XXXV

329 25 0
                                    

M.
Patalim

PINASADAHAN ko ng tingin si Joselito. Mukha naman siyang malusog pero ang sabi niya nanghihina siya. Hindi niya daw kayang lumabas sa kubo na tinutuluyan kaya't dinalhan ko siya ngayon ng pagkain.

"Gusto mo bang magpatingin?" Agad na umiling siya at nagtalukbong ng kumot.

"N-Nakakahiya naman, binibini.. Dahil lang ito sa paninibago ko sa lugar. At tsaka hindi ba alam mo namang ilang araw ko din nilakbay makapunta lang dito." Nilapitan ko siya at hinawakan ang kaniyang noo. Mainam na magpatingin siya pero hindi ko naman sila maaabalang pumunta pa dito dahil hihingi lang ako ng pabor. Ayaw din naman ni Joselito'ng lumabas kaya't wala akong magawa.

"Basta ba kumain ka. Babalikan kita, ah?" Tumango siya sa ilalim ng kumot kaya't tinapik ko ang ulo niya.

"Magpahinga ka lang muna."

"Binibini!" Lumingon ako nang tawagin niya ako. Nakaupo na siya sa higaan pero nakatalukbong pa rin ang kumot hanggang bewang.

"Bakit?" Nakangiti siya pero napaka lungkot ng kaniyang mga mata.

"Salamat.."

Nagdadalawang-isip man ay hinayaan ko na siyang mapag-isa. Hindi na muli kami nakapag-usap patungkol sa nangyari o miski ang kay Maria. Hindi pa siguro siya komportable. Kailangang makapagpahinga siya at nang bumalik ang dati niyang sigla.

"Oh, anong sabi ng ating binatilyo?" Bumungisngis pa si ate Sonya na tila nag-aalaga ako ng bata.

"Hinayaan ko na munang magpahinga. Malayo din ang nilakbay nun sa pagkakaalam ko." Nakangusong sinilip ni ate Sonya ang kubo bago ako siniko.

"Kung bata-bata pa siguro ako pasok na sa'kin 'yang si Joselito! Ke-guwapong bata!" Napapailing na lang ako sa kanya habang naglalakad.

Kung hindi mo nga tititigan si Joselito ay mukha talaga siyang kastila. Pero dahil siguro sa pagiging maginoo niya, litaw ang kaniyang pagiging binatang Pilipino. Lalo pa kapag nangiti siya, siya yung tipo na hindi ka magsasawang pagmasdan ito.

Kung tutuusin bagay sila ni Maria. Kayumanggi si Maria at ang kaniyang mga mata ay nagsusumigaw ng pagiging señorita na siyang nakakatunaw kapag matagal mong pagmasdan. Mababa lamang na babae si Maria pero hindi ito kawalan sa kaniya dahil bumabagay dito ang maliliit niyang mga mata na halos singkit kung ituring pero kapag sa malapitan, ang ganda ng pagkakinang. Pero bumabagay naman ang pagiging mababa ni Maria sa tangkad ni Joselito.

"Mabuti pa ate Sonya gumawa ka na lang ng paraan para mapa-ibig ang isa sa mga kambal." Biniro ko lamang siya pero akala niya seryoso ako kaya nalaglag ang kaniyang panga.

"B-Binibini naman!" Waging napatawa ako kaya't lalo siyang nagmukhang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Sino magpapa-ibig sa aming kambal?" Na-estatwa si ate Sonya at hindi nalingon ang sabay na boses ng dalawa.

Sa pagkakaalala ko, hindi talaga sila kambal. Pero bakit sila pinalaki sa paniniwalang ito?

"Sabay silang ipinanganak sa magkaibang ina.."

Napa-angat ako ng tingin dahil sa narinig. Kanino na namang tinig nanggaling ito?

"Tinig na gusto mong marinig.."
Kinilabutan pa ako lalo nang marinig ang pagsagot nito. Walang puwedeng ibang may nagmamay-ari ng boses nito kundi ang naaalala kong nagpakita sa akin noon.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon