Zamille's POV
Ayun na nga, na-bokya ako kanina. Hays alam mo yung credible naman ako pero yung Mr. Choi na yun grr. Tabachoi talaga
[Mr. Choi: Gaga ka Zamille! Sinisiraan mo ako hmp]
Teka, shhh Mr. Choi di mo ba nabasa POV ko ito oh. Humiga ako sa kama at umidlip ng onti dahil bumabawi ako ng tulog, ang aga ko kayang nagising kanina.
ZzZzZ
Pagkagising ko, hinagilap ko kaagad phone ko. 5 missed calls. Sino ito? Number lang. Ayan tumatawag na naman.
"Uhmm Hello who's this?"
[I'm Manager Choi. Punta ka now na sa office, may idi-discuss ako sayo.]
"P-Pero diba po--"
[Wala ng pero-pero. Dalian mo na, kaunti lang ang patience ko baka magbago pa isip ko. Dali na gora na!]
"Sabi ko nga po, sige po. Bye--"
*toot toot*
Hays walang modong kausap talaga yung Baklang TabaChoi na yun.
[Mr. Choi: Nakakadalawa ka na Zamille ah, gusto mong kalbuhin kita ah?!]
Aish bakit ka ba singit ng singit Mr. Choi? Hays pero ang gulo talaga nitong kausap. Kanina lang pinalayas niya ako sa office niya tapos ngayon gusto niya akong pabalikin.
Hmm siguro nakita na niya na maganda ang potential ko bilang producer.
Nagsuklay lang ako saka nag-liptint at pulbos. Oh lezzgo na, baka magbago pa ang isip non. Jusko mawawalan pa ako ng career.
Pumara na ako ng taxi, wala na akong time mag-uber. Okay lang na mahal ang singil ng taxi na ito atleast nakarating ako dun on time.
Okay sabi ko nga, mahal ang singil. Pero keri lang. Pumasok na kaagad ako sa Moon Magic Building at sinalubong na naman ako ni Ate Girl.
"Ahhh Miss pinapatawag daw ulit ako ni Mr. Choi." sabi ko. Napatango naman yung babae at sinamahan ulit ako sa office ni Mr. Choi.
"Thank You Ate Girl ah." sabi ko kay Ate na naghatid sakin. Pagkaalis niya dahan-dahan akong pumasok sa office ni Mr. Choi.
At as usual nakatalikod na naman siya at nakatanaw sa bintana na ang tanging nakikita lang naman niya ay mga building. Hays bakit kaya trip na trip niya yun.
"G-Goodmorning po Mr. Choi." bati ko. Nanlaki ang mga mata ko nung pagharap niya ay akala ko si Mr. Choi ang nakaupo dun si Y-Yohan pala. Napasmirk siya at titig na titig sa akin.
"Long time no see Ms. Zamille Vuizon." di ko alam ang gagawin ko. Naninigas ako at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala na nakita ko ulit siya.
Yohan's POV
"Long time no see Ms. Zamille Vuizon." Argh. I miss her. I wanna hug her tight. Pero alam kong hindi naging maganda ang huli naming pagkikita.
"Oh Ms. Zamille andito ka na pa--Yohan? Anong ginagawa mo sa chair ko? Aish kulit mo talaga." sabi ni Manager Choi. Arte talaga ng baklang ito.
[Manager Choi: Ano ba parehas kayo ni Zamille! Sabing hindi ako bakla!]
Fine! Wag ka ngang sumingit sa POV ko. So ayun na nga umalis na ako sa upuan niya at tiningnan ko si Zamille. Hanggang ngayon nakatulala pa rin siya at hindi umaalis sa kinatatayuan niya. Ay ano na lang natulala siya gwapong tulad ko? Ahem alam ko naman yun.
"Yohan labas ka muna." utos ni Manager Choi. What? Yoko nga.
"Psh Yohan, labas na! May idi-discuss lang kami ni Ms. Vuizon. Makipag-usap ka muna diyan kahit kanina or mas better kung umuwi ka na muna bukas na lang kita ipapatawag for the meeting with Ms. Vuizon." oh mukhang masaya ito ah :]
Lumabas na ako at tumingin muna ako kay Zamille pero andun pa rin siya. Tsk na-star struck ata.
Zamille's POV
Di ako makapaniwala na nakita ko na naman siya.
"Ms. Vuizon, umupo ka na dito. Ano pa bang hinihintay mo diyan?" namalayan ko na lang na kanina pa ako nakatulala, namalayan ko rin na nakaalis na pala si Yohan. Agad ako umupo at baka ma-highblood pa itong si Mr. Choi.
"So ang tanging trabaho mo lang ay maging PRODUCER lang ni Yohan." idiniin pa niya yung producer psh. Alam ko naman -,-
"And ang gagawin mo ay gumawa ng isang documentary about him. Ikaw na umisip ng topic, ang airing nito ay sa May so may 1 month ka pang time para i-shoot yun. So I'll see you tomorrow and get ready with your presentation because andito yung director, me, sponsors and si Yohan." napalunok ako nung marinig ko pangalan ni Yohan. Argh! I hate this feeling.
"Also sasabihin ko na sayo ito para pagpursigihin mo trabaho mo. Kapag nag-hit itong documentary ni Yohan, pwede kang ma-promote so dapat makaisip ka ng magandang topic na tutukan ng mga fans." mas lalo tuloy akong kinakabahan, nakaka-tense naman.
Nagpaalam na ako kay Mr. Choi at umuwi na sa bahay.
"Jusko Zamille Sophie Vuizon! Alalang-alala kami sayo. Tinawagan ko pa Kuya mo sabi ko hanapin ka. Saan ka ba pumunta at bakit di ka nagpaalam ha?" yah my OA mother haha.
"Ma bumalik po kasi ako sa Moon Magic. Tanggap na po ako!!" sabi ko. Napatalon naman si Mommy. "Talaga anak? Omg I'm so proud sayo baby Zammy ko!" tch Baby talaga ma?
Umakyat na ako sa room ko at kinuha ang laptop ko. Gagawa ako ng powerpoint presentation, pero wala akong maisip na topic.
ZzZz
ZzZz
Bigla akong nagising nung tinapik-tapik ako ni Mommy. Nakatulog pala ako ugh. Pagtingin ko sa laptop wala pa ring laman ang powerpoint presentation ko.
"Anak kanina pa kita tinatawag, nakatulog ka na pala. Dinalhan na lang kita ng pagkain oh. Alam ko na busy ka eh." aww ang sweet talaga ni Mommy.
"Thank You Mommy. Ma, may itatanong ako." tugon ko. Lumapit sakin si Mommy.
"Ano yun anak?" tanong ni Mommy. "Ma anong magandang topic for documentary about kay Yohan na tatatak sa mga fans?" tanong ko.
"Ahh siguro ang gustong malaman ng mga fans niya ay kung ano ang mga goals niya in life at kung ano ang ginagawa niya off cam. Why not try his bucket list." woah talino ni Mommy. Tama, bucket list ni Yohan. Omg!
"Waah thank you Mommy!" sabi ko sabay yapos sakanya. Pagkaalis ni Mommy, agad ako nag-type na sa powerpoint. Inabot ako ng alas dose.
****Kinabukasan****
8:00 ako nakarating sa Moon Magic office. Sabi kasi ni Mr. Choi wag daw akong ma-late. Pina-set up ko na rin yung projector na gagamitin ko for the presentation.
Then unang pumasok si Mr. Choi kasama yung sa tingin ko ay Director.
"Good Morning Mr. Choi and Direk!" magiliw kong bati. Si Direk bumati sakin pabalik pero si Mr. Choi nevermind psh.
Si Yohan na lang ang hinihintay namin. Aish pa-importante -,-
Tinawagan na siya ni Mr. Choi sa sobrang tagal niya. Nangangawit na ako sa kakatayo dito eh.
"Yohan! Where are you? Andito na si Direk oh pati ready na si Zamille. Yohan dalian mo nakakahiya...Oo na dali na!" dahil naka-loud speaker rinig na rinig ko ang boses ni Yohan na halatang bagong gising. Nanadya ba talaga siya? Alam naman niya na may presentation ako ngayon duh.
*inhale* *exhale* Kaya mo ito Zamille wag kang magpapatalo dun sa Yohan na yun. Gusto niya ito then game!
After 123456 hours dumating na rin si Yohan! Feel na feel naman niya pagpasok sa office. Naka-shades pa (where's the sun kyahh? -,-)
"Goodmorning Direk! Goodmorning Mr. Choi and Goodmorning My New Producer." ako lang ba ang naiinis sa pag-smirk niya tapos kumindat pa, kala niya madadaan niya ako sa mga ganyan. Manigas ka psh -,-
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Novela Juvenil[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...