XXXIX

364 24 0
                                    

a/n: zeighrian_asymptotic I saw your recent vote (Pinakauna kong nakita) Thanks gurl~ This one's for you :)) To others who are also reading this one thanks too! Malapit na tayo matapos~

M.
Tahimik

NAUNAHAN ko pang umalis sila ate Sonya sa kampo. Kaya ngayon ay mangiyak-ngiyak sila nang malaman na babalik na ako sa Casa Yrreverre na napangalanan ko lang din dahil sa kanila. Si ate Perla naman ay kasama ko pa rin, hindi na gustong mawalay sa akin.

"Magkikita pa naman tayo ate Sonya--" Sinunggaban niya ako ng mahigpit na yakap na halos masakal na ako. Ayan tuloy at napaupo ako sa sahig.

Hinihilot ko ang balakang ko habang natayo nang dahil dito. Hindi naman nabago ang itsura niya kaya't napabuga na lang ako ng hangin.

"Kung alam ko lang na ngayon ka aalis ipinaghanda kita ng regalo!" Natawa ako sa kanya. Naasta na naman kasi siya na parang bata sa akin. Magkasing tangkad sila ni ate Piyang kaya't aakalain mong magka-edad lang sila.

"Hindi na kailangan.. Mag-iingat din po kayo!"

Nang makakuha ako ng pagkakataon, pumihit na ako upang makaalis. Naramdaman ko kasi na hindi matatapos ang pagpapaalamanan kung hindi ako ang unang hihiwalay sa kanila.

Nakita ko pa ang malungkot na si Lukas sa malayo. Nagtatampo yata at hindi ko nasabihan ng pag-alis ko.

Babalik pa naman siguro ako dito. Sa ngayon ay kailangan ko na munang lumisan.

•••••

NAALIMPUNGATAN ako kaya't napabangon. Hindi nga ako nagkakamali, nakabalik na ako sa mansiyon. Mansiyon ng aking ina.. ng aking pamilya.

Bigla kong naalala ang bagay na yun. Mamaya kapag may oras, itatanong ko kay Venancio kung bakit siya dito namamalagi ngayon.

"Ate Perla!" Sinalubong niya naman ako ng isang ngiti at pagbati sa umaga.

"Kumusta ang iyong tulog?"

"Maigi naman.." Dumiretso ako sa hapag kahit nahikab pa dahil may agahan na. Nang makatapak pa ng ilang hakbang, halos madulas ako sa nadatnan.

"B-Bakit ka nandito?" Nagtaas siya ng isang kilay sa akin na tila ako pa ang nakakagulat sa amin. Nakahalukipkip siya habang nakaharap sa pagkain. Maayos ang pagkakaupo na aakalain mong isa siyang hari.

"Agahan?" Sagot niya. Nagpipigil si ate Perla ng tawa kaya't upang mabaling ang atensiyon ko sa ibang bagay, ipinagsandok niya ako ng sinangag. Wala na rin naman akong nagawa kundi ang maupo malapit sa kanya.

"S-Seryoso ba 'tong nakikita ko ate Perla?" Kinurot niya ako sa tagiliran kaya't napasipa ako sa lamesa. Gumawa ito ng may kalakasan na pagtama kaya't bahagyang naalog ang ilang kubyertos.

"P-Pasensiya na.." Napayuko nalang ako dahil sa hiya. Nagmumukha akong hindi dumaan sa mga patpat ni donya Victoria!

"Sige maiwan ko na kayo muna at nakapag-agahan na ako.. Magdidilig na ako ng halaman." Hindi ako nakaapila sa kanya dahil paglingon ko ay nakaalis na siya.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon