XLIII

354 22 0
                                    

M.
Prutas

ILANG buwan na rin ang nakalipas at ngayon nalang ako uli makakapunta dito sa kampo. Pinaunlakan ko lang naman ang imbitasyon ng aking Tiya. Hindi ko nga lang sigurado kung nandito ang aking asawa.

Nang dumating kami ni ate Perla, walang mga tao na naglalakad-lakad. Siguro ay nagpapahinga pa sa kanilang mga kubo. Hapon na rin naman at maya-maya lulubog na ang araw.

"Pagpasensiyahan mo na, binibini.. Pagod ka na ba?" Umiling ako kay ate Perla habang nakasuporta din sa sariling balakang.

"Siguro masyado na akong naging matakaw kaya gan'to kabigat ang aming anak.." Natawa na lang siya sa sinabi ko pero hindi nawala ang kanyang pag-iingat.

Nang makarating kami sa kubo ni Tiya, si ate Perla na ang nangatok.

"Señora Rolinda? Nandito na po ang binibini.."

Makailang ulit pa siyang nangatok pero walang nasagot. Uupo na sana ako sa isang silya nang may mapansin ako. Nahirapan akong makahinga sa kaba.

"Binibini? May nararamdaman ka na naman ba--" Agad na natulak ko siya dahil sa palaso na may kasamang salamangka ang kamuntik nang tumama sa kanya.

"Isa itong patibong!" Agad na hinila ako ni ate Perla nang makabawi.

Kahit hirap na hirap ako sa pagtakbo, pinilit kong makasunod sa kanya.

"Binibini!" Halos mapasalampak na ako dahil sa hingal.

Agad na inalalayan niya ako at itinago sa isang puno nang may palasong nagliliyab ang biglang pinakawalan para sa amin.

"A-Ate Perla.. Natatakot ako.." Hindi para sa sarili ko, para sa anak ko.

Pinatahimik niya ako. Nagtatago kami ngayon sa mga puno at tahimik ang mga galaw.

Pumikit si ate Perla at may ibinulong sa hangin. Napansin ko ang gumagapang na mga ugat at kasunod nito ang pagdaing ng isang lalaki.

"Pinilipit ko siya sa aking ugat.. Halika na.." Sobrang layo na namin sa kampo. Halos nasa pusod na kami ng kagubatan. Lalong nadami ang nararamdaman naming papalapit.

May isang sapa kaming nakita. Agad niya akong pinasuong dito dahil may mga batong pwedeng magtago sa aking ulo. Kumbaga papailalim ako dito.

Hindi ko sinasabi kay ate Perla pero nananakit na ang aking tiyan. Masama ito para sa bata.. Kailangan kong magtiis para sa amin.

"D-Dito ka lang, binibini.. Ililigaw ko sila.. Babalikan kita.." Naluha na siya sa akin. Hinimas niya pa ang malaking umbok sa aking tiyan bago ako mabilisang niyakap. "Dito ka lang sa ilalim ng silong ng bato.. Huwag kang lalabas.." Tumango ako sa kanya kahit hindi ko gustong pakawalan ang kanyang mga kamay. Hanggang baywang ko ang tubig pero hindi ako makikita kung hindi ako aalis sa aking puwesto.

Naaalala ko si Ginang Zenaida.. Naaalala ko na naman ang lahat..

Nang makaalis na siya halos mapasigaw ako sa dami ng mga yabag na naririnig ko.

Hindi na rin biro ang pagsakit ng aking tiyan hanggang sa may kung anong sumabog dito.

Pinunit ko ang tela sa aking saya at ito ang kinagat. Nakahawak din ako sa gilid ko para sa suporta.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon