VIII

1K 43 3
                                    

M.
Dalaw

"Quédate quieto allí.. Solo un recordatorio.. Eres el siguiente.."

"Manatili kang nakatayo diyan.. Paalala lamang, ikaw na ang susunod.."

"Confía en y ten fe.. Por pabor.."

"Magtiwala ka sa'kin at manalig, pakiusap.."

Hindi ko alam kung bakit naiintindihan ko na ngayon ang ilan sa mga narinig ko noon. Siguro magic! Napatawa nalang ako sa sarili dahil sa kung ano-anong naiiisip ko. Nasisiraan na yata ako ng bait. Baka naman talaga hindi ibang lengguwahe ang narinig ko medyo hilo lang siguro ako noon.

Kasalukuyan kong kasama si Donya Victoria. Napaka istrikta niya at metikuloso. Pero higit sa lahat, napaka tapang at seryoso ng dating niya.

"Mali! Ituwid mo ang iyong likod!" Naiiyak na talaga ako. Bawat mali ko may hampas akong natatanggap sa likod o di kaya'y pitik sa tenga. Ilang linggo na ako dito at hindi man lang ako sinabihan na may training at lessons ako! Maraming itinuro sa akin si Donya Victoria. Mga mabuting asal, pagdarasal, mga gawaing bahay at postura. Kabilang na sa postura ang pagkakaroon ng pinong kilos, yung walang kagaspangan o simple lang.. maging mayumi.

"Ouchie!" Maghapon pa man din ang pagsasama namin ng Donya kaya wala akong ibang mapagpipilian kundi ang magpakabait. Wala din sila Miguel, Rafael at maging si Manong Rogelio. Minsan lang nandito si Ofelia. Hindi ko alam kung nagkakasalisi kaming lahat o sadyang hindi lang sila pinapapasok sa silid kung saan ako tinuturuan.

Kasalukuyan akong tinuturuan ng pagpostura ni Donya Victoria. May pagka-maangas daw kasi ako kumilos kailangan daw maging mas mahinhin pa! Hindi naman ako maangas maglakad, sadyang hindi lang ako mahinhin maglakad.

"Hija, itaas ang noo!"
"Wag magmadali!"
"Mali! Balik!"
"Tumpak!"
"Isa pa!"

Napapaypay nalang akong nakasalampak sa sahig dahil sa pagod. Ayoko na! Gusto ko na mamahinga!

"Magpahinga ka na. Maya-maya lang ay maghahapunan na tayo." Ni hindi ko man lang napansin na hapon na. Ang dami kasing itinuturo ng Donya. Nginitian ko siya nang pilit habang papalayo siya palabas ng silid.

Tapos na akong kumain pero pakiramdam ko hindi ako nakakain dahil lutang pa rin ako. Namumula na ang mga tainga ko at sumasakit ang braso dahil sa makailang ulit na pagkurot at pagtampal ni Donya Victoria sa akin.

"Meow~"

Nanlaki ang mga mata ko dahil paglingon ko mula sa pagkakaupo sa teresa ng bahay ay isang cute na kuting ang nasilayan ko.

"Muning!" Buti naman at alam niya na ang pangalan niya. Lumapit siya sakin kaya't kaagad ko siyang binuhat.

Hinihimas-himas ko si Ming-ming habang pinagmamasdan ko ang kalangitan. Ang napakagandang buwan na napapaligiran ng mga bituin.

"Psst!" Nangilabot ako dahil sa biglang sumitsit sa akin.

"M-Ming.. Wala kang naririnig, ah.."

"Pssssstttt!" Kasunod ng pagsitsit ay isang maliit na bato ang bumagsak sa gilid ko na lumikha ng mahinang tunog. Agad naman akong dumungaw sa durungawan ng aking silid.

"Rafael?" Si Rafael nga! Nagtatago siya sa isang puno kasama si Miguel na nakatingin lang sa'kin.

"Bakit hindi kayo lumapit?" Nakatingala sila sa akin dahil isang palapag ang taas ko sa kanila.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon