xxx

3.4K 118 2
                                    

~•Pagbalik•~


KINAUMAGAHAN ay nakatanggap ako ng tawag na may pictorial daw ako ng mga pang-sinaunang damit ng mga Pilipino. Ang ipapasuot daw ay eleganteng mga Filipiñana. Kaya't wala akong nagawa kundi ang maligo nang maaga at maghanda para mamaya.

"Nak, saan ka pupunta?" Sasagot na sana ako nang biglang sumabat ang nakatatanda kong kapatid nang nakasimangot.

"Malamang maghahanap 'yan ng nobyo. Nagpaganda pa nga, eh." Sinamaan ko lang siya ng tingin at hinarap ang ina kong hinehele ang bunso kong kapatid.

Maayos na ipinusod ko ang buhok bago hinarap si mama.

"May tawag po akong natanggap. May pictorial po kasi ako ngayon." Tumango naman ang aking ina at sinabing magpaalam muna sa aking ama bago lumarga na nasa likod-bahay lang daw.

"Papa mauna na po ako." Inabutan niya naman ako ng pera kahit tumanggi ako dahil may ipon pa naman ako.

"May matatanggap naman din ako pabalik matapos nito, eh." Pero nagmatigas siya na kahit ipang-kain ko nalang daw kaya wala akong nagawa. Baka magtampo pa 'pag ipinilit kong hindi tanggapin.

Mabilis lang din naman akong natapos pero bago umalis sa studio ay may nakapukaw ng atensyon ko. Ang iilang bulung-bulungan.

"Si Marinara nga daw nang-agaw sa boyfriend ni Kelly. Kaya nga ibinigay sa kanya 'tong-- Oo!"

Hindi ko alam kung sadya pero para sa bulong, may kalakasan ito.

"Baka naman si Bernard ang kusang nagkagusto sa kaniya? Maganda naman si Marinara, ah?"

"Looks can be deceiving! Malay mo nilandi! O kaya.. Ginayuma?"

Nagbungis-ngisan pa sila kaya dali-dali akong umalis nang hindi pa nakakapagpalit.

Masakit na hanggang ngayon hindi sila naniniwala na dahil sa kakayahan ko kung bakit ako nandito.

"Wala naman talent 'yan. Ganda lang! Matalino sana, bobo naman sa pag project! Pinipilit pa kasing mag-model!" Pahabol pa ni Fauna.

"Baka marinig ka--"

"Hayaan mo! Impaktita yun! May lahi ng mga mangkukulam kaya't may basbas ng diyos-diyosan nila!"

"Ano ba Fauna--"

Iniiyak ko lang ang lahat kahit na pinagtitinginan ako ng mga tao sa bus dahil na din sa suot ko.

Pagkauwi ay hindi muna ako nagpakita kina lola dahil baka mag-alala sila. Kaya't sa hardin ako dumiretso.

Bakit ba sila ganyan sa'kin? Kailan ba nila ako balak tantanan?

I promise when I get stronger, they wouldn't even have the guts to say that again behind my back.. Kahit sa susunod ko pa na buhay..

Hindi na nila ako kakaya-kayanin..

Sa sobrang labo na ng paningin ko ay napasalampak na pala ako sa sahig.

Hindi ko na namalayan ang oras kaya upang tumayo ay napahawak ako sa katabi ko na balon pala. Iyak pa rin ako nang iyak at hindi na alam ang gagawin hanggang sa biglang nagliwanag ang paligid.

Ramdam na ramdam ko ang lamig..

Alam ko sa sarili ko na patak ng ulan ang humahaplos sa mukha ko kaya't hindi na ako nag-abala pang dumilat at tuluyan nang nilamon ng kadiliman.

"Mamaya na, Ilang!"
"Teka--salamat--Oo!"
"Mabuti naman! Dios mio!"

Napadilat ako sa sakit ng ulo ko at sa tila nag-iinit kong katawan. Marahil ay nilalagnat ako. Babalik sana ako sa pagtulog nang maramdaman kong wala akong saplot sa loob ng kumot. Hanggang sa mapagtanto kong wala din ako sa sarili kong silid.. O miski sa bahay namin.

"Gising na marahil ang binibini." Nakaupo ako sa dulo ng kama habang pilit na itinatago ang sariling katawan.

"S-Sino kayo? B-Bakit ako nandito? Bakit w-wala akong damit?" Nagkatinginan naman ang dalawang ginang na tila naguguluhan sa mabibilis na tanong ko.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon