"Hep! Hep! Hep! Okay so let's make a deal. Kapag nanalo ako sa Ms. Logistica saka ko sayo sasabihin kung sino si Rovie. Okay?" ngumisi siya.
"So sasali ka dun? Woah I'm sure panalo ka na dun, sobrang ganda mo kaya. Naku My Darling Baby Boo iche-cheer kita dun." sabi niya. After all, narealize ko mabait naman talaga si Yohan.
"Siguraduhin mong andun ka ha! Sige na, aalis na ako may practice pa kami para dun kasi sa Monday na gaganapin. So bye and sorry ulit." sabi ko. Nagulat na lang ako nung biglang niyapos niya ako.
"Sorry din My Darling Baby Boo." sagot niya. Namula ako pero di ko pinakita sakanya kasi siguradong aasarin na naman ako ng lalaking ito.
"Sige na bye na!" tugon ko. Kumawala na siya sa pagkakayakap sa akin at lumabas na, naramdaman ko naman na sumunod siya sakin at nasa likod ko siya ngayon. Lumingon ako at nakita ko siyang nakangiti. Natigil ang pagtititigan naming nung tinawag na ako ni Agnes.
"Frenny, ano ayos na ba kayong dalawa?" tanong niya. Hinila ko naman siya at nagba-bye ulit kay Yohan. Pumara na ako ng taxi at sumakay na kami pabalik sa Logistica.
"Tapatin mo nga ako Agnes, ikaw ba ang nagsabi kay Yohan tungkol kay Rovie?" seryoso kong tanong. Napalunok naman siya sa tinanong ko.
"Ano kasi frenny, kinukulit niya ako na sabihin ko sakanya kung may naging boyfriend ka na daw tapos sabi ko si Rovie. Tapos tinatanong niya ako kung sino si Rovie pero sinabi ko baka magalit ka. Yun lang naman sinabi ko. Patawarin mo ako frenny." natawa naman ako sa reaction niya. Kahit kailan talaga ang O.A ng babaitang ito.
"Ano ka ba okay lang pero dapat ikaw number 1 fan ko pag rumampa na ako sa stage ah." Sabi ko. Nagulat naman siya bigla.
"A-Ano? Wag mong sabihin na sasali ka sa Ms. Logistica sa Foundation Day ng school? Omg bes I'm so happy for you. Anong nakain mo bakit ka sasali? Omg excited na ako, for sure ikaw ang winner diyan." ang ingay ng batang ito pati si Manong Taxi Driver napapalingon.
"Sasali ako kasi gusto ni Rovie. Pangarap niya ito sakin kasi since bata ako gusto kong maranasan sumali sa beauty pageant kasi natatakot ako na hindi manalo at nahihiya ako kapag nasa harapan ng maraming tao. Pero si Rovie gustong-gusto na sumali ako at siya pa daw ang number 1 na magche-cheer pero ngayong wala na siya, wala nang magpapalakas ng loob ko pero I know na manunuod siya at magiging proud siya sakin, pangako ko yan." napangiti naman si Agnes sa akin, tumingin ako sa bintana at naiiyak ako, miss ko na talaga siya di pa rin ako maka-move on sakanya, siya lang at wala ng iba ang minahal ko ng ganito.
-
Andito na ako sa gym, dito gaganapin yung pageant sa Monday at dito rin kami magpa-practice.
"Frenny mas maganda ka pa sa mga candidates, kaya mo yan! Go lang! Dito lang ako magche-cheer." sabi ni Agnes. Buti na lang andito siya, kinakabahan ako sa Monday. I've watched different pageants kaya kahit papaano may alam naman ako dito pero nung tiningnan ko yung mga kalaban, mukhang mga sumasali na talaga ata sa pageant dati pa so parang ako lang yung baguhan dito.
"Loka ka, diba may pambato rin yung section niyo. Sino nga pala?" tanong ko.
"Syempre naman ikaw ang susuportahan ko, ikaw ang frenny ko ano. Kaya okay lang na di kami manalo basta ikaw manalo. Ayaw kong maging Ms. Logistica si Cathalina." ohhh you mean my mortal enemy ang isa sa mga makakalaban ko sa Ms. Logistica. This would be fun.
"Sige frenny mauuna na ako sa backstage." paalam ko. Pumunta na ako sa backstage at nagpapalit na yung mga candidates ng dress nila at nagpapa-make up na rin. Buti na lang natural sa akin na may make-up at naka-dress with high heels tuwing pumapasok ako. So I don't need to prepare na pero magre-retouch naman syempre ako, may photoshoot daw kasi bago mag-practice.
"Oh Hi Zamille!" bati ni Cathalina. Fake smile eww. Pero trip kong makipag-plastikan ngayon so game.
"Hello Cathalina, akalain mo yun magkalaban na naman tayo?" tumawa naman siya. Bruha ka, tawa diyan kakalbuhin kita diyan eh.
"Oh oo nga ano, last time na naglaban tayo. Talo ka, so ingat ka bes. Sige na andyan na yung make up artist ko eh. Bye!" Zamille pigilan mo sarili mo, kaya mo yan, wag kang magpapatalo sakanya. Natalo ka niya dati sa pagiging President ng school pero di na ngayon. Di ako talunan duhhh
"Okay ladies, here's your number okay? Official candidate number na yan. Then pag tinawag namin kayo, punta na kayo dito for the photoshoot." sabi nung organizer saka ibinigay sa amin yung number. Okay so I'm Candidate no. 4 tapos narinig ko na nag-yehey si Cathalina cause she's no. 3 and she think mananalo siya kasi favorite number niya yun, duhhh.
Isa-isa nang tinawag yung mga candidates hanggang makarating na sa akin. Yung mga candidates grabe makatingin sa akin tapos may narinig pa akong nakakapang-init ng ulo.
"Bakit siya sumali? For sure luto ang laban."
"Apo siya ni Dean baka siya na ang manalo. Why so unfair?"
"Uwian na for sure, siya na talaga!"Pero kalma ka lang Zamille. Hayaan mo sila. Haters gonna Hate talaga. Kahit kailan hindi ginamit si Lolo para manalo sa mga contest kasi kung ginagamit ko siya edi sana nanalo ako sa pagiging President ng school.
Mga tatlong pictures ang kinuha sa akin. Yung isa naka-fierce, naka-smile at naka-wacky so nag-wink na lang ako. Naisip ko kung ano ba ang ginawa ni Cathalina nung nag-wacky siguro normal face lang niya haha feeling maganda duhh.
Nung tapos na ang lahat, pinapunta na kami sa stage at rumampa isa-isa. Todo cheer naman si Agnes sa akin tapos tinitingnan ko si Cathalina at nakakunot ang noo niya kay Agnes haha. Sarili niyang classmate nilalaglag siya, psh.
"Bes ang galing mo rumampa. Like OMG talaga bes. Sure win na ito!" natigil ang usapan namin nung dumaan sa harapan namin si Cathalina, bastos yun. Ugh unti na lang kakalbuhin ko na talaga yang buhok mong kasing kapal ng mukha mo. Kaqiqil ka eh, wala akong ginagawa sayo, well siguro she's just insecure kasi mas maganda ako sakanya.
"See you on Monday Zamille!" sabi niya sabay ngiti. Mukha mo sana malumpo ka sa Monday joke haha
"Frenny may problema ako." sabi ko kay Agnes habang naglalakad kami palabas ng gym.
"Ano? Gown ba? Hayaan mo tutulungan kitang maghanap." napailing ako.
"Kaya ko na yun, magpapatulong na lang ako kay Mama. Ang problema ko yung talent portion, wala akong maisip na talent." napangisi naman siya.
"Kung maglaro ka kaya ng apoy, tapos bumuga ka ng apoy parang dragon. Nakakita ako nun dati sa isang pageant sa barangay namin, panalo kaagad yung babae kahit di maganda yung answer niya sa Q&A" really?! Di ko naman isusugal buhay ko para lang manalo.
"That's too dangerous kaya." napatawa naman siya at sumang-ayon sa akin.
"Kung kumanta ka na lang, diba you're good at singing." sabi niya. Tinigil ko na dati ang pagkanta dahil naaalala ko si Papa, bonding kasi namin ang pagkanta, palagi kaming magkasundo when it comes to music. Pero simula nung naghiwalay sila ni Mama dahil may ibang babae siya, tinigil ko na ang pagkanta kasi naaalala ko si Papa.
"Paano? Anong kakantahin ko? Sinong maggi-gitara? Ugh ang hirap pala nito." napahawak na lang ako sa noo ko.
"Why not magpatulong ka kay Yohan? Kasi si Yohan nakita ko yun dati nag-guest sa ASAP tapos nag-gitara siya at kumanta pa at sure win ka dahil madaming babae ang titili." si Yohan?
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Teen Fiction[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...