II

2K 80 23
                                    

M.
Miguel

"ALAM ko na gusto mo nang bumalik sa pinanggalingan mo.. Kaya't tutulungan kita kahit mas gusto ko na lumapit pa ang loob ko sayo at ayaw na mawala ka."

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa dami ng iniisip ko. Sana makabalik na ako sa lalong madaling panahon. Baka kasi nag-aalala na yung pamilya ko. Ang malala pa, baka 'di na ako makabalik.

Base naman sa mga napanood ko dati na cartoons, kung saan ka dumaan papunta sa ibang mundo, doon din yung daan pabalik. Pero mukhang iba yata yung sitwasyon ko. Hindi pa nga rin ako makapaniwala na totoo 'to eh. Parang ayaw mag-sink in sa loob ko.

Bago pa man lumubog ang araw at lumipas nanaman ang isang araw ko dito, mabuti na sigurong sulitin ko ang pagkakataon.

Muntik na akong lumabas ng kwarto nang panloob lang ang suot dahil nakakatihan ako sa baro't saya na suot ko kaya't hinubad ko bago sumampa kanina sa kama.

Wala naman akong magagawa kaya sinuot kong muli ang damit at dahan-dahang lumabas nang walang nakakapansin sa akin. Bago ko isara ang gate ng tila isang mansyon na pamamahay ng mga Ibañez ay tiningnan ko muna nang mabuti ito.

Baka mamaya kasi maligaw ako mas mabuti nang alam ko yung itsur-- teka! Di na pala ako malilito. May nakalagay na malaking 'Casa Ibañez' sa pinaka taas ng gate.

Masayang tinahak ko ang daan papunta sa kung saan. Gusto ko sana pumunta sa bayan-sa palengke o kung saan maraming tao. Yung tipong maingay yung lugar tapos nagkukumpetensiya yung mga tindera.

Napagod na ako kakalakad hindi dahil sa haba ng nilakad ko, dahil sa bakyang suot ko.

"Ipangsapin mo 'to sa paa mo kung pupunta ka man sa hardin para maging malinis iyong talampakan pagpasok dito sa bahay."

Napangiti naman ako dahil sa mainit na pagtanggap ni Ginang/Donya Ibañez

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napangiti naman ako dahil sa mainit na pagtanggap ni Ginang/Donya Ibañez. Sa katunay lang, hindi sa kanya bagay ang salitang "ginang" kundi ang salitang "binibini" dahil sa ganda niya at mukhang bata pa talaga siya.

Nakalimutan ko pala na mag-gagabi na, kaya minabuti kong bilisan pa ang lakad kahit hirap ako sa bakya.

Medyo naiiyak na ako kahit ang ganda ng paligid, puro puno ang nakapalibot at mga huni ng ibon ang naririnig ko. Ang kaso nga lang malapit na magdilim. Naagaw naman ng atensyon ko ang liwanag sa di kalayuan.

Tama! Iyun na nga siguro ang pamilihan!

Tinatakbong binagtas ko ang daan at namangha sa nakita. Mga gasera at sulo lang ang nagbibigay liwanag sa paligid ngunit sapat na ito upang magbigay buhay sa paligid. Hindi naman nakawala sa paningin ko ang mga alitaptap na umabot hanggang dito.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon