"Happy Valentines anak, gising na." pagbungad sa akin ni Mama. Really?! Umagang-umaga yun kaagad narinig ko.
"Ma? Walang ganun. Maliligo na muna ako, late na ako hays." boring day for me. Hays mawi-witness ko na naman ang walang kwentang mga ganap ngayon. I really hate this day.
"Anak naman. Why so bitter? Di naman kita pinaglihi sa ampalaya ah." sabi ni Mama sabay tawa. Whatever Ma. Pumunta na ako sa bathroom at nagbabad dun. I don't care kung ma-late ako, hindi ko lang feel ang araw na ito.
Pagkatapos ko magbabad, nag-ayos na ako sa may vanity mirror ko. Naglagay ako ng concealer kasi yung eyebags ko walang patawad. Bakit ba kasi ako nagpuyat kagabi?
Iniisip ko kasi si Yohan kagabi, di ko alam kung bakit pero inuntog ko na yung ulo ko sa pader pero di siya maalis sa isip ko. Naiisip ko yung mga ngiti niya na labas ang dimples nung nagsho-shooting sila dun sa restaurant na kinainan namin. Well, di niya ako nakita dun kasi seryosong-seryoso siya sa pag-arte. Kasama niya yung ka-loveteam niya na si Macy. So andaming fans dun, yung mga Yohannizers, Yohan Fevers at Yohan World at andun rin yung Team MaYo. I hate Mayo, I mean hindi sila yung Mayo spread ang hate ko di ako kumakain nun eh haha
Habang kumakain ako, di ko maiwasang tumingin sakanya habang ka-eksena niya siya Macy. Well, di ko maitatanggi ang galing niyang umarte, parang totoo at feel na feel niya yung bawat lines na sinasabi niya.
"Herschel, can you be my wife?" sabi niya sabay luhod. Tapos nung nag-yes si Macy este si Herschel, yun kasi pangalan niya dun sa teleserye nila na Kung Akin Ang Mundo. Tapos ang pangalan ni Yohan dun ay Avelino.
Tapos yung nag-hug sila bigla silang nag-kiss. Nabilaukan ako at iniabot sa akin ni Kuya yung tubig. Aish nakakagigil yung scene na yun. Feel na feel naman ni Yohan este ni Avelino ang paghalik kay Macy este Herschel. Hmm siguro may namamagitan sa dalawang ito sa real life nila.
Back to reality, andito na ako ngayon sa kotse ni Kuya. Isinabay na niya ako kasi daw mamaya di niya ako maihahatid dahil as usual may ka-date na naman siyang babaeng di ko kilala. Pero I know naman na di siya seryoso dun kasi si Kuya kapag seryoso siya sa isang babae agad niya ipapakilala sa amin siya, dadalhin pa niya sa bahay.
"Kuya I'll go ahead na." sabi ko sabay baba sa kotse. Okay so sabi na nga ba eh, puro couples ang bubungad sa akin. Andaming mga babae na may dala-dalang bouquet of flowers, yung iba may balloons, yung iba may mga love letters pang hawak.
Tapos nung tumingin ako sa side, nakakita ako ng mga nagkukumpulang mga babae at lalaki na nagsisigawan, tapos sa gitna nila may isang lalaki na may hawak na banner na Will You Be My Girlfriend?
Grabe yung effort diba? Pero duh I know na di kayo aabot ng 1 taon baka nga bukas wala na kayo.
So pinagtitinginan ako ngayon ng mga tao, anong pake niyo kung naka-black ako ngayon? Tinataasan ko na lang sila ng kilay. Kasi naglabas ng order ang school na may color coding ng t-shirt ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit pinayagan ni Lolo yung ganun hays.
White-Single and Contented
Red-In A Relationship
Pink-Mutual Understanding
Yellow-Study First
Green-Single and Ready to MingleSo di sila naglagay ng Black kasi dapat Spread Love lang daw. Eww so corny. So ako lang ang kaisa-isahang naka-black ngayon. Pake niyo ba? Hays, si Kuya Zayn naman naka-green he's single and ready to mingle daw.
Nakita ko na kaagad si Agnes na nakaupo sa bench. Nanunuod siya ng anime sa laptop niya.
"Frenny!" tawag ko. Nagulantang siya at napatingin ako sa damit niya, green talaga?
"Bakit ka naka-black?" tanong ni Agnes. Obvious ba? Syempre Walang Forever Day kaya ngayon kaya syempre kailangan kong mag-black.
"Bitter Day kaya ngayon. Actually di lang ngayon araw-araw! Well, mauna na ako. I'm late na sa next subject ko, kita na lang tayo mamayang snack." sabi ko. Pero tinawag niya ulit ako.
"Frenny! Anong suot ni Zayn?" hays akala ko pa naman kung ano.
"Couple shirt kayo." tuwang-tuwa siya at may patalon-talon pa. Hays parehas silang single and ready to mingle, ako? Single and No Time for Love.
Nag-elevator na ako papunta sa school. Tiningnan ko ang langit at sumasang-ayon siya sakin bwahaha sige lang ituloy mo na yang pagbagsak ng ulan para mawalang mag-date mamaya.
Hays kanina pa ako nakakakita ng mga pulang bagay, ang sakit na ng mata ko. Pagpasok ko sa classroom nagde-decorate ang mga kaklase ko, may mga nakasabit na puso. Padabog akong pumunta sa upuan ko at nilagay ko ang earphones ko. I just wanna escape this world for a while.
Ipinikit ko ang mata ko at nakinig lang sa music. Na-realize ko bakit Happy ang Valentines ngayon. Dapat nga nagluluksa sila kasi ngayon yung araw na namatay si Saint Valentine so dapat di sila nagsasaya.
Pagmulat ko, nakita ko si Yohan na naka-green na pumapasok sa pintuan ngayon. Aba may naka-beat ng record ko sa pagiging late. Agad nagkagulo ang mga kaklase kong babae. Here we go again. Di ba sila nagsasawa sa mukha ng lalaking yan? Kasi ako sawang-sawa na.
Tinanggal ko ang earphones ko nung ngumiti siya sakin at parang may sinabi na di ko narinig.
"Ano?!" iritado kong tanong. Napahalakhak naman siya.
"Sabi ko Happy Valentines Day My Darling Baby Boo." napalingon lahat ng mga kaklase ko sa amin. Bakit niya kailangang isigaw?
"Stop shouting nga. Look, di ako nagce-celebrate ng Valentines. Walang ganun okay? Walang permanente sa mundo, lahat nawawala katulad na lang ng pag-ibig sa isang tao, nawawala rin ng parang bula." napahalakhak ulit siya, so anong balak niya tatawa lang ng tatawa ngayon. Walang kwentang kausap.
"Daig mo pa ang ampalaya sa pagka-bitter. My Darling Baby Boo, wag ganun. Just Spread Love, okay? At saka bakit naka-black ka? Malayo pa ang undas ah, gayahin mo ako naka-green. Cause I'm single at nakalaan na ang puso ko sa isang babae." kailangan pa talaga niyang ipamukha?
"Yeah I know, you look good together nga eh." napakunot ang noo niya. Siguro alam naman niya ang gusto kong iparating diba?
"Huh? Sinong sinasabi mo? Alam mo na?" tanong ulit niya. Bakit ko naman di malalaman eh sikat ang loveteam nila ni Macy sa buong Pilipinas at saka andami nilang fans so bakit ko naman di sila makikilala.
"Yes, para ngang totoo yung pinagsasabi niyo kahapon dun sa resto, yung nagso-shooting kayo ng proposal scene niyo I mean nina Avelino at ni Herschel." he smirked.
"Bakit mo nalaman? Wag mong sabihin~ Sinusundan mo ba ako My Darling Baby Boo?" tanong niya, napaiwas naman ako ng tingin. Bakit ako naiilang?!
"No andun kami dahil may Dinner kami with family." totoo naman. We're there para mag-dinner at saka di ko naman alam na andun pala siya like duhhhh
"Hmmm so nakita mo ako umacting? Okay lang ba?" tanong niya. Bakit siya nagtatanong sa akin, di naman ako marunong tumingin sa mga ganyan.
"Uhmm Pwede na. You're acting skills look natural and real. Bawat pagbitiw mo ng lines, mukhang totoo. So totoo nga ba? Kayo talaga ni Macy sa totoong buhay?" seryoso kong tanong, napangisi naman siya.
"Bakit mo tinatanong, are you jealous My Darling Baby Boo?"
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Teen Fiction[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...