Finalmente

896 38 4
                                    

a/n: I drew Venancio yesterday☝️hope you'll like it.

~•Venancio•~


"MAKINIG ka anak.. Ang sabi ni Madame Helga ang magiging anak ni Rinandra ang nakatakda sa'yo!" Napaka laki ng ngiti ng aking ina. Tuwang-tuwa siya matapos namin bumisita sa babaylan. "Mainam yun! Matalik na kaibigan ko si Rinandra.. Tiyak na magiging masaya ang pamilya natin!"

Hindi naman ako naniniwala sa mga itinakdang mga ganyan. Ikaw lamang ang gagawa ng kapalaran mo. At ikaw ang may kakayahan na baguhin ito. Nakakatawa na sa murang edad, nadiktahan na ng ina ko kung sino ang mapapangasawa ko.

"Siya na ba ang anak mo?" Tumango ang aking ama na may kasamang ngiti. Bahagya niya pang ginulo ang buhok ko sa harap ng lalaki. Kaharap namin ang ginoo na may magandang pangangatawan at tindig. Mestizo din siya at matangos ang ilong. Maayos ang pananamit at wala kang maipipintas dahil sa tindig niya palang, alam mo nang may mataas itong kinatatayuan sa lipunan.

"Magwa-walo na siya.. Kumusta si binibining Rinandra? Balita ko nagdadalang tao daw siya?" Ang kaninang nakangiting ama ko ay naging seryoso. Ang kaharap naman naming ginoo ay mapait na ngumiti lang.

"Anong balak niyo? Kung ano man ang gawin niyo.. Nandito lang ako para sa'yo Macario. Alam mo namang parang kapatid na kita." Nagngisian ang dalawa at nagtapikan pa ng balikat.

"Maiiwan na kita, Macario.. Pupuntahan ko lang ang asawa ko."

Macario Vedasto Nofuente..
Isa sa mga ginoong una kong hinangaan bukod sa ama ko.

Hindi nakawala sa'kin ang lalim ng iniisip ng nakaharap na ginoo. Isang tingin ko palang sa mga mata nito, parang inuubos na ang lakas ko.

Siguro doon ko nakuha ang paraan ng pagtitig ko. Natutunan kong gano'n tumingin dahil sa kanya.

"Anak.. Huwag kang maingay, ah? Dito ka lang.."

Tumango ako sa aking ina nang pumasok na siya sa silid. Bitbit ang palanggana na may mainit na tubig at isang puting tela.

"AHHHHHH!" Malakas na daing ang pinakawalan ng babaeng pinatuloy sa amin.

"Rinandra.. Kaunti pa! B-Bilisan mo nga lang.. B-Basta buong lakas!"

Wala akong nagawa kundi hintayin na matapos ang ginang sa loob. Maselan ang panganganak pero kailangang madaliin, hindi ko alam kung bakit. Nang tawagin na ako upang tumulong, isang palahaw at pag-iyak ang halos bumingi sa akin.

"A-Anak ko.. B-Bakit.." Walang pag-ngawa mula sa sanggol. Ni hindi rin ito nagalaw. Hindi ko naman maaninag kung anong itsura ng kaniyang anak dahil balot ng tela.

"Crisanta! Ang anak ko!" Punong-puno ng pinaghalong pawis at luha ang mukha ng ginang. Hapong-hapo mula sa pagluwal ng kaniyang anak.

"W-Wala na tayong magagawa.. Rinandra.. Kailangan mo nang umalis! Susunod si Macario! Dali na.. R-Rinandra.." Yakap-yakap niya pa rin ang sanggol. Tila ayaw mawalay dito.

Nakikita ko sa mga mata ng aking ina ang pinaghalong pagod, awa at pag-aalala. Hinihila niya nang marahan ang babae patayo pero kasalukuyan itong nagluluksa sa pagkawala ng anak, pagkasilang pa lamang.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon