XXXIII

365 25 3
                                    

M.
Oras

HININTAY daw ako ni ate Perla magdamag sa kanyang kubo para magsama sa aking tulugan pero hindi ako nakarating. Nangingising humingi ako ng dispensa. Sinabi ko naman na nakatulog ako pagkatapos maligo kaya't hinayaan niya na ako.

Ilang buwan din akong nagpaturo sa kung sino-sino sa kanila, para lang dumagdag ang lakas ko. Sinamahan pa ng gabay ni Donya Clarita sa pagpapalabas ko ng kapangyarihan

"Ayan sige pa hija.."

May bagong huli siya na isda na mabilisan niyang pinatamaan sa may bandang palikpik nito kaya hindi nito magawang makapangulit. Pero sa tingin ko patay na ito.

Ang mga palad ko ay naka paibabaw sa matabang isda, nagkulay berde ang liwanag ko na marahang dumadampi dito tila mainit na enerhiya na pilit gumigising dito.

"Kapag berde ang nalabas na liwanag hija, panggagamot ang iyong nilalabas na salamangka. Pinapabilis nito ang paghihilom sa kung ano mang may sira sa loob o labas ng katawan ng isang nilalang." Tagaktak na ang pawis ko pero hindi pa rin nabalik sa pagwawala ang isda. Baka mamaya patay na ito. Hindi naman ako makabubuhay ng nilalang!

"Ituon mo ang pansin sa bandang iyan." Itinuro niya ang sentro ng bandang likod nito na siyang pinatamaan niya kanina ng atake. "Katulad ng ginagawa mo noon.. Hilingin mo pa rin ang pagkagaling nito." Tumango ako at taimtim na nanalangin sa sarili kong salamangka.

Nag-init ang mga mata ko. Tila may kakaibang gumapang na kung ano sa loob ng mga ugat ko dito.

May ilang pagkakataon sa unang mga linggo ng pag-eensayo ko kasama siya, tumitilamsik ang isda hanggang sa sumaboh ito at mag gutay-gutay. Isda na pwede naman itong makain pero nakakaawa pa rin ang naging kapalaran ng mga naunang kinalikot namin.

May kung anong tumulo sa nga mata ko. Kulay lila na likido. "Tigil!"

Agad akong inilayo sa isda ni donya Clarita at nagtawag ng tulong.

"Sonya! Ester! Piyang!" Nagmamadaling pumasok sila sa tolda habang si Lukas na sumunod din sa kanila ay inalalayan ako. Lantang gulay na isinampa nila ako sa balikat niya.

"D-Delikado talaga.." Bago ako makatulog ay natagpuan ng mga mata ko ang bulungan ni donya Clarita at donya Victoria.

Saktong pagkagising kong muli ay may inihandog na pagkain si ate Sonya. "Si ate Perla mo, ginawa nilang punong abala sa mga gawain kaya't pag-pasensiyahan mo na at ako nalang lagi mong nakikita." Natawa ako sa kanya. Umakto pa siya na parang nahihiya at ayaw lumapit sa akin pero sa huli ay niyakap na ako.

"Alam mo ba.." Luminga-linga siya sa paligid bago lalong lumapit sa akin, partikular sa may tainga ko. "Lason ang lumabas sa iyong mga mata? Kung tumulo ito at umabot sa iyong bibig ay tiyak na namatay ka." Likas na madaldal si ate Sonya pero ito ang bagay na ikinatuwa ko sa kanya. Hindi siya nagtatago ng impormasyon sa akin. Katulad na lang noong mga una kong araw dito. Nagkaroon ako ng ideya sa pagkamatay ng aking ama dahil sa kanya.

"Sonya.." Sobrang bilis na napatayo si Sonya at tuwid na tumindig sa gilid ko. Puwede na siyang pumasa bilang isang estatwa.

"Señor Venancio.. M-Mauuna na po ako sa labas.." Tumango lang sa kanya si Venancio at hinayaan siyang nagtatakbo palabas.

"Ngayon ka na daw pupunta sa Casa Ibañez." Hindi man inaasahan ay natunugan ko na. Bukod sa paulit-ulit na nasabi sa akin ni Donya Clarita na may pagkakatulad ang kapangyarihan ko sa aking ina, gusto niya ring may matuklasan ako sa Casa na siyang pinaglagyan ng obra na siya ang nakaguhit. Itinago ito ni Tiya Rosa sa pag-aalalang baka burahin pa ang aking ina miski sa kasaysayan, paliwanag naman ni Donya Victoria.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon