Yohan's POV
"Cut! Yohan, Macy and their handlers please go to the conference room, may sasabihin ako!" sabi ni Direk. Ugh nakakapagod mag-shooting tapos may pa meeting pang nalalaman si Direk. Pero sumunod na lang ako, wala rin naman akong magagawa.
Umupo na kami. Pumunta na sa unahan si Direk at kinuha niya ang laptop niya. So may pa-presentation pa talaga siya? Gusto ko na talaga magpahinga.
"What's the meaning of this?!" galit na tanong ni Direk. Nagulat ang lahat ng tao na nasa loob ng conference room at sabay-sabay silang tumingin sakin. What? Anong ginawa ko?
"Yohan, what's the meaning of this?! Di pa nga showing yung movie natin tapos may issue na kaagad na ganito? And who's this girl kailangan siyang mawala sa buhay mo bago pa ang career mo ang mawala." pagbabanta ni Direk, nasa tabi niya ngayon yung handler ko at pinagpapawisan na sa mga nakikita niya.
Pumunta ako sa unahan para makita yung nasa laptop. Isang facebook page lang na 1M na ang likes ang nakita ko.
Team YoZam
Tapos ang profile nun ay edited picture namin ni Zamille na magka-holding hands. Napangiti ako, infairness naman ang astig nung nag-edit nito. I like it!
Ang cover nila ay yung kami ni Zamille at yung mga nagpapicture sa amin kagabi. Tapos may isang video rin dun na sabay-sabay silang sumigaw ng "We support Team YoZam!"
Natigil kami ng pag-uusap nung biglang nag-ring cellphone ko. Unknown number. Agad ko sinagot.
"Hello? Who's--"
[Hoy Yohan! Sabi ko na sayo eh issue ito! Issue! Ngayon hinaharang ako ng mga fans mo dito sa mall, binabash nila ako! Nasa loob ako ng CR di ako makalabas, help me please.]
"Sorry, but promise pupunta na ako diyan, wait for me. Bye!" then she ended the call. Paano niya nalaman phone number ko? Stalker ko siguro yung babaeng yun, nahihiya pang aminin eh.
Palabas na sana ako kasi bigla akong tinanong nung handler ko.
"Yohan, where are you going? Hindi pa tapos ang issue natin dito. Look at Macy she's crying na. Yohan naman, bakit di mo sakin sinabi ito para mas maagapan pero wala na, trending na!" panenermon niya. I don't care about your opinion. Mas mahalaga pa si Zamille kaysa sa career ko.
"Yohan! Di pa tapos shooting? Pupuntahan mo yung babae? Aba, baka maaksaya lang ang oras natin na ginugol sa pagsho-shooting dahil wala man lang tayong benta sa mismong showing." sabi ni Direk. Tiningnan ko silang lahat at nagbitaw ng salitang sana tumagos sa utak nilang makitid.
"I don't care about sa career ko ngayon. Ang mas mahalaga si Zamille, yung kaligtasan niya. Hindi mahalaga yung binabayad niyo sakin para sa pelikula kasi ang mas mahalaga sakin ay si Zam. I'm sorry but goodbye!" at lumabas na nga ako at napaatras ako sa dami ng fans na nasa labas kaya dun ako dumain sa likod at nakapunta ako sa parking lot ng walang hassle.
Pumunta ako sa mall na medyo malapit dito, for sure dun tatambay si Zamille kasi malapit sa school yung mall na yun. Bakit kasi nasa mall yun? Diba may pasok ngayon kaso ako, excuse pero siya? Di kaya absent siya.
Nagsuot ako ng cap at nagshades ako para di ako makilala. Asan ba ang female's comfort room dito? Aish.
I need to find Zamille, ayaw kong masaktan siya because I love her. Yes, tama kayo I fell inlove with her. Simula palang nung una ko siyang makita, napansin ko na kaagad ang kagandahan niya kaya nga sakanya ako tumabi eh. Tapos kinausap ko siya at may pagkamasungit siya pero hinayaan ko lang yun kasi alam ko na mood swings lang yun, natural lang talaga yun sa mga babae. Tuwang-tuwa ako nung malaman ko na hinihintay niya ako nung nag-pageant siya. Di ko matago ang kilig ko lalo nung niyapos niya ako nung manalo siya. Di rin siya nahihiya na sabihin sakin ang personal life niya, tulad nung kay Rovie. Dun palang nakilala ko na si Zamille ng mas mabuti at I think she will be my ideal girlfriend. Lahat naman magugustuhan ang pagkatao ni Zamille because she's a very nice girl.
Back to the issue. Kanina pa ako palibot-libot dito sa mall but I can't find the female's cr. Di kasi ako dito nagmo-mall so I'm not familiar in this place.
"Miss where's the female comfort room here?" nagtaka siya sa tanong ko pero tinuro rin naman niya. "Wait si Beigh Yohan ba yun??" narinig kong sabi niya kaya naglakad ako ng mabilis papuntang female's cr bago pa ako pagkaguluhan ng mga tao dito. Pero medyo napaatras ako nung nakita kong ang daming dumudumog na reporter at mga galit na fans ang andun sa may cr. Kaya pala di nakakalabas si Zamille.
Hell yeah, sumugod na ako. Alam kong natatakot na si Zamille kasi di siya sanay sa mga ganito. Ayaw kong masaktan siya ng dahil sakin.
"Si Beigh Yohan! Si Beigh Yohan!" turo nung isang fan kaya napalingon silang lahat sakin at pinagkaguluhan ako buti may tinuro sakin yung mga guards dati nung pinagkaguluhan ako, dumaan ako sa ilalim nila at di ako napansin. Napalingon na lang sila nung biglang kumalabog yung pinto.
Pagkalingon ko, agad ako niyapos ni Zamille. Tanging hikbi lang niya ang naririnig ko. Kumawala si Zamille sa pagkakayapos niya sakin at hinampas ako sa abs. Trip talaga nito ang abs ko, bakit dun pa niya kailangang hampasin hmmm Zamille ah
"Para saan yun?" tanong ko habang hinihimas ang ano ko ang abs ko HAHA
"Eh kasi naman antagal mong dumating alam mo ba na kung hindi ako nagkulong dito, bugbog sarado na ako diyan? Tapos habang andito ako, minumura ako ng mga fans mo tapos may nagsabi pa na maghihintay lang daw sila sa labas at pag lumabas daw ako kakalbuhin daw nila ako. Gosh nakakatakot yang mga fans mo! Aish kasalanan mo ito eh, kung hindi tayo--" pulang-pula na ang mga mata niya at halatang-halatang takot na takot na siya.
No one can hurt Zamille! Binuksan ko ang pinto ng cr at tumago sa likudan ko si Zamille tapos hinawakan ko ang kamay niya.
"Live us alone! No one can hurt my girl! Remember this, I can quit in showbiz just for her, so if you hurt her feelings again, I will make sure that I will not be in showbiz anymore and I will not do the film anymore!" galit kong tugon. "Tabi!" sabi ko at nagsialisan silang lahat, hanggang ngayon hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Zamille. Gusto kong maramdaman niya na safe siya sa tabi ko.
Sumakay na kami sa kotse, napansin niya ang kalat ng kotse ko. Andito kasi yung mga damit na sinuot ko kanina sa shooting, dito rin ako natutulog minsan at kumakain kaya may balat pa ng fries at burger. Okay nakakahiya ka, Yohan haha
"Saan tayo?" tanong ko. "Sa school I need to bring this things kay Lolo, safe tayo dun cause school namin yun and I will make sure walang makakapasok dun na outsider." tapos kinuha niya yung phone niya at tinext niya Lolo niya na magdagdag ng security at wag papasukin yung mga outsider.
Pagkadating namin sa school, expected ko na andaming fans sa labas at mga reporters na hinaharang na ng mga guards. May ilang kumakatok pa sa kotse ko habang dumadaan kami sa gitna nila.
Finally, nakarating na kami sa loob. Padiretso na sana kami sa office ni Dean kaso biglang may bumato ng itlog at sakto sa face ni Zamille.
"Who did that?!" galit na tanong ko. Pagkalingon ko dun sa gilid nakita ko ang mga grupo ng babae na nakita ko na dati kasi palagi silang pumupunta sa room namin sa pamumuno ni Cathalina, she's my sister. Yes, you're right Cathalina is my sister pero di kami masyadong nag-uusap sa school cause I don't like to. Hindi ko alam ang pumasok sa isip niya, kung bakit niya ginawa yun? Aish san kaya nagmana ang babaeng ito??
"How can you do that to my girl? Diba sabi ko sainyo kapag sinaktan niyo si Zamille. I will quit in showbiz!" Galit kong tugon.
"Bakit kuya? Bakit mo ba pino-protektahan yang Zamille na yan? Do you love her? Kayo ba?" tumingin sa akin si Zamille ng seryoso, pula na naman ang mata niya, kanina pa namumugto ang mata niya. She doesn't deserve this!
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Teen Fiction[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...