♥Chapter 4- My Darling Baby Boo♥

449 9 0
                                    

"Mylabs naiintindihan mo ba yung lesson kung nagme-make up ka diyan? Di naman ito make up class ah." sabi niya sabay tawa. Nakakairita, bakit ba niya pinapakialaman ang buhay ko. Nilapag ko yung blush on ko at tumingin sakanya. Talo pa niya ang teacher namin di ako pinapakialaman.

"You don't care. Okay? Bawal ba magmukhang presentable? At last subject na ito so I need to freshen up. And please stop calling me mylabs." sabi ko tapos kinuha ko yung liptint ko sa bag at narinig ko siyang tumawa.

"Okay kung ayaw mong mylabs, I will just call you My Darling Baby Boo." nanliit ang mata niya sa sinabi niya at nakita ko yung dimples niya. Ano ang nararamdaman ko ngayon? Bakit ganito? Hindi tama ito.

"Why are you blushing My Darling Baby Boo?" tanong niya. Hinawakan ko ang mukha ko at iniwas ko ang tingin ko sakanya.

*dugs dugs*

Ano ang nararamdaman kong ito?

"Class Dismiss!" nagsipalakpakan ang mga lalaking nasa unahan ko ngayon. Lahat sila nagsilabasan na at umalis na rin ako at as usual pagkalabas ko ang daming mga fans na naman ng Yohan na yun.

"My Darling Baby Boo di kita mahahatid ngayon eh may shooting kami. See you bukas!" narinig kong sinabi niya sakin na nakapag-irita sakin. Bakit naman niya ako ihahatid? Feeling close lang ang peg.

"My Darling Baby Boo?"
"Sila kaya ni Ms. Zamille?"
"Well, bagay naman sila kaso diba may ka-loveteam si Yohan at sabi nila nagkakamabutihan daw sila nito."

Bakit ako nakaramdam ng selos sa huling sinabi ng mga babae? Ugh kailangan ko siyang iwasan di ko gusto ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako pwedeng ma-inlove sakanya. Kay Rovie lang ako at wala nang iba.

Pumunta na ako sa parking lot paniguradong nakakunot na ang noo ni Zayn bago ako makapunta dun nakita ko si Agnes agad akong lumapit sakanya, naalala ko tinakasan ko siya kanina.

"Agnes!" nagulat naman siya bigla at napatalon pa. Napatawa naman ako sa reaction niya.

"Oh uuwi ka na? Sabay na tayo." sabi niya habang inaayos yung necktie ng uniform niya.

"Ihahatid kasi ako ni Kuya Zayn but if you want na sumabay pwede naman. Madadaanan rin naman yung house mo sa resto na kakainan namin." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Z-Zayn? Di ba nakakahiya? Isasakay niya ako sa k-kotse niya?" oo nga pala, matagal nang may gusto siya sa kapatid ko, kahit may boyfriend siya dito ini-stalk pa rin niya si Kuya.

Hinila ko siya at tumakbo na kami sa parking lot at tama nga ako nakakunot na ang noo ni Kuya habang nakasandal sa sports car niya.

"Why are you late?" tanong niya sabay baling ng tingin kay Agnes.

"Kuya pwedeng idaan natin siya sa house nila? Alam mo na gabi na so baka wala na siyang masakyan." napatango naman si Kuya at sumakay na.

"Dun ka sa front seat." sabi ko kay Agnes na kilig na kilig. Agad na ako pumasok at pinaandar na ni Kuya ang kotse.

"Kuya turn on your radio. Napakatahimik masyado." binuksan naman niya yung radio at tamang-tama ang kanta yung favorite pa ni Agnes. Napalingon bigla sakin si Agnes at sobrang pulang-pula.

Ano kaya ang nagustuhan niya kay Kuya? Eh ang tamad-tamad kaya niyan sa bahay tapos di pa gentleman, well sa akin lang naman pero ewan ko lang sa ibang babae. Tapos siya yung seryosong tao tapos mamaya tatawa na lang bigla ng walang dahilan. Di ko alam kung saan siya nagmana hays I'm not like that naman -,-

"D-Diyan na lang ako sa unang kanto." nahihiyang tugon ni Agnes. Agad naman niliko ni Kuya yung sasakyan niya.

"T-Thank You Zayn at Thank You rin Frienny!" sabi ni Agnes. Napa-smile naman ako at ibinaling ko ang tingin ko kay Kuya na wala man lang reaction, nakatingin lang siya sa unahan at hinihintay na bumaba si Agnes. Ang sungit niya talaga. Bumaba na si Agnes at nag-wave ulit sa akin.

Agad pinaandar ni Kuya yung sports car niya.

"Kuya bakit di mo i-date si Agnes? I mean she's a nice girl naman kay sa sa mga dine-date mo na ang habol lang sayo yung katawan mo. Gosh!" ibinaling ni Kuya ang tingin niya sakin habang nakatigil kami dahil nag-red na yung traffic light.

"Yah. I know she's a nice girl. Pero di mo kayang turuan ang puso mo na magmahal. Like you, diba ayaw mo nang ma-inlove ulit kasi si Rovie pa rin ang laman ng puso mo." na-sad ako sa sinabi ni Kuya, ibinaling ko na lang ang tingin ko sa bintana at umuulan ngayon. Ang bigat ng pakiramdam ko pag umuulan.

Naaawa ako kay Kuya, hinihintay pa rin niya sa Ate Stella na bumalik ulit. Siya lang ang tanging babae na sineryoso ni Kuya. Mahal na mahal niya ito pero nung nalaman niya na aalis si Ate Stella kasi gusto ng Dad nito na mag-aral siya sa Korea, ayaw man niyang palayain si Ate Stella pero yun ang pangarap niya kaya pinabayaan na lang niya. After a month, di na nagpaparamdam si Ate Stella kay Kuya at nalaman niya na may iba na pala ito, ayaw maniwala ni Kuya kasi nangako daw sila sa isa't isa na sila ang magkakatuluyan sa huli pero wala eh, totoo nga. May picture na nakita si Kuya sa facebook ni Ate Stella nasa bar sila at may kasama siyang ibang lalaki. Tapos may caption pa na My Happy Pill. Galit na galit ako kay Ate Stella kasi naging masaya naman sila ni Kuya at ginawa ni Kuya ang lahat para maibigay sakanya ang lahat pero sa huli babalewalain lang niya yun.

Kaya di na ako magtataka kung bakit ganito ang buhay ngayon ni Kuya naging miserable na dahil kay Ate Stella.

"We're here." tugon ni Kuya. Agad ako bumaba at nakita ko na agad si Mamita, si Lolo at si Mama na hinihintay kami.

Di ko na hinintay si Kuya at pumasok na sa loob ng resto.

Agad tumayo si Mama para i-hug ako at nagbeso ako kay Mamita. Nag-bless rin ako kay Lolo.

"Akala ko di na kayo dadating." sabi ni Mamita. Mamita is the best Lola in the world. Well, kami lang ang apo niya kasi only child si Mama kaya spoiled kaming dalawa ni Kuya sakanila lalong lalo na kay Mamita.

"Pwede ba naman yun Mamita? Syempre hindi." napatawa naman si Mamita. Umupo na kami at tumawag na si Lolo ng waiter.

"Merong bagong labas na bag ang Marc Jacobs' apo at limited edition lang yun so I'll buy one for you." sabi ni Mamita. Yan ang gusto ko kay Mamita eh. Ibinaling ko ang tingin ko kay Mama na nakakunot na ang noo.

"Ma, stop spoiling her. Mag-ipon siya para mabili niya yun, gusto ko paghirapan niya ang isang bagay para makuha yun. And besides sayang ang pera, ilang bag na ba meron yan? 20? 30? It is too much na, di na nga magkasya sa walk in closet niya." here we go again.


"Zhamiella, ang money ay ginawa para gastusin okay? At saka gusto ko lang naman na ibigay sa mga apo ko yung buhay na di mo naranasan noon. Mahirap tayo noon kaya di ko naibibigay gusto mo pero ngayon na we have lots of money gusto kong ibigay lahat ng yun sa mga anak mo kaya hayaan mo na lang ako. Okay?" napabuntong-hinga na lang si Mama. Natigil ang pag-uusap namin ng dumating si Kuya.

"What took you so long Kuya?" curious kong tanong. Saktong dumating na yung order namin, tsk I don't want rice so pass muna kailangan kong mag-diet I'm preparing for the upcoming pageant sa school, dito na lang ako sa light meals nila.

"Masyadong madaming tao sa labas, magsho-shooting daw dito sina Yohan so dagsa ang fans ni Yohan diyan." what the?! Really? Kahit saan ako pumunta andito yung lalaking ito. Gosh!

Tumingin ako sa labas at andami ngang tao, kanina lang wala pa sila ah. Well, kaya pala may napansin akong tent dun kanina dahil may shooting pala.

Pero bakit dito pa? Bakit palagi ko na lang nakikita siya? Aish kailangan kong umiwas sakanya. Baka may malabag pa ako sa rules ni Rovie, baka magalit pa yun sakin. Di ako mahuhulog sayo. Hinding-hindi, itaga mo yan sa bato.

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon