XXXVI

352 21 0
                                    

M.
Rinelfa

NAPAIYAK sila nang i-kuwento ko ang sumunod na nangyari. Si Joselito naman ay pinayagang manatili pero ang sabi niya ay tutulak na siya dahil may tungkulin pa naman siya kahit papaano at bumalik na nga siya kay Kapitan Concepcion.

"Magiging maayos kaya siya?" Nagpupunas ng luha si ate Sonya. Pero halata mong paga ang mga mata. Gano'n din sila ate Ester. Ang mga babae talaga ang madaling apektuhan sa mga gan'to.

"Malakas si Joselito.. Nagawa niya ngang.."

Tinapik ako ni ate Sonya sa balikat at tsaka ako nginitian.

"Nakikita ko nga sa kaniya. Siya nga pala may sasabihin kami sa'yo. Alam na 'to ng lahat ikaw nalang ang hindi." Nakakunot na ang noo ko at takang tiningnan silang lahat pero napayuko lang sila.

Kasalukuyan akong nakikitulog muli dahil hindi ko kayang mapag-isa ngayong gabi. Lalo pa't sariwa ang alaala ng nangyari kanina.

"Tapos na ang pamamalagi ko ngayong taon dito. Babalik na ako sa bayan." Nanlaki ang mga mata ko kay ate Ester nang siya ang magsalita.

"Ang bilis naman.." Malungkot ang tono ko. Naalala ko tuloy ang pagiging bata ko na hindi nila kinaligtaang iparamdam sa akin dahil sa arugang natatanggap ko.

"S-Susunod na ako.." si ate Piyang naman ang nagsalita sumunod si ate Perla. Hindi pa daw ngayong taon si ate Sonya kaya't hindi muna magpapaalam.

"G-Grabe naman.. Magkakahiwa-hiwalay pala tayo agad."

"M-May mga pamilya din kaming gustong buuin.. Pero ang kapulungan na ito ay tinuturing din naming pamilya, huwag kang mag-alala." Lalo akong naluha dahil sa sinabi ni ate Ester.

Kunsabagay, nasa tamang gulang na siya upang magka-anak at bumuo ng sariling pamilya kasama ang asawa.

"Nanumpa lang kami na maglilingkod dahil nga kasama ito sa kultura at ilang matandang kasulutan at paniniwala kaya hindi namin kayang suwayin. Masaya din naman ang mapabilang dito! Sana lang ay sumaya ka din binibini.."

Nagyakapan kaming lahat at buong gabing iniiyak ang kalungkutan.

"Ate Perla? Sasamahan mo ba ako hanggang sa huli?" Nakangiting umiling siya sa akin habang nag-aayos kami ng hihigaan.

"Naninilbihan ako kay Señor Venancio at pinangakuan niya akong papayagang mawalan ng responsibilidad sa susunod. Hindi pa ako makaalis at iwan ka kasi kailangan mo pa ako."

Napayuko ako dahil sa narinig. Ako pala ang may kasalanan kung bakit hindi siya malayang nakakagalaw ngayon.

"P-Pero huwag kang mag-isip ng ibang bagay diyan! Masaya naman akong manilbihan sa inyo!" Niyakap niya ako mula sa likod na parang isang ina.

"A-Ate Perla.. Salamat po. H-Hindi ako nakapagpasalamat kay Ofelia bago niya ako iwan. Kaya't habang magkasama pa tayo.. Nagpapasalamat na ako." Humigpit ang yakap niya pero hindi ako nasakal. Mas nasiguro ang kapayapaan sa aking puso.

Nawa'y maging masaya ang lahat hanggang sa dulo. Nakakapagod ang sunod-sunod na hinanakit na kailangan naming ipasan..

Pagkagising kinaumagahan, agad nila akong pinaalalahanan na pinapatawag ako ni donya Victoria.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon