XL

336 25 2
                                    


a/n: Nagkamali ako ng pag-insert ng image haha~

M.
Lahi

"ANO NGA? Anong tingin mo kay Krisitina!" Nagkabaliktad na ngayon ang sitwasyon. Hindi ko na gustong magpalapag sa kanya. Parang lintang kapit na kapit ako sa kanya.

Nasa malawak na paliguan kami ngayon. Ito yung parang pang maharlika sa ganda. Sa likod bahay ito at may tubig na malinaw na parang sa lawa dahil inipon. Siguro ay sa talon sa malayo kinuha ang malinaw na tubig na ito. Mas malaki lamang sa normal na palikuran pero para sa isang tao ay malaki na ito.

Nang makita ko nang palapit na kami sa tubig ay mas naging marahas ang pagpupumiglas ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nang makita ko nang palapit na kami sa tubig ay mas naging marahas ang pagpupumiglas ko. Parang biik tuloy ako na hindi maawat ang bibig.

"Ayaw ko! Hindi ako mag-aanlaw!"

Kapit na kapit ang braso ko sa kaniyang leeg. Ang dalawa kong binti ay nakapulupot na rin sa kanya. Kung may ibang makakakita sa akin, iisipin na isa akong batang ayaw sumunod sa magulang o di kaya pre-schooler na ayaw maiwan ng magulang sa klase.

"Sagutin mo muna ang tanong ko!"

Kailangan kong maligo upang hindi ako magkasakit. Nilamig kasi ako kanina. At ang tubig na pagbababaran ko ngayon ay bahagyang nausok. Nararamdaman ko ang init na dala nito. Naaalala ko tuloy ang hot springs! Pero baka nga hot spring ito.

Tanging matatangkad na bakod na kawayan ang tumatabon sa presensiya ng maliligo dito. Walang bubong at mukha lang talagang pinalawak na bath tub. Mukha kasing hindi likas na may ganito na. Mukhang may mga kamay na nagtayo nito.

"Ano ba--" Hala. Ako naman ang yari. Sa sobrang paghila ko sa damit niya, napigtal ang kanyang butones.

"Kakausapin kita habang naliligo."

Ang kalahati ng katawan ko ay nakalubog na sa tubig. Hinubad ko habang nasa tubig ang aking suot na damit. Sa paanan niya inilagay ang aking baro at saya. Ngayon ako na naman ang takot sa amin. Wala akong ibang nagawa kundi ang ilubog ang buong katawan sa tubig, tanging mga mata lang ang nakasilay.

"Hindi kami malapit." Pumikit muna siya nang mariin bago nagpasyang umupo sa isang malaking bato kaharap sa akin. "Hindi ko siya inibig."

Napaka diretsahan naman niya kung magsalita. Walang paligoy-ligoy.

Ang kaniyang titig ay parang patalim na tumatagos sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit gusto kong magtagal ito sa akin. Kahit na kapag nakatayo ako, pakiramdam ko bibigay ang aking tuhod. Gano'n ba talaga kasaya na ipilit ang alam nating nakakapagpahirap sa atin?

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon