XI

764 39 2
                                    

M.
Venancio

HINDI ko na naman maintindihan si Marcus pero pinili ko na lang manahimik at hindi bigyang pansin ang kaniyang sinabi. Bago pa niya itanong kung anong isasagot ko ay nakita na naming naglalakad papunta sa'min ang mga kinikilalang magulang ko sa ngayon sa panahong ito.

"Mabuti na lang talaga at iyong dinala si Marinara dito, Marcus. Maaasahan talaga kita!" Ngumiti lang ang binata at sinabihan ang Don at Donya na kailangan na naming bumalik dahil matagal ang kinakain na oras para sa paglipat namin ng lugar sa loob ng isang segundo. Tinataya itong limang oras. Ibig sabihin kung pumunta kami dito ay limang oras na ang nagamit, dagdag na limang oras sa pagbalik naman bale sampung oras kaming nawala idagdag mo pa ang oras ng pananatili namin dito.

"Mag-iingat ka anak doon, ah?" Mangiyak-ngiyak na nagpapaalamanan ako sa naging pansamantala ko nang ina dito. Nginitian ko siya nang napakatamis at sa huling pagkakataon ay niyakap sila.

Muli ay nilamon kami ng nakakasilaw na liwanag.

Sa harap ng malaking orasan kami napadpad na sa eksaktong 'XII' nakatapat ang dalawang kamay, ibig sabihin, hating gabi na kami nakabalik at sa mismong pamamahay ni Donya Victoria. Nagulat naman ako sunod na nangyari. Nakabulagta na sa sahig si Marcus.

Hawak-hawak niya na din ang pumutok na labi pero may ngisi pa rin na nababakas dito.

"M-Marcus!" Agad ko siyang dinaluhan at tinulungang makatayo. Sinamaan ko naman ng tingin si Rafael. "Ano ba ang iyong problema?" Nag-iwas naman siya ng tingin at naglakad na paalis.

Minsan talaga nahihiwagaan na ako kay Rafael. Isa talaga siyang weirdo mas malala pa sa akin kung maging moody. Hindi ko naman na siya hinabol at binalingan ng tingin si Marcus. Ni hindi ko alam kung anong dahilan niya para bigla nalang sapakin si Marcus.

"Magkakilala ba kayo?" Mapait na ngiti ang nasilayan ko sa labi niya. Hindi na lang ako nagtanong ng iba pang detalye at hinanap ang Donya.

Nakakapagtakang hindi niya ako pinagalitan o miski si Marcus na dahilan ng pagkawala ko, bagkos ay inutusan niya lang akong ihatid ito sa silid na tutuluyan nito.

"Bakit ka ba nandito, Marcus?" Pinitik niya ang ilong ko at kinurot ang kaliwang pisngi.

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Hindi naman siya naiinis pero yung tono ng pananalita niya ay nang-aasar. Sinimangutan ko naman siya at akmang iiwan na nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko.

"Marinara.. Nandito lang ako.." Wala naman na siyang ibang sasabihin kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Sa ngayon ay may isang bagay ako na dapat paniwalaan..

Na totoo ang salamangka dahil ilang beses ko nang nakaingkwentro ang mga taong kayang gumamit nito. Sadyang hindi lang ako makapaniwala dahil miski ang katotohanang nasa iba akong panahon ay hindi na kapani-paniwala.

Masisiraan na ako ng bait sa sobrang dami kong iniisip. Hindi ko naman pwedeng isawalang bahala pero hindi ko rin naman alam kung anong pwede kong gawin na hakbang. Hindi rin naman ako tulad nila na may kakayahang gumamit ng salamangka kaya't wala akong ibang puwedeng gawin sa ngayon kundi ang sumunod sa mga sinasabi nila dahil sa kanilang panahon din naman 'to.

Hindi tulad noong unang linggo ko dito sa panahon na 'to, ngayon ay nakakaya ko nang hindi maiyak sa tuwing naaalala ko ang pamilya ko sa aking pinanggalingan. Minsan din napapaisip ako kung patuloy ba ang oras doon at hinahanap nila ako o baka burado na ako doon dahil nandito na ako. Ayoko mang isipin pero ito ay ilan sa mga posibilidad.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon