♥Chapter 21- His Bucket List♥

338 11 0
                                    

Zamille's POV

Nung umupo na yung feelingero este si Yohan. Sinimulan ko na yung presentation.

"Okay so ang target ng documentation na ito ay walang iba kundi ang mga fans. At maari rin kapag mas nakilala ng iba si Yohan baka mas dumami pa fans niya. So ang naisip kong topic ay His Bucket List." sabi ko. Nakangiti si Mr. Choi at si Direk pero pag baling ko kay Yohan nakataas ang kilay niya. What now?!

"Bucket List? Is that serious?! You mean yung privacy ko mailalabas? psh" okay so you think it's a bad idea?

"Yes masama bang makilala ka lalo nung mga fans mo? At malay mo yung mga BASHERS mo baka maging Fan mo na kapag nalaman nila na di naman pala MASAMA ANG UGALI MO." napatawa naman siya sa mga pinagsasabi ko. Sige lang insultuhin mo lang ako, as if naman may pake ako -,-

"Yah Zamille has a point. Maganda yung naisip niya, mas lalo kang makikilala ng mga tao." at mas lalo nilang makikita kung gaano ka kasama grr qiqil mo si ako eh.

"Fine!" sabi niya sabay taas ng paa sa lamesa. Wala talagang modo grr

"So ang una nating kailangang gawin ay alamin ang Top 5 na nasa Bucket List mo. For example, dream destination mo or kahit anong gusto mong gawin. So we'll start sa Top 5 hanggang sa Top 1 na." napatango naman silang lahat. Si Yohan naman ayun nakahawak sa baba niya at palingon-lingon kung saan-saan. Pampam talaga -,-

"Okay so Mr. Yohan Fabio--"

"Complete name please." sabi niya. What the?! Napa-roll eyes na lang ako.

"Okay so Mr. BEIGH Yohan Fabio kailangan kong ilista yung Top 5 Bucket List mo." sabi ko. Kumuha ako ng notebook at ballpen.

"Top 5, gusto kong magkaroon ng meet and greet with my fans. Top 4, gusto kong mag-scuba diving. Top 3, gusto kong pumunta sa Vigan. Top 2, gusto kong mag-birthday celebration with my family. Gusto kong umuwi sina Mommy at Daddy. At ang Top 1 secret muna." nilista ko na ang lahat ng gusto niyang gawin sa Bucket List niya. Pero itong loko di pa sinabi yung Top 1. Pabitin pa eh.

"Okay so kailangan niyong matapos yun ng 1 month lang. Since medyo madami yun, magsimula na kayo bukas. And you Producer Zamille ikaw lahat mag-aasikaso niyan okay? Trabaho mo yan so don't ask help sa kahit sino sa amin. And also alagaan mo si Yohan ah." baby lang Mr. Choi.

"Oh alagaan mo daw ako." parinig ni Yohan. Napa-roll eyes na lang ako. Anong gusto mong sabihin, subuan kita kapag kakain ka? Psh. Pagkatapos nun niligpit ko na yung mga ginamit ko. Tapos si Mr. Choi, sinamahan si Direk palabas.

Ang kinalabasan, iniwan ako nila sa lalaking ito. Hays. Kung mamalasin ka nga naman.

Pagkatapos ko ligpitin yung mga gamit ko syempre aalis na ako ano. Ano pa ba gagawin ko dito. And isa pa sa labas na lang ako magpapaalam kay Mr. Choi ayokong makasama ng matagal ang lalaking ito psh.

Palabas na sana ako kaso napatigil ako nung sinabi niya pangalan ko.

"Producer Zamille." natigilan ako sa pagbukas ng pinto. Hindi ako lumingon sakanya pero hinihintay ko susunod niyang sasabihin.

"See you tomorrow." sabi niya. Yung inis ko sakanya biglang naglaho nung sinabi niya yun. Kumakalabog na rin ang puso ko pero hindi, hindi tama ito. Ayaw kong maulit yung nakaraan, kailangan habang maaga pa umiwas na ako sakanya.

Zamille, trabaho lang ito. Magsasama at mag-uusap lang kayo dahil sa trabaho at wala ng iba.

Di ko na siya nilingon at tuluyan ng umalis sa office ni Mr. Choi.

Yohan's POV

"Bucket List? Is that serious?! You mean yung privacy ko mailalabas? psh" gustong-gusto kita talagang asarin ang cute mo kasi pag naaasar eh. Pero alam ko naman na maganda ang idea mo at sobrang proud ako sa naisip mo.

Sinabi ko na sayo yung Top 4 na gusto kong gawin na nakalagay sa Bucket List ko. Pero hindi ko pwede pang sabihin yung pang-una sa bucket list ko. Kailangan ko munang pag-pursigihan yun para makamit ko yun. At sa araw na yun, kumpleto na ang buhay ko.

Habang inaayos niya yung mga gamit niya, nakatingin lang ako sakanya. Ganun parin yung ganda niya di pa rin nawawala. I miss her so much, kaya nga tuwang-tuwa ako na siya ang naging producer ko.

"Producer Zamille." paalis na sana siya kaso pinigilan ko siya. Napatigil naman siya. "See you tomorrow." akala ko lilingunin niya ako at masisilayan ko ulit yung mga ngiti niya kaso nagkamali ako. I will get your heart back.

Aaminin ko di pa rin nawawala ang pagmamahal ko sakanya. Gusto kong malaman kung bakit niya ako iniwan? Kung bakit niya ako sinukuan? Kung bakit siya lumayo sakin?

Napasubsob na lang ako sa lamesa at napansin kong may tumutulong luha na sa mga mata ko.

I miss you Zamille. Hindi totoong nakalimutan ko na ang pag-ibig ko sayo. Hindi ka mawawala sa puso ko. Ikaw lang ang una't huling mamahalin ko magpakailanman.

I know it's too corny pero ganun talaga, gagawin mo ang lahat para sa minamahal mo.

****Kinabukasan****

Zamille's POV

Okay so ang fifth sa bucket list ni Yohan ay meet and greet sa mga fans niya. So ngayon mangyayari yun. Buti na lang mabait yung president ng fansclub ni Yohan. Sa kanya ako humingi ng tulong sa pag-organize nito.

Puro blue ang nasa paligid. Blue balloons, yung nasa tarp na may picture niya blue ang background tapos yung mga giveaways na cupcake blue rin ang icing. Okay halatang-halata na favorite ng idol nila ang blue.

Isa-isahan ng dumating yung mga fans niya lahat rin sila naka-blue. Sinet-up ko na yung camera ko at sinimulang i-video yung mga fans. Almost 250 fans ang andito, kulang pa nga daw ang mga ito dahil daw malalayo yung iba.

Nakaupo na silang lahat at wala pa rin si Yohan. Kahit kailan talaga late yung lalaking yun.

All of a sudden may lumapit saking dalawang babae na nakataas ang kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"What are you doing here?" tanong nung isang bruhilda. "Yah diba ikaw yung alleged girlfriend daw ni Yohan. Because of you muntikan ng mawala sa showbiz industry si Yohan!" sigaw nung isa pang bruhilda.

*inhale* *exhale* Zamille, wag na wag mong papatulan yang mga immature na yan. Pigilan mo sarili mong kalbuhin yang dalawa na yan whooo.

Sasagot na sana ako kaso biglang nagtilian yung mga babae at nakita ko na lang yung dalawang babae kanina na wala na sa harapan ko at bumalik na sa upuan niya. Pagkakita ko sa pintuan nakita ko si Yohan na bago ang gupit tapos nakataas pa ang buhok niya.

Zamille, pigilan mo sarili mo. Kaya mo yan, wala ka ng gusto diyan diba? :\

Dumaan sa harapan ko si Yohan at tumigil. Amoy na amoy ko yung mabango niyang perfume.

"Producer Zamille, wag kang ngumanga baka mapasukan ng langaw bunganga mo." eww duh nakanganga daw haha--Teka, ano daw nakanganga?! Nakanganga ako nung makita ko siya? Aish! Napahawak na lang ako sa noo ko.

Anong ginawa mo Zamille, nakakahiya ka gosh!

Perfect Two (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon