♥Chapter 16- Let Him Go♥

327 7 0
                                    

May pasok ngayon, ayaw ko sanang pumasok dahil alam kong makikita ko si Yohan. Diba nga kailangan kong iwasan siya.

Nagbihis na ako at nag-liptint lang. What a boring day. Sumabay na ako kay Kuya.

"Are you okay?" tanong ni Kuya Zayn. "Ofcourse." Tipid kong sagot. Tapos sinalpak ko sa tenga ko ang earphones ko at umidlip ng konti. Ginising ako ni Kuya at namalayan kong nasa school na ako.

"Kuya mauna na ako, thank you." sabi ko saka lumakad na papunta sa classroom. Habang binabaybay ko ang daan patungo sa classroom, puro bulong-bulungan ang naririnig ko.

I don't deserve this! Nilapitan ko yung mga babae na grabe ka makatingin sakin.

"Ako ba pinag-uusapan niyo? Oh please kung pag-uusapan niyo ako, sabihin niyo straight to my face hindi yung binubulong mo pa sa katabi mo. Gosh ganun ba kayo katakot. Okay so this is your first warning, isa pa, anytime pwede ko kayong ipaalis sa school ko. Ako pa rin si Zamille Sophie Vuizon, tandaan niyo yan! I can make your life like hell, remember that. Excuse me." lahat sila napatingin sa akin at yung mga babae na kinausap ko ay natulala sa sinabi ko.

The old Zamille is back!
Yung Zamille na hindi nagpapatalo sa kahit sino!
Yung Zamille na laging nakasimangot at walang pake sa mundo.
Welcome back, old self.

Mas mabuti ng bumalik ako sa dati atleast tahimik lang buhay ko.

Pagkarating ko sa classroom, oh late na pala ako. And ang malas naman first subject pala namin si Ms. Ursula. Paniguradong pagtataasan na naman ako nun ng kilay niyang lapis lang hakhak (why so evil, Zam? Haha)

"Oh why are you late Ms. Vuizon?" tanong ni Ma'am Ursula este Untalan. Lahat ng mga kaklase ko nakatingin sakin at nakita ko ring nakatitig sakin si Yohan pero iniwas ko agad ang tingin ko sakanya. "Sorry, I woke up late." sagot ko. Tapos papunta na sana ako sa upuan ko nang biglang nagsalita si Ma'am. "Kaya pala, nakita ko ang kuya mo na dumaan dito kanina at tinanong ko kung papasok ka sabi niya kanina ka pa daw nauna at sabay daw kayong pumunta sa school and someone told me na nakipag-away ka daw. Anong nangyayari sayo Zamille? Malapit na mag-finals ayusin mo sarili mo." okay. Ako na naman nakita niya. Hays. Padabog akong pumunta sa upuan ko. Nakalagay ang kamay ko sa desk at nagulat ako nung hawakan yun ni Yohan sabay titig sakin. Di ko pwedeng ipahalata na kinikilig ako kaya agad ko inalis yung kamay ko sakanya.

"Okay class so we have test today." wtf?! Di ako nakapag-review!

Kinakabahan ako, wala akong maisagot. Tapos nagulat ako ng biglang kuhain ni Yohan yung test paper ko at ipinalit yung kanya.

"Lagyan mo na ng pangalan mo." tugon niya. Aish why he need to do that?!

"Bring back my paper please. Di ko kayang dayain ang test." giit ko. "Pero kaya mong hindi ako pansinin." natulala ako sa sinabi niya.

"Okay class pass your paper."

Nag-ring na yung bell it means recess na. Papunta na ako sa cafeteria at biglang may humila sakin at binitbit ako sa school's garden kung saan walang tao dahil nasa cafeteria silang lahat.

"Ano ba?!" kinuha niya yung phone niya at biglang tumunog phone ko na nasa bag ko. Kinuha ko yun at nakita kong tumatawag siya. Ha? Bakit niya ako tinawagan?

"Akala ko nagpalit ka ng number kaya di mo sinasagot yung mga tawag at text ko. Dapat I'll dm you sa twitter pero naka-deactivate ka ba? All your social medias are deactivated? Why? Bakit mo ako iniiwasan? May problema ba? Kung dahil sa issue wag kang mag-alala I'll quit showbiz para hindi nila tayo guluhin. Zamille, I love you and I will do anything just for you." biglang tumulo yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Let's stop this habang maaga pa. Wala rin namang patutunguhan ito. Yohan please, lubayan mo na ako." sabi ko tapos nagulat ako ng bigla siyang lumuhod at hinawakan niya ang kamay ko at ng tumitig siya sa mata ko, pulang-pula na ang mata niya. Umiiyak ba siya? Ugh mas lalo akong nahihirapan.

"Zamille, please wag. Di ko kaya. Zamille I will do anything please wag mo lang akong iwanan. Zamille please! Di ko kayang mawala ka sa piling ko, napamahal ka na sakin. Kung pwede nga lang pigilan ko ang nararamdaman ko para sayo pero di ko magawa!" pagmamakaawa niya. Sorry Yohan, kailangan ko talagang gawin ito. Para rin naman ito sa ikabubuti mo. Ayaw kong masira ang mga pangarap mo ng dahil sakin.

"Sorry Yohan. But I need to do this. Thank You sa lahat ng ginawa mo saking mabuti. Sorry and goodbye." agad ko binitiwan ang kamay niya at tumakbo palayo sakanya. Pinunasan ko na rin ang mga luha ko dahil pinagtitinginan na ako ng mga tao. Nilingon ko si Yohan at nakaluhod pa rin siya ngayon habang umiiyak. Alam kong nasaktan kita pero alam kong mas maganda ang bunga nito.

I love you Yohan but I need to let go.

Pumunta na ako sa cafeteria at nakita ko si Agnes at si Kuya na mukhang hinihintay ako.

"Frenny! May sasabihin kami sa--" bigla nila akong seryosong tiningnan. "Are you fine?" Tanong niya. Napayapos na lang ako sakanya at napahagulgol. "Iiyak mo lang yan frenny, andito lang kami para sayo." ngayon na lang ako umiyak sa harapan nila, last kong iyak nung nawala si Rovie. As usual umiiyak ako ngayon dahil nasaktan ako sa isang lalaki. Ito ang kinatatakutan ko kaya ayoko ng umibig ulit.

"Why are you crying frenny?" tanong ni Agnes. Naghihintay naman sila sa sagot ko. Andito kami ngayon sa cafeteria, may class pa sila pero pinili nila akong samahan dito. Ang result pare-parehas kaming hindi naka-attend sa class.

"Si Yohan kasi--" hindi na ako natapos magsalita dahil ang OA kong Kuya ay grabe na naman maka-react.

"Sinabi ko na sayo diba dati na wag kang maiinlove sa Yohan na yan kasi ayaw kong nakikita kitang nasasaktan ng dahil sa lalaki. Pero anong ginawa mo? Hinayaan mong mahulog ka sa lalaking hindi ka kayang mahalin!" sabi ng OA kong Kuya.

"Kuya grabe ka maka-react. Look, hindi ako ang nasaktan dito kundi si Yohan. Mahal niya ako pero pinalayo ko siya kasi ayaw kong masira yung career niya ng dahil sakin! Nasaktan ko siya..." paliwanag ko. Tapos niyapos nila ako parehas. Aba si Agnes tuwang-tuwa naka-hokage moves siya kay Kuya.

Umuwi na ako, nagpaalam ako kay Lolo sabi ko masakit ulo ko at pumayag na siyang umuwi sakin.

Naalala ko bukas na pala finals. Waahh di ako makapag-aral ng maayos dahil naiisip ko siya. Pero kailangan ko munang isantabi yun hindi ako pwedeng bumagsak. Last na ito, I need to pass the exam para maka-graduate ako.

Binuksan ko muna yung tv at bumungad sakin kaagad ang good news para sa sakanila pero bad news para sakin.

"Macy and Yohan (Team MaYo) are officially dating. Kailan kaya nila aaminin na sila na? Samantala tuwang-tuwa ang mga fans dahil kahit andaming issue, Team MaYo pa rin ang mananaig hanggang sa dulo."

Pinatay ko na ang TV. Masaya ka na pala, hindi mo na ako kailangan. Maraming Salamat sa lahat ng memories, Yohan. Kahit papaano naramdaman ko ang pagmamahal mo.

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon