XXXII

357 21 0
                                    

M.
Kambal

HINIHILOT ko ngayon si ate Sonya sa likod dahil aksidenteng nadulas siya sa naiwang balat ng prutas sa sahig. Nag-aayos kasi siya ng mga sako ng iba pang halamang gulay sa ibabaw ng tukador, nang hindi inaasahang nadulas siya. Isang linggo na ako na nandito pero walang kupas ang kakulitan ng mga kasama ko. Lalo na ang kambal.

"Malaman ko lang kung sino sa inyong dalawang kambal ang nag-iwan ng balat na yan! Babalatan ko rin!"

Nagtawanan ang dalawa. Si Juan at Pedro. Alam ko isang taon lang agwat nila kay Lukas. Kaya't medyo bata-bata pa sila.

"Sige na Sonya, kami nang bahala sa mga kalat. Magpahinga ka na lang." May kung anong binulong si Sonya, maya-maya pa nagliyab na ang puwetan ng kambal.

"A-Ahh! Sonya naman!"
"Ang init!"

Umismid siya sa dalawa at hinayaan akong magpatuloy sa ginagawa sa kanya.

Alam kong pasaway ang kambal pero mabuti naman silang dalawa. Siguro kasi kambal sila kaya't parehas ng kalokohan. Hindi sila magkamukha pero nagkakasundo naman silang dalawa.

"Isusumbong ko kayo kay Don Anghelo! Bahala kayo diyan!"

"Sino si Don Anghelo?"

"Ahh! Tatay nila. Darating daw mamaya kasama si Donya Gregoria. Nako! Tiyak na masusupalpal 'yang dalawa na 'yan!"

Natawa na lang ako kay Sonya. Sobrang nabu-buwisit na siya sa dalawa pero pakiramdam ko baka may makatuluyan pa siya sa isa dito. Kapag daw kasi nagpapapansin sa'yo ang lalaki, may gusto sa'yo. Hindi ko lang alam kung totoo nga.

"Kaya mo na ba?" Inalalayan ko siya sa kanilang kubo nila ate Ester at ate Piyang. Dito sila natutulog kapag nandito sa kampo, hiwalay sa mga lalaki kahit na may asawa na ang dalawa sa kanila.

Maingat na pinaupo ko siya sa kaniyang higaan.

Sa paglibot ko ng paningin, mahahalata mo talagang mga babae ang tumutuloy dito dahil napaka linis. Hindi pa man ako nakakapunta sa loob ng kubo ng kalalakihan, tiyak ko nang magulo ang sa higdaan ng kambal dahil sa kalikutan nila.

"Salamat talaga.. Puwede mo na akong iwan. Inaantok na rin ako."

Maayos na nagpaalam ako sa kanya kahit na nag-aalala pa rin ako dahil nga sa pilay niya. Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ng dalawa pero grabe naman ang kanilang ginawa.

"Kayong dalawa--" Pinuntahan ko sila na nagpapahangin sa bungad ng kanilang kubo. "--Hindi magandang biro ang ginawa niyo. Paano kung napuruhan si ate Sonya?" Ngumuso naman si Pedro habang si Juan ay nagkamot ng batok.

"Siguro may gusto kayo sa kanya 'no?" Nanlaki ang mata ng dalawa at napalitan ng inis.

"Hindi ah!"
"Bakit siya pa?!"

Ayan kasi. Kasalanan niyo yan. Nasiguro ko nang wala silang gusto kay Sonya. Sadyang mapaglaro lang sila.

"Pangit nun eh!"
"Bruha yun!"

Sinamaan ko sila ng tingin at isa-isang binatukan.

"Aray!"
"Ano ba!"

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon