IV

1.2K 67 1
                                    

M.
Rafael

TAMA NGA na ngayon ang balik ng ilan sa mga naninilbihan sa pamilyang Ibañez. Maaga palang ay ipinakilala na ako ni ina sa kanila bago siya umalis.

Sina Nina at Dina na magkakambal pero hindi magkamukha, Pedro na patpatin pero kaya palang bumuhat ng bagahe na mas malaki pa sa kanya. Si Manang Lita na magaling daw magluto katulad ni Manang Ilang. At si Dayang na dating utusan ni ina na personal ko na daw ngayong utusan. Batid kong kinakapa pa nila ang katauhan ko kaya't hindi pa gaanong kampante ang mga ngiting ipinakita nila sa'kin.

Nabigla din sila noong inanunsyo ni ina na anak nila ako pero hindi na sila nag-abala pang magtanong.

"M-May ipag-uutos po ba kayo, binibini?" Pinatawag ko siya kay Dina nung siya lang maabutan ko sa sala na naglilinis.

"Gusto lang sana kitang marinig na magkuwento sa'kin." Nginitian ko siya nang labas ang mga ngipin pero wala sigurong epekto kasi ngumiti lang siya nang alanganin. Nakakatakot ba ako ngumiti?

"P-Pasensiya na p-po pero wala po akong alam na kuwento. H-Hindi po kasi ako nakakapagbasa ng aklat kasi hindi ako marunong magbasa at magsulat." Dahil sa sinabi niya mukhang ilang pa rin siya sa'kin. Kaya hinila ko siya sa kanyang braso para paupuin sa silya na kaharap ko na nakapwesto sa tapat ng bintana ng aking silid.

"Hindi ko naman sinabi na 'yung mga alamat ang ikuwento mo. Gusto kasi kitang makilala ano ka ba!" At pagkalakas-lakas akong tumawa. Mukhang nakuha ko na ang loob niya dahil magalang niya akong sinasagot sa mga tanong ko nang may ngiti sa labi.

Maraming topic kaming napagkwentuhan kaya't nagkasundo na kami sa mga bagay-bagay.

•••••

PAGKABABA ko sa hagdan unang sumalubong sa akin si Nina. Hindi ko namalayan ang oras, na dalawang oras na lang tanghalian na pala.

"Señorita, pupunta po sina Dina at Manang Lita sa pamilihan may gusto po ba kayong ipagbili?" Biglang nagning-ning ang mga mata ko at nagtatalon pa sa tuwa. Bagay na ikinabigla ni Nina at halos atakihin naman sa puso si Manang Lita.

"Sus maryosep! Nakakabigla kang bata ka!" Tumawa lang ako nang tumawa kaya nakisabay narin sina Dina, Nina, Pedro, Manang Lita at si Dayang na biglang sumulpot sa kung saan.

Natawa naman ulit sila Manang Lita sa akin dahil gusto ko lang naman daw palang sumama sa palengke. Hindi naman nila ako tinutulan pero ipinagpaalam muna nila ako kay ama na nasa silid-aklatan. Wala naman si ina dahil dinalaw ang amiga niya na may sakit sa kabilang bayan. Iyon ang paliwanag niya. Sa kaniya ko palanv naikuwento kung saan ako nanggaling. Hindi ko alam pero gad siyang naniwala at sinabi pang baka daw ang salamangka ang may kinalaman.

"Ano po bang gusto niyong bil'hin, señorita?" Napanguso naman ako sa pagtawag sa akin ni Manang Lita.

"Kapag po tayo-tayo lang, Marinara nalang ang itawag niyo sa'kin." Napailing naman si Dina na kasama rin namin. Bale tatlo kaming mamamalengke. At si Manong Nardo na kutsero pa pala.

"Dapat po kaming magbigay galang, dahil sa inyo kami naninilbihan." Ginaya ko naman ang pag-iling niya na nagpahagikhik kay Dina.

"Kayo po dapat ang iginagalang ko kasi nakatatanda po kayo." Napangiti naman si Manang Lita na may bakas na ng luha sa mga mata.

"Anak ka nga ni Donya Rosa, gan'yan din siya simula noong manilbihan kami sa kaniya. Bagay na nagpalapit ng loob namin sa kanya. Maging si Don Carlos, napakabuti din! Hinding-hindi ako magsisisi na sa inyo ako napunta." Niyakap ko naman si Manag Lita at Dina na kaharap ko sa kalesa. "Salamat po, sana hindi talaga kayo magsisisi." Nagtawanana naman sila sa biro ko.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon