Zamille's POV
Andito kami ngayon sa Bantay Bell Tower at umaakyat kami papuntang tuktok. Ang daming hagdan kaya nakakapagod pero nung nakarating na kami ng tuktok, naalis yung pagod namin kasi ang ganda ng view sa taas at nakita na namin yung pinakamalaking kampana.
Using this video cam, I captured those moments na kitang-kita na masaya siya. Gumagaan ang loob ko sa tuwing nakikita kong ngumingiti siya. I'm happy na kasama niya ako sa pag-acomplish ng bucket list niya.
"Ang ganda dito ano." pagbabasag ko ng katahimikan. "Oo parang ikaw." yumuko ako para hindi niya makita na kinikilig ako sa sinabi niya.
"Wag ka ng mahiya, alam kong kinilig ka sa sinabi ko." pang-aasar niya. Tsk. Tsk.
Sandaling tumahimik na naman kami. Nilalanghap ko yung sariwang hangin dito sa tuktok.
"Zamille, kung hindi ako naging artista. Babalik ba yung dating tayo?" nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Napaiwas ako ng tingin sakankya.
"Alam ko na ang lahat. Alam ko na pinalayo ka sakin ng manager ko, and you want the best for me. Ayaw mo na masira ang career ko. Bakit mo ginawa yun? Bakit mo ako sinukuan? I mean kaya ko naman ayusin yun eh." siguro this is the right time para ayusin ko na ang gusot na ito. Matagal kong pinagsisisihan ang ginawa ko sakanya. Tama siya, kung mahal ko talaga kailangan kong ipaglaban at dapat di ko sinukuan kaagad.
"Yohan, hindi ko rin naman gusto ang nangyari. Oo, pinalayo kita, pinagtulukan kita, sinaktan kita kasi para yun sayo. Para di masira ang career mo, ayaw ko na ako ang maging dahilan ng pagbitiw mo sa pagiging artista. Oo, minahal kita. Pinatibok mo ulit yung wala kong pag-asang puso. Ikaw ang dahilan para maniwala ulit ako sa pag-ibig na dati ay sinukuan ko na. Yohan, hanggang ngayon mahal na mahal kita. Kaya ito ako ngayon humihingi ng tawad sayo." di ko na mapigilang umiyak pati si Yohan umiiyak na rin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"Yohan, sorry kung pinagtulakan kita. Sorry kung iniwan kita. Sorry kung hindi kita pinaglaban. I'm very sorry. Ginawa ko lang yun dahil mahal na mahal kita." sabi ko.
"Paano ba yan hindi na kita gusto--" okay lang sakin, alam ko naman na may Macy ka na. Atleast nasabi ko sayo na mahal kita.
"Hindi na kita gusto dahil mahal na kita." nabuhayan ako ng loob at napangiti ako sa sinabi niya.
"Oh ngiti na." sabi niya sabay punas sa luha ko. Ngumiti na ako kagaya ng sinabi niya. "Ayan, mas maganda kang nakangiti. Diyan ako nainlove sayo eh." sabi niya. Hinampas ko nga siya sa abs niya haha na-miss ko paghampas dun ah charot.
"I Love You Zamille." sabi niya.
"I Love You Too Yohan." sabi ko.
"So tayo na? Sinasagot mo na ako??" teka, haha.
"Nanligaw ka ba?" pang-aasar ko. Napa-pout naman siya. Seriously?! Bakit ang cute niya grr
"Dati nung college pa tayo. Kaso pinalayo mo ako eh." sagot niya.
"Pero seryoso, itatanong ko ulit sayo ito. Can you be my girlfriend?" tanong niya. I love him at dapat kami na talaga dati but I chose not to be with him and throw my own happiness to protect his career. But now, I must follow my heart.
"Yes Yohan!" sagot ko. Bigla niya akong binuhat at buti walang tao sa taas kami lang kung meron naku paparazzi.
Palabas na kami sa Bantay Bell Tower at hinawakan niya ang kamay ko. Nagtitinginan na ang mga tao samin.
"Zamille, promise me wag mo na ulit bibitawan kamay ko." hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Promise." sabi ko.
Nag-check out na kami sa hotel. Bye Vigan. Thank You so much for this amazing trip. Hindi ko malilimutan ang lugar na ito dahil saksi ang lugar na ito kung paano kami nagkabalikan ulit ni Yohan.
Habang nasa loob kami ng eroplano pabalik sa Manila nagtanong ako kay Yohan.
"Yohan paano mo nalaman na pinalayo kita dahil ayaw kong masira career mo?" tanong ko. Ngumiti muna siya bago niya sagutin yung tanong ko tapos hinawakan niya ang kamay ko.
"Bago ako umalis sa school kinuha ko muna report card ko at pumunta ako sa Lolo mo para magpaalam. That time, nagho-home school na ako. Then I asked kung bakit mo ako iniiwasan, nag-sorry siya sakin then sabi niya you just want to protect my career kaya iniiwasan mo ako. I tried to confront you nung nagkita tayo sa resto pero wala talaga eh, ayaw mo pa rin akong kausapin so I give you time. Alam mo ba nung graduation mo andun ako." hah? A-Andun siya paano?
"Kasi nga gusto kita makita na guma-graduate at gusto kitang makita na masaya." sabi niya. No I'm not super happy noon kasi wala ka, hinahanap pa nga kita nun eh.
"I Love You My Darling Baby Boo." and he kissed my forehead. Na-miss ko yung pagtawag niya sakin ng napakahabang endearment hays
"I Love You too My Darling BB haha!" masyadong mahaba eh. By the way umidlip lang ako ng konti andito na pala kami sa Manila. Almost 1hr lang naman ang pagpunta dito eh. Pwede rin naman kaming mag-kotse pero aabutin kami ng siyam-siyam. Isa pa kailangan naming makabalik kaagad dito sa Manila para maipakita kay Direk yung mga na-shoot ko.
****
Nakarating na kami sa Moon Magic Building, agad kami pumunta sa office ni Mr. Choi.
"Oh welcome back sa inyong dalawa. So how's the documentary?" tanong ni Mr. Choi.
"Okay naman po, tatlo na po ang natatapos namin. Dalawa na lang. So Yohan, sa birthday mo pagkatapos ng mahal na araw ay magsho-shoot na tayo okay? And also what's the first thing in your bucket list hindi ko pa alam ah?" last time I remembered sabi niya secret lang daw muna yung pang-una sa bucket list niya.
"Oo nga, Yohan. Bakit di mo pa sinasabi samin yun? Para mareview namin?" tanong rin ni Mr. Choi. Pero tawa lang ang sagot ni Yohan.
"Chill lang kayo guys, basta ako bahala dun. Sasabihin ko rin sainyo at the right time." pa-mysterious naman si Yohan wala bang clue? Hays.
Iniwan ko na yung mga clips kay Mr. Choi siya na daw bahala magpakita kay Direk, ire-review daw nila. I hope pasa naman yun sa standards nila.
"Hatidin na kita." sabi ni Yohan. Well, pumasok na kaagad ako sa kotse haha, ang hirap kaya magpa-book ng UBER ngayon.
"Uy thank you nga pala ah. Kasi kung hindi dahil sayo hindi ko magagawa yung dream job ko. Malaking opportunity ito sakin kasi ito yung isang step para maging professional journalist ako." sabi ko. Yah hindi ko talaga akalain na magiging producer agad ako. I thought I will become a researcher pero I'm happy na mataas kaagad yung nakuha kong posisyon.
"No. Dapat sa'yo ako magpasalamat. Kasi kung hindi dahil sa idea mo hindi ko matutupad yung mga nasa bucket list ko. Well, I can do that naman kaso hectic schedule ko pero dahil dito sa documentary kahit sabihing trabaho lang ginagawa ko for me, hindi kasi sobrang nage-enjoy ako and at the same time unti-unti ko nang nagagawa yung mga nasa bucket list ko." sagot niya.
****
Nakarating na ako sa bahay.
"Gusto mo bang pumasok muna sa bahay?" tanong ko sakanya.
"Nah, okay lang. Next time na lang." he said.
"Hehe okay. Goodnight and thank you sa paghatid." sabi ko.
"Anytime My Darling Baby Boo." sabi niya sabay kindat. Then he kiss me again sa forehead.
"Sige na Mr. Fabio. Goodnight na. See you sa Wednesday!" gosh tatlong araw rin kaming hindi magkikita. I will miss him.
"Don't be sad. Text na lang kita haha. I love you and goodnight soon to be Mrs. Fabio." bigla naman akong nasamid sa sinabi niya. At the same time syempre kinilig. Waahh I'm so kilig.
"Puro kalokohan ka talaga! Sige bye na!" kanina pa kami nagpapaalam sa isa't isa haha. Pumasok na ako at bago umalis si Yohan ay kumaway pa sakin.
Pagpasok ko nakita ko si Kuya na umiiyak kasama niya si Mommy at sina Lolo at Mamita.
"What happened??" I asked.
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Genç Kurgu[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...