naman po, magiging masaya nga ang apo niyo pero how about yung mga milyon-milyong fans ni Yohan? Please nakikiusap kami, ipalayo niyo na si Ms. Zamille para rin naman ito sa ikinabubuti nilang dalawa.
Thank You for your time.From: +690765******
"Apo yung totoo may nararamdaman ka ba kay Yohan?" tanong ni Lolo. Napalunok ako.
May nararamdaman nga ba ako kay Yohan?
Naging mabuti siyang kaibigan sakin, kahit sinusungitan ko siya. Siya yung taong laging nandyan para pasayahin ako, para pagaanin ang loob ko sa tuwing may problema ako. Siya yung nagsilbing sandalan ko kapag may problema ako. Kahit sandali lang kami nagkasama, magaan na kaagad loob ko sakanya.
Oo aaminin ko siya yung dahilan kung bakit nagbago ang pananaw ko sa buhay. Sabi ko hindi na ako magmamahal muli dahil natatakot akong masaktan. Pero mission failed na naman ako.
Wala akong magawa, mahal ko na nga si Yohan at ngayon nga'y nasasaktan na naman ako. Umiiyak na naman ako ng dahil sa letseng pag-ibig na yan.
"M-Meron po." sagot ko. Nanlaki ang mata ni Lolo sa inamin ko sakanya. Sorry po, Lolo pati kayo nadadamay.
"Pwes itigil mo na ang kahibangan mo. Nabasa mo naman siguro yung text message diba? Pinalaki kitang isang mabuti at may paninindigang bata. Please, apo. Gusto mo bang papuntahin kita sa US para makalimutan mo na siya at magbagong buhay ka dun?" tanong ni Lolo. Pinunasan ko ang luha ko.
"Hindi na po kailangan Lolo. Lalayo at iiwasan ko na lang po siya." sagot ko. Tapos kinuha ko na yung bag ko at lumabas. Pumunta ako sa cubicle, ni-lock ko ang pinto. Umiyak ako ng umiyak sabi nga dun sa movie ng Kathniel "Crying is good for the soul." kaya i-iiyak ko na lang ito.
Kinuha ko ang phone ko at binuksan gallery ko, agad bumungad sakin ang picture namin ni Yohan. Mas lalo akong naiyak.
Yohan, sorry but I need to do this for your own good. Your manager is right, hindi dapat ako maging hadlang sa career mo. Yes, I'm happy to be with you pero paano naman yung mga supporters mo? Yohan sana maintindihan mo ako kung bakit ko gagawin ito. Mahal naman talaga kita eh pero madaming masasaktan pag ipinagpatuloy pa natin ang relasyon nating dalawa.
Napaupo ako at umiyak ng umiyak. Wala akong pake kung mahulas na yung make-up ko.
Naalala ko kanina, kung paano mo ako ipagtanggol sa madaming tao. Pero ayokong palaging ganun tayo, masaya nga tayo eh madami namang galit.
Natigil ako nung biglang tumunog phone ko.
[Yohan Panget is calling...]
Declined.
Mahirap man pero kakayanin ko ito para sayo. Alam kong masasaktan ka pero ito lang ang natatanging paraan para di mawala ang career mo ng dahil sakin.
From: Yohan Panget
Hey Zamille bakit di mo sinasagot tawag ko? Ate you mad at me?
From: Yohan Panget
Zamille please, kausapin mo ako. May problema ba? Zamille mahal kita. Mahal na mahal at nasasaktan ako dahil hindi mo ako kinakausap.
From: Yohan Panget
My Darling Baby Boo. How are you? Nagpalit ka ba ng number? Oh see you na lang bukas sa class. Goodnight.
From: Yohan Panget
I can't sleep. Inaalala kita. Are you okay?
From: Yohan Panget
Kahit hindi mo ako pinapansin alam kong nababasa mo ito. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita My Darling Baby Boo, Zamille. Goodnight ulit. Love you baby.
BLOCKED NUMBER.
Sorry Yohan kailangan kong gawin ito. Sorry, sorry, sorry.
I opened my social media accounts at expected ko na andaming bashers. I deactivated my facebook, twitter and instagram.
I need to isolate myself from them and also to Yohan.
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Teen Fiction[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...