XX

482 25 1
                                    

✴️•~•✴️

Emra at Zura


"KAPATID!" Tumatakbong binagtas ng binata ang distansiya nilang dalawa. Mahal na mahal nila ang isa't-isa na halos akalaing kambal sila dahil sa tindi ng kanilang pagkakasunod at pagmamahalan.

"Oh, Emra?" Parehas silang mga binata na tinitingala ng mga ka-tribo nila. Miski mga lalaki ay hanga sa kanilang angking kakayahan.

"Tulungan mo akong mangaso!"

Si Zura ang depinisyon ng kalakasan. Siya na ang pinaka malakas sa lahat ng nasasakupan ng kanilang ama. Si Emra naman ay biniyayaan ng katalinuhan na walang ibang makakapantay sa panahon niya. Parehas naman silang mabuti pero walang makakatalo sa tindi ng malasakit ni Emra. Parehas din silang tuso pero si Zura ay maparaan sa paglaban ng alam.

"Malaki ka na Emra. Marami pang aasikasuhin itong nakatatanda mong kapatid." Natatawang inasar ng kapatid si Emra habang itinuturo ang sarili pero sumimangot lang ang huli.

"Utak lang ang meron ako... Ikaw may makisig na katawan at lakas!" Tinawanan siya lalo ng kapatid.

"Mabuti at may utak ka. Gamitin mo sa paghuli ng baboy-ramo."

Kahit na ilang beses pinagkaisahan ang kapatid ay hindi natiis at sumama rin naman sa paghuli.

"Bakit mo pala naisipang humuli? Pwede namang ako nalang." Nag-martsa papalayo si Emra upang maghanap ng bakas ng huhulihing hayop.

"Sa katunayan, gusto kong matuto mula sa'yo kapatid. Sawa na akong puro pag-aaral nalang ang pag-aatupagin. Mainam na magbanat din daw ako ng buto sabi ni abang ama." Lumaki naman ang ngiti sa kanya ng nakatatandang kapatid.

"Ayun ang baboy!" Siniko siya ni Zura.

"Hindi ka dapat nasigaw! Tumakbo tuloy ang ating huhulihin!" Napahiya man ay itinawa nalang ni Emra ang nangyari. "Eh maliit palang iyon ah? Baka hanapin ng kanyang inahin."

Halos ihampas sa kanya ng kapatid ang hawak na sandata dahil sa pagsagot nang pilosopo.

"Gusto mo ba talagang matuto sa'kin?"

"Oo naman! Hindi sapat ang panonood ko simula noong bata pa tayo!

"Tandaan mo, siguraduhin mo na tahimik ka.. Kumilos ka na parang hangin.. Maging mabangis at mabilis na tulad ng kidlat.. Higit sa lahat tanggalin mo ang awa sa dibdib." Tumango naman si Emra sa kapatid at pinanood kung paanong natarak nito ang baboy ramo ng mahabang sibat.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon