X

851 41 2
                                    

M.
Konseho

NAPAKASAMA ng timpla ng mukha ni Donya Victoria. Kanina niya pa din ako hindi tinitingnan na para bang seryoso siya at malalim ang iniisip. Nakatungo lang siya at parang tulala. Ni hindi niya nga masyadong nagalaw ang pagkain sa harap niya, eh.

Halos dalawang linggo nalang daw ako mananatili dito kaya natutuwa talaga ako nang labis. Pero alam ko na hindi 'yun ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya.

"Donya Victoria! Ito na po ang sulat mula kay--" Napalipat ang tingin niya sa babaeng biglang umentrada mula sa likod niya. Sumenyas siya sa utusan na ito na lumapit upang iabot ito at agaran ding pinaalis. Pagkabasa niya sa hawak niya kung kanino ito nanggaling siguro.. Tiningnan niya 'ko saglit at tumayo kasunod.

"Kumain ka na, hija. May aasikasuhin lang ako." Naiwan akong nakabusangot ang mukha sa harap ng hapag. Ano ba naman 'yan. Wala na nga akong mapagkaabalahan dito, iiwan pa ako?

Pero kunsabagay, pabor din sa'kin ang mawala ang Donya dahil walang kailangang alalahanin na mga bilin at kung ano pang pangaral. Kaso nga lang talaga wala akong kasama. Bukod sa hindi ko alam kung nasaan si Ofelia, sina Rafael at Miguel ay naglakwatsa!

Magtutungo na sana ako sa silid ko nang biglang tawagin ng Donya ang pangalan ko "Marinara.. hija." Bilang respeto, lumapit ako sa kanya.

Akala ko pa naman nakaalis na siya, nasa labas lang pala ng silid-kainan.

"Sasama ka sa akin.." Hindi niya na sinagot ang mga tanong ko tulad ng kung saan ba niya ako isasama dahil tumalikod na siya at taas noong naglakad papunta sa sarili niyang silid. Ang pagkakasabi niya hindi patanong, pautos kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang sumama.

"Gan'to pala ang pakiramdam kapag kailangan mong maging sunod-sunuran." Kausap ko ang sarili ko sa harap ng salamin habang inaayos ko ang pagkakatali ng buhok ko. Nasanay na din ako sa lumang damit nila na noon ay nangangati ako kapag suot ko. Pero pag ang haba ng saya ang pinag-usapan.. Diyos ko! Hirap pa rin ako at naiinitan!

"Señorita, tinatawag na po kayo ni Donya Victoria.." Dali-dali kong inayos ang buhok ko dahil sa biglaang nagsalita sa labas ng pinto. "Sandali lang po kamo!" Mabilis naman akong lumabas ng silid at nakasalubong ang kilay na bumungad sa akin paglabas si Donya Victoria.

"Sumunod ka sa'kin." Akala ko papagalitan niya na naman ako!

Pansin ko na magubat ang tinatahak namin na daan. Pulos puno at mga ligaw na hayop lang ang nakikita ko.

Inabot din ng ilang oras ang biyahe bago kami makarating sa destinasyon.
Pagbaba ko sa kalesa, isang malaking bahay na pahaba ang nasilayan ko. Wala siyang ikalawang palapag dahil sa baba nito. At pansin ko din na sadyang sa gitna ng kagubatan ito nakatayo. Mukhang tago ang lugar na ito, ah.

"Bilis," Hindi galit ang tono ng Donya pero awtoratibo ito.

Hirap pa rin kasi ako sanay sa haba ng saya ko. Bukod sa matataas ang damo, nagsasabit-sabit din ang laylayan ng aking saya.

Pagkapasok namin, walang bumungad na tao sa'min pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad ang Donya hanggang sa may kinapa siya sa gilid at lumabas ang isang hagdan pababa. May secret passage!

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon