XLV

514 21 0
                                    


~•1870•~

"VENANCIO!" Tumatawang nilapitan siya ng isang ginoo. Sinuri niya lang ito mula ulo hanggang paa at nagpatuloy sa maliit na aklat na binabasa habang naglalakad. Nasanay na siyang hindi tinatawag na Señor o kahit na anong tanda ng paggalang bilang nakatataas. Pero may iilan pa rin talagang nakasanayan na siyang tawagin na gano'n.

Sumimangot ang huli dahil sa kanyang inasta.

"Aba't kailan ka pa natutong magsuplado?" Sinamaan niya lang muli ng tingin ang huli.

Dati pa naman siyang suplado at walang pakialam sa paligid. Ang lahat ay nagbago noong siya ay kanyang nakapiling.

Kung ano-ano pang biro ang sinabi nito sa kanya pero hindi niya magawang makasagot pabalik.

Naging isa na siyang haciendero. May sariling ari-arian na lalo pang pinapalago. Isa na dito ang planta ng mga iba't-ibang bulaklak, mga mais at palay at iba pang sa tingin niya ay puwede pagyabungin.

Kasama na rin ang mga puno na namumunga ng mga prutas. Ang dati nilang kampo ay napunta na sa kanyang kamay at ito nga ang ngayong pinamamahalaan niya.

"Kumusta naman ang pagiging isang normal na tao?" Humalakhak pa si Marcus na kanya na ring ka-sosyo sa negosyo. "Batid ko na mukhang nakadikit ka na talaga sa katotohanang dapat kang mamuno, may salamangka man o wala." Napatigil siya sa paglalakad nang marinig niya ang salitang kailan man ay hindi niya na gustong marinig dahil sa alaalang nakakapagbigay lamang ng sakit.

"Marcus," Nakuha naman ito ng huli kaya't itinikom na nito ang bibig at nag-iwas ng tingin. Pero bumalik ang sigla nang may tumawag sa kanya.

"Halina kayo!" Nagpaalam na si Marcus na mauuna nang masilayan na ang mahabang lamesa na may iba't-ibang nakahain na putahe.

"Ano bang ipinagdiriwang natin sa araw na ito?" Nahampas naman siya ni Sonya na kasalukuyang hindi na makalakad nang maayos dahil sa permanenteng pilay sa paa. Dulot noong pagsasangga ng mga armas, ang pagdanak ng dugo dahil sa pagnanais ng iba na manatili ang salamangka.

"Nakalimutan mo na? Ito ang unang taon ng ating pagkalaya sa salamangka--" Agad na siniko siya ng katabing babae na may akay na bata sa bisig. "Bakit Ester--" Nang ituro nito si Venancio ay napatikom siya ng bibig.

"Araw ng pagkamatay din ni Juan.." Nanahimik ang lahat nang magsalita si Pedro.

"Hindi ko man siya kakambal, kapatid ko pa rin siya." Nalaman na nila ang katotohanan nang magsalita ang kanilang ama.

Noong una ay hindi niya matanggap, ng kanilang mga kapatid. Pero siya talaga ang pinaka nasaktan. Ano man ang mangyari, hindi niya ito makakalimutan.

Maging ang kanilang ina na buong buhay ni Juan ay hindi siya matanggap ay nalungkot sa pagkawala nito. Hindi niya man aminin ay napamahal na ito sa kanya. Napangunahan lamang ng galit sa sariling asawa. Lalo pa't nagkasabay nilang isilang ang anak niya at ang sa ina ni Juan.

Lalong nalungkot at nagsisi ang ginang nang mamataan nila ang liham nito para sa kanya. Pinakatago-tago niya ito. Halatang walang lakas ng loob na ibigay sa kanya. Maikli lamang ito ngunit puno ng hinanakit, pero kahit na gano'n ay mahihimigan mo pa rin ang pagmamahal.

Ina,

Alam kong hindi mo ako tanggap. Alam kong may nililihim kang disgusto sa akin. Mangyari na lamang na sabihin mo sa'kin kung hindi mo ako mahal, ako na mismo ang lalayo. Pero nangangako akong hanggang sa dulo ng aking buhay, sa pinaka huli kong paghigop ng hangin at pagbuga nito pabalik.. Ipagtatanggol ko ang aking mga kapatid. Lalo na ang kambal ko na si Pedro.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon