♥Chapter 6- Friends?♥

359 8 0
                                    

"Bakit mo tinatanong, are you jealous My Darling Baby Boo?" seryoso niyang tanong. Bakit naman ako magseselos duh.

"Aminin mo na kasi My Darling Baby Boo, gusto mo ako. May crush na sa akin. Okay lang naman para sa akin. Gwapo kasi ako kaya natural lang yun." really?! Hays may bagyo ata. May bagyong Yohan, shocks ang hangin niya.

"Bakit naman ako magkakagusto sayo? Oo, you're a famous celebrity pero hindi ako magkakagusto sa isang WOMANIZER!" napalakas yung sabi ko kaya nagtinginan ulit yung mga kaklase ko pati yung mga fans napasilip sa bintana ng classroom namin. Tiningnan ko si Yohan at halatang pinipigil niya sarili niya. Oh my god, di kasi ako nag-iingat sa mga pinagsasabi ko. I feel guilty tuloy.

"Womanizer? Really Zamille? Naging mabait ako sayo. Okay lang sakin na sungitan mo araw-araw pero di ko yata matatanggap ang sinabi mo sa akin. Zamille di ako ganun. Hinding-hindi!" sabi niya tapos kinuha niya yung bag niya at umalis, nagkagulo ang mga fans niya pero di niya pinansin. Gosh lakas makapagpa-guilty. Dapat di ko na lang sinabi yun. Di rin ako sanay na tinawag niya ako sa pangalan ko. Aish!

Kung mag-sorry kaya ako, after all naging mabait naman siya sakin. Pero di nagso-sorry ang isang Zamille Vuizon. Pero siguro ngayon kailangan kong babaan ang pride ko.

Since Valentines Day ngayon di na nagklase mga teachers tapos next week rin ay foundation day ng Logistica so wala ring klase. I need to find Agnes.

Bago ako umalis pumunta muna ako sa unahan.

"Lahat ng nangyari ngayon dapat dito lang sa loob ng classroom, kapag nalaman ko na nalaman ng buong campus ang nangyari ngayon, alam niyo na ang gagawin ko sainyong lahat." pagbabanta ko, napatahimik naman silang lahat.

Lumabas na ako at bumaba sa 1st floor andun ang classroom ni Agnes.

"Hinahanap mo ba Kuya mo?" tanong nung bading nilang kaklase. Yup, magkaklase si Agnes at si Kuya. Actually di yun coincidence kasi pinilit ako ni Agnes na sabihin ko daw kay Lolo na magkaklase sila ni Kuya, so dahil mabait ako, her wish is my command ganern!

"Nope. Si Agnes." I said. Agad naman niya tinawag si Agnes at nakita ko siyang lumapit sa akin, tiningnan ako ni Kuya at ngumiti lang at ibinaling ulit yung atensyon niya sa babaeng kausap niya, wala namang pake yun sakin.

"Frenny? Bakit ka nandito? Mamaya pa ang snack ah, miss mo na agad ako?" loka-loka ang babaeng ito.

"No, I need your help. Nagalit kasi sa akin si Yohan, kasali ka ba sa Fansclub niya?" tanong ko.

"What? Anong ginawa mo? Oo kasali ako sa OFC Yohanizers." napangiti naman ako. Kasi updated lagi sila kung saan magsho-shooting si Yohan. I need their help para makausap si Yohan.

"Kailangan natin pumunta sa set nila ngayon. I mean kung wala na dito si Yohan siguradong andun na siya." sabi ko. Agad ko hinila si Agnes papuntang gate. Hinarangan ako ng guard.

"Guard may kailangan lang po akong puntahan. Please, urgent lang po." pagmamakaawa ko.

"Sorry Ma'am Zamille bawal po talaga utos po yun ng Lolo niyo na kahit kayong dalawa ng kuya niyo bawal daw umalis." si Manong guard naman paepal eh.

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon