XII

654 31 1
                                    

M.
Hiya

NAKATINGIN ako mula sa kinatatayuan ko kay-- ano uling pangalan niya?

Maaalala ko naman 'yan kalaunan.

Mula doon sa maliit na silya, tanaw kong may isinusulat siya kahit malapit nang maghating-gabi. Alam kong paninilip ang ginagawa ko pero hindi ko mapigilan gayong napadaan ako.

Bago pa niya ako mahuli, tumuloy na ako sa banyo. Naalimpungatan ako kanina kaya napabangon ako. Isang baso ng tubig ang ininom ko at nagpasya nang bumalik.

Kung wala pala siya dito, talagang mag-isa ako. Hindi ko magawang maisip na mag-isa ako sa mansiyon na 'to. Kaya ko mag-isa sa kuwarto pero sa gan'tong mansiyon tapos walang kasama talaga.. Hindi ko maipaliwanag ang takot ko no'n kung sakali.

Papasok na ako ng sarili kong pinto nang may kakaibang lamig ang dumapo sa batok ko. May malamig na hininga pang umihip sa aking pisngi. Hindi tuloy ako agad nakagalaw dahil sa takot. Marahang napapikit ako dahil sa lamig ng boses na aking narinig.

"Binibini, sumama ka sa'kin.."

Napalitan ang lamig ng kakaibang init, pagkadilat ko ay nasa harap ko na siya habang may nakabulagtang lalaki na may itim na usok ang kumakawala sa katawan hanggang sa tila nalusaw ito at hindi nagalaw.

Hindi ako agad nakasigaw. Tila nabato ako sa puwesto ko. Sino ang lalaking nakabulagta?

Lalapitan ko sana nang marahas na higitin ako ng kaharap ko.

"B-Bakit?" Isang matalim na tingin ang iginawad niya sa'kin kasunod ay hinatak niya ako papunta sa likod niya.

May mga binulong siya na hindi ko maintindihan hanggang sa unti-unting naglaho nang tuluyan ang nakabulagta.

"Anong ginawa mo?" Gulat na gulat ako. Mukhang isa siyang katulad nila Ofelia, marunong gumamit ng salamangka. Gamit ang kapangyarihan na 'yun.. Pumaslang siya?

"Hindi siya tao, gawa lang sa salamangka kaya't huwag mong isipin ang mga naiisip mong kakaiba."

"Sandali, ano nga uli ang pangalan mo, Ginoo?" Hindi ko na napigilang magtanong. Bukod kasi sa hindi ko siya matawag sa pangalan, respeto rin 'yun para sa isang tao.

"Crisanto Venancio.. Nakalimutan mo agad?" Nahihiya man ay tumango ako. Hindi naman siya mukhang nabahala pero magkasalubong ang kilay. Sinong hindi maiinis kapag nakalimutan mo ang pangalan ng bisita mo?

"Ako nga pala si Marinara Adelfa He--Ibañez." Lagi kong nakakaligtaan na Ibañez dapat ako dito. Ang haba naman kasing pangalan 'to, ang meron ako.

Bago pa siya mawala sa paningin ko nang pumihit na siya pabalik sa kanyang silid, isinigaw ko ang pangalan niya.

"Vin nalang itatawag ko sa'yo, Ginoo! Kahit ano ang sa akin, pero mas maganda kung Adelfa!" Natawa ako dahil napatigil siya. Bahala na siya kung ayaw niya sa itatawag ko sa kanyang palayaw. Pero nakakatawa na ngayon ko lang naisipan na may tumawag sa'kin na Adelfa. Feeling special kay Ginoong Vin.

Nanigas ako nang bigla kong naisip si Donya Victoria. Yari na naman ako! Kung ano-ano na naman ang inaasal ko ngayong wala siya! Bumuga na lang ako ng hangin bago nagpasyang bumalik sa tulog.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon