M.
KristinaNAKASALUBONG namin pabalik ang mga magulang ko. Labis na nag-alala daw si ina kaya't naluluha ngayon. Seryoso naman ang itsura ni ama pero nakapag-pasalamat pa din kay ginoong Venancio. Kahit pa Vin ang pinalayaw ko sa kanya, maling ito lang ang itawag ko, nagmumukhang wala akong galang. Sa pagkakaalam ko ay nasa dalawampu't lima hanggang dalawampu't-pito na siya.
Nagkunwari naman akong antok na antok kaya't hinayaan nilang dalhin ako sa sarili kong silid ni Ginoong Venancio.
Pagkalapag sa akin sa kama ay iniwan na nila ako upang makapag-usap pa daw sila sa nangyari sa'kin. Pero nagulat ako nang bumalik sandali si ina at dinaluhan ako sa kama. Niyakap niya ako nang napaka higpit. Kalaunan ay binitawan niya rin ako at hinalikan sa noo.
Naghintay ako ng ilang sandali, inabot din siguro ng isang oras, pinakiramdaman ko kung natutulog na sila at bumangon kalaunan.
Madilim na sa mansiyon pero dahil may hawak akong gasera ay hindi na ito problema.
Dahan-dahan lang ang paglalakad ko hanggang sa tuluyan akong dampian ng liwanag ng buwan mula sa labas pagkabukas ko ng malaking pintuan.
Sinuot ko ang bakya ko at naglakad sa dalampasigan. Mas malamig ang simoy ng hangin dahil gabi na. Hindi naman ako nabigo at natunghayan ang kagandahan ng buwan.
Alam kong maaari muli akong mapahamak pero nasa harap lang din naman ako ng mansiyon namin kaya't mabilis lang ako makakahingi ng tulong.
Naglakad-lakad pa ako habang hinahangaan ang ganda ng mga bituin kasama ang buwan.
Ilang oras din ang iniukol ko para sa pagpapahangin. Pipihit na sana ako paalis nang may maaninag akong pamilyar na bulto ng katawan mula sa malayo.
Nagmamadaling tinahak ko ang daan papunta sa kanya.
"Ginoong Venancio!" Hindi niya ako nilingon pero napansin kong tumango siya. Umupo ako sa tabi niya habang hawak ang pares ng bakya ko.
"Ang lamig ano?" Kunwari pa ay natawa ako sa sinabi ko pero hindi man lang siya nagkaro'n ng reaksiyon.
"Kung malamig ay pumasok ka na sa inyo." Sumimangot naman ako sa sinabi niya. Gusto man niyang mapag-isa, gusto kong tumabi sa kanya upang mangulit.
"Minsan lang dumating ang gabi! Hayaan mo na ako dito." Parang bata na nagmamaktol tuloy ao sa harap niya kaya't nahihiyang napaiwas ako ng tingin nang mapansin ko ito.
"Palaging nandiyan ang gabi." Nagtatakang ibinalik ko ang tingin sa kaniya.
"Oo nga pero.. Hindi sa lahat ng oras masisilayan mo ang ganda nito." Nanahimik siyang muli at dumampot ng isang kabibe.
"Tama ka naman pero.. Alam mong nandiyan pa rin ito. Ganda lang nito ang naglalaho dahil sa paminsan-minsang pag-iyak ng langit.."
"Naiyak ang langit?" Napansin ko ang paglipat ng paningin niya mula sa langit papunta sa mga mata ko.
"Oo kapag mabigat na ang buhat ng mga ulap.. Kaya't ikaw pag nabibigatan ka na, matuto kang bumitaw."
"Hindi dapat pagbitaw ang gamitin mong salita, Ginoo.. Ang ginagawa ng ulap ay ang hayaan na mangyari ang dapat. Kapag naulan ba laging masama ang dulot nito? Hindi ba para din sa ikabubuti ng mga tao? Dapat nakikita mo ang parehas na panig. Hindi lang ang masama."
BINABASA MO ANG
Pagbalik (Adelfa Series #1)
Historical FictionNabubuhay tayo sa kasalukuyan dahil ito ang ating dapat kalagyan. Gumawa man tayo ng paraan ay hindi natin mababago ang nakaraan. Ngunit nang dahil sa labis na hinanakit at pagdiribdib, aksidenteng napadpad si Marinara sa nakaraan sa pamamagitan ng...