XXXI

342 27 1
                                    

M.
Selos

ISA PANG pagbuga ng hangin at tumayo na ako. Ayos na ako. Wala naman sigurong masama sa pag-iyak? Tao pa rin naman kasi ako. Sumakit tuloy ang likod ko kaka-mukmok dito sa gilid.

"Binibini!" Nginitian ko si ate Perla kahit na kakagaling ko lang sa iyak. Mula siya sa mga pananim at mayayamang puno ng mga prutas.

"Ate Perla anong ginawa mo doon?" Nginuso ko ang naglalakihang puno sa likod niya.

"Namitas ako ng mga prutas.. Ito oh mangga!" Natakam naman ako sa dilaw na mangga'ng hawak niya. "Pahingi ate Perla!"

"Pero maaga pa para dito. Mamaya na natin kainin panghimagas sa tanghalian." Tumango ako at tinulungan siya sa bitbit na sako na gawa sa tela.

"Ate Perla, puwede ba kitang makausap?"

"Oo naman kinakausap mo na nga ako, eh." Tumatawa-tawa pa siya. Di ko alam na may nabubuhay na palang kagaya niya sa panahon na 'to.

"Sa tahimik na lugar.. Tayo lang."

Wala na siyang nagawa kundi ang pumayag. Naibaba namin nang dahan-dahan ang sako ng mangga na dala niya sa kalapit na tolda kung saan inilalagay ang mga kasangkapan at iba pang rasyon ng pagkain.


"Ahh binibini may mga kailangan pa akong pitasin.. Ayos lang ba kung pagbalik ko nalang tayo mag-usap?"

"Tutulungan na kita"

Hindi siya nakaangal kaya nakasama ako sa kanya. Maraming puno katulad ng atis at saging. Nanlaki ang mata ko nang may makitang saging na maliliit ang bunga pero hinog na.

"Ate Perla! Señorita na saging ba ito?" Lumapit siya at sinuri ang sinabi ko.

"Oo binibini--"

"Kukuhain ko sila!"

"Pero kas--"

"Ayos lang," Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. Agad na napaiwas ako ng tingin. Simula noong sinabi niyang liligawan niya ako ay hindi na kami uli nakapag-usap. Totoo ba talaga lahat ng yun? O panaginip lang?

"Señor Venancio! Akala ko ba hilig mo ang mga ito?"

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Ginoong Venancio, lagpas kay ate Perla at tumigil sa akin.

"Ahh-eh.. Sige doon muna ako sa mga santol!" Napanguso nalang ako kasi iniwan ako ni ate Perla.

Tutal binigyan na ako ng pahintulot, sinimulan ko nang pitasin ang mga saging na natipuhan ko.

"Ako na.." Isang hila niya lang ay napitas na niya ang isang palumpon ng nga saging.

Nang tingnan ko ito ay mataas pala. Akala ko abot ko, hindi pala.

"S-Salamat!" Gusto ko sanang magtanong tungkol sa nangyari noon sa malaking puno pero nahihiya ako.

Ilang sandali pa kaming naging tahimik nang bigla akong mapasandal sa dibdib niya. Hindi ko naman kasi alam na nasa likod ko siya, eh!


"P-Pasen--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa mga mata niya. Sa isang iglap lang ay magkatitigan na kami.

Napansin kong may sugat siya sa kaliwang pisngi niya kaya't hinawakan ko ito gamit ang kanan kong palad. Hindi siya nagreklamo bagkos ay hinayaan ako.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon