This is it. Pageant na! Nasa classroom na ako at sinisimulan na nila ang pagme-make up sakin. Kinukulot na rin ako ngayon pero mamayang long gown hindi ako nakakulot ipapa-straight hair ko ito, mas comfortable kasi ako dun.
"Goodluck frenny! Omg win that crown frenny! I know you can do it!" yup andito si Agnes at si Kuya. Sabi nga nila naghahanda na rin daw si Cathalina sa classroom nila. Sabi nga ng mga kaklase nila traydor daw silang dalawa hakhak.
Wooh feel na feel ko yung tensyon. Kinakabahan ako, may aircon at nakaharap pa sakin yung electric fan pero pinagpapawisan pa rin ako kaya todo retouch ng make up ko yung dalawang make-up artist na inarkila ni Mommy.
"You can do it, Anak!" sabi ni Mommy. Napa-smile naman ako, si Kuya naman nasa isang sulok at pinapractice yung tutugtogin niya mamaya.
1:00 pa magsisimula ang pageant. Nakakain na kami kanina pa dahil sa sobrang excited ang aking family haha. Samantala ako kinakabahan aish.
Ito na, talaga. Nasa backstage na kami. Suot ko ngayon yung royal blue gown ko. Ito muna sinuot ko para sabi ni Mommy bongga na daw kaagad. Di ako comfortable sa suot ko, ang bigat kasi. Di ako sanay magsuot ng mga ganito. Pero heels keri lang kasi lagi naman akong nakaheels (para kunwari matangkad hakhak)
Isa-isa nang tinawag yung mga candidates.
"Candidate no. 3, Cathalina Fuentabella." todo cheer yung section nina Kuya. Confident na confident si Cathalina lumakad. Omyy mas lalo tuloy akong kinakabahan. Buti pa sakanya may taga-cheer, yung section ko ata galit sakin, kanina nga wala sila sa classroom. Konti lang sila dun.
"And our very own Candidate no. 4, Zamille Sophie Vuizon!" paglabas ko di ko akalain na ang buong bleachers sa unahan ay puno ng supporters ko. Puro sila nakasuot ng pink na damit na may mukha ko. Aba sino ang may pakana niyan? Tapos andaming tarpaulin na nakalagay yung mukha ko at may nakasulat na Go Candidate no. 4! Tapos may mga torotot pa sila.
Aww nakaka-touch gusto kong umiyak pero later na lang. Naglakad na ako, confidently. Dun lang ako tumitingin sa mga supporters ko para di ako kabahan.
Lumingon-lingon ako sakanila, oo aaminin ko umaasa ako na pupunta dito si Yohan pero wala eh, hindi talaga siya pumunta. Ang nakita ko lang dun ay si Agnes na todo cheer at nasa tabi niya si Mommy na pumapalakpak, andun rin si Lolo at Lola na magkaakbay pa habang tinitingnan ako.
"Good day everyone! I'm Zamille Sophie Vuizon, 20, a student from Mass Communication."
Nung tapos na yung turn ko, pumunta na ako sa may gilid kung saan kasama ko ang ibang candidates. Nakasimangot sa akin si Cathalina, pero I gave her my genuine smile hakhak ang laki talaga ng problema ng babaeng ito sakin.
"Wag kang masyasong confident. Duh siguro binayaran mo yang mga supporters mo na yan eww why so desperate?!" nginitian ko na lang siya. Ayaw kong makipag-away sa makitid ang utak.
Nung tapos na lahat ng candidates nagsibalikan na kami sa backstage at nagbihis muna ng madalian habang may nagi-intermission number pa.
Ang susunod na isusuot namin ay millenial attire. So naka-high waisted pants ako tapos naka-crop top na black then nagsuot rin ako ng mahabang hikaw. Sinisimulan naman na ng mga make-up artist na i-straight yung hair ko.
Then nung tapos na yung tatlong intermission number sinimulan na namang tawagin kami isa-isa.
Tapos nung ako na ang tinawag as in napatayo silang lahat kahit hindi ko sila supporter. Tapos biglang nagsalita yung emcee na ikinasimangot ulit ni Cathalina, nakakatuwang asarin itong si Cathalina.
BINABASA MO ANG
Perfect Two (Completed)
Teen Fiction[Highest Rank: #3 in NamLee Fanfiction] Philophobia- the fear of falling in love or emotional attachment. Ganyan ang case ni Zamille. Well, hindi siya NBSB actually may naging boyfriend siya wayback nung highschool siya pero simula nun wala na. As...