XVIII

525 27 0
                                    

M.
Obra

HINAYAAN nila muna akong magpahinga. Ang akala kong paghugot ng hangin ni Don Carlos sa kaniyang baga ay kasunod na ang paglahad ng kung ano mang nalalaman.

Nasa isang pamilyar na silid ako sa ngayon. Kasama ang mga pamilyar na ipinintang obra. Pamilyar na amoy. Pamilyar na pakiramdam.

Hinawakan ko ang isa sa mga obra. Isang nakangiting sanggol habang nakapikit. Tila hindi pa namumulat ang mga mata nito. Habang nakatitig ako, hindi ko namalayan ang pagtulo ng mga ligaw na luha mula sa mga mata ko.

Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing nalulukot ang puso ko. Ni hindi ko pa nga alam kung bakit nalulungkot na naman ako.

Akmang lalabas na ako ng silid nang pumasok ang Ginoong si Venancio. Ayun kasi ang naaalala kong itinawag sa kanya.

Katulad ng una naming pagtatagpo sa isla, ang mga mata niya'y tila tumatagos ang mga titig. Hindi nakakatakot.. Parang mawawala ka lang kapag tinagalan mo ang titig dito. Parang makakalimutan mo kung nasaan ka kapag napatingin ka dito.

Bago pa ako tuluyang matunaw sa titig niya, tumalikod ako at bumalik sa pagkakaupo sa kama.

"May kailangan ka ba, Ginoo?" Saktong paglingon ko ay tila umigting ang panga niya. Wala naman siyang ibang sinabi kaya't hinayaan ko siyang tuluyan na tumuloy sa silid ko.

Natuon ang pansin niya sa nagkalat na mga obra. Ako naman ay nagkunwaring abala sa pag-pagpag ng ilan sa mga ito.

Hinintay ko siyang magsalita pero walang lumabas sa bibig niya. Halos tapikin ko na siya para lang umimik nang bigla siyang tumitig sa akin. Lumapit nang bahagya at hinawakan ang suot kong kwintas.

Anong problema nito? Gustuhin ko mang sigawan siya ay hindi ko magawa. Tila nakulong niya ako sa kakaibang aura niya. Dahan-dahan akong umusog mahiwalay lang sa kanya at hinawakan nang mahigpit ang kwintas.

"S-Sa akin 'to.. B-Bumili ka ng iyo.." Tila may nakakatuwa sa inasta ko dahil bahagya siyang ngumisi. Hindi ko naman nagawang titigan nang matagal dahil tumalikod na siyang muli.

"Ipinta mo ako.." Nangunot ang noo ko. Tila nawindang sa kanyang suwestiyon. Bakit ko siya ipipinta? Mukha ba akong marunong?

"Hindi ka sa'kin dapat magpapinta.. H-Hindi ako marunong."

Bumalik siya sa akin at umupo sa tabi ko. Sa malayo siya nakatingin hindi sa akin. Bigla siyang naging seryoso at tumahimik muli.

"Ipapaalala ko.." Hindi ko alam kung papaanong nasabi niya 'to nang payapa pero may blangkong ekspresyon sa mukha.

••••

HINDI nga siya nagbibiro dahil kinabukasan agad ay may dala-dala siyang mga gamit pang pinta. Kasalukuyan kaming nasa may hardin. Sakto lang ang lakas ng hangin, hindi rin gaanong maaraw.

Nakaupo siya sa harap ko. May kaunti kaming agwat pero sapat na upang makita ko pa rin ang kanyang magandang kulay ng mata. Hindi ito ibang kulay. Itim rin ito. Subalit parang walang katapusan ang nakikita ko sa mga mata niya. Tila nangungusap at walang hangganan ang matatanaw mo mula dito.

Sa unang beses na pagpipinta ko ay siya ang nagsabi na gawin siyang modelo. May kaunting nginig pa ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Sa huli ay hindi ganoon kaganda ang kinalabasan. Halos wala pa din sa kalahati nang huminto ako.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon