XV

543 31 0
                                    

a/n: Listen to Tagpuan by Moira dela Torre :>

M.
Liham

Entry no. 3

Dear diary,

Masyado nang matagal ang pamamalagi ko. Kung sana ay nakauwi na ako noon pa, hindi kaya't buhay pa si Maria? Pero hindi sila magkakalapit lalo ni Joselito at magkakaaminan.. At lalong hindi mapapaslang ni Kapitan Concepcion si Señor Escobar. Minsan napapaisip pa rin ako. Ako kaya ang naging dahilan ng pagkakaroon nila ng mapait na tadhana? Nang dahil sa iniabot kong liham? Sana sa susunod ay gumawa ako ng hakbang na walang mape-perwisyo.. Dahil kahit na hindi ko dapat sinisisi ang sarili ko.. Hindi ko maiwasan na gawin ito.

Nalulungkot,
Binibining M.

"Binibini!" Naglalakad ako sa buhanginan nang biglang may tumawag sa akin. Siyempre, ako lang naman ang pwedeng tawagin ni Joselito dahil nasa tapat ako ng mansiyon nina Don Carlos, ang aking ama-amahan.

Sa larong bahay-bahayan na ito, ako lang ang may kakayahang mabuhay sa dalawang mundo. Ang realidad kung saan iba ang mga magulang ko at ang kathang pamilya na pinapakiramdaman ko dahil sa ilang kamalasan na pakiramdam ko naiaambag ko.

"Joselito? May problema ba?" Bigla siyang lumuhod sa harapan ko, nakayuko at nanginginig ang balikat. Unang beses kong makakita ng lalaki na gumawa nito sa harap ko. Pagka-angat niya ng ulo niya'y punong-puno siya ng luha.

"Binibining Marinara.. Nakikiusap ako.. Gawan mo ako ng huling pabor.. P-Pakiusap.." Kahit nag-aalinlangan ay pinakinggan ko siya sa kahilingan niya.

Ang akala kong simpleng pagsama kay Joselito sa kung saan ay sa harap pala ng hinahanda nilang puntod ni Maria at ng ama nito.

"A-Alam mo, binibini.. Salamat dahil sa ginawa mo, naamin ko kay Maria na tunay na minamahal ko siya.. At gano'n din siya sa'kin. Nagpapasalamat ako dahil sa'yo, naranasan ko ang labis-labis na kasiyahan sa loob lamang ng isang gabi.. Gayon pa man, paumanhin dahil nadamay ka.. Paalam.. Dahil hindi ko kakayaning manatili sa lugar na 'to. Balak kong lumisan pansamantala." Sandali siyang huminto at naupo sa sahig kaharap ng malaking hukay.

"Hindi pa naililibing si Maria at ang ama niya dahil.. Ayaw ko pa. M-May kaibigan akong salamangkero, sa kanya ko ipinatago ang labi nila Maria."

Kahit natatakot ako. Kahit na naiisip ko na naman lahat ng nangyari, kailangan kong puntahan si Maria. Sa huling pagkakataon.

Tumango ako sa kanya at muli, naglakad kami.

Dinala niya ako sa liblib na lugar, may isang kweba na sa loob nito, may maliit na kubo.

Matataas ang mga damo pababa sa kweba pero may nakalaan na daan na tila tinabasan para lang may maayos na lakaran.

"Manang Sulla?" Bumukas ang pinto ng kubo at iniluwa ang matandang may matangkad na saklay. Sumenyas siya na tumuloy kami kaya't pumasok kami.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon