XVI

518 31 1
                                    

M.
Talaarawan

NAGULAT talaga ako nang may mga bisig na sumalo sa akin. Sa sobrang gulat ko halos malaglag ako sa pagkakasalo. Mabuti na lang ay malakas ang bisig ng isang 'to! Nakayanan ang biglaang pagtalbog ko sa mga bisig niya!

Sino ba 'tong lalaki na 'to? Pamilyar ang amoy niya. Kakaiba man pero malakas ang pang amoy ko. Natatandaan ko din ang amoy ng isang tao.

Marahan niya akong ibinaba kaya't nakaapak na muli ako sa sahig. Katulad ng una naming pagtatagpo, mukha siyang ninja. Alam ko sa sarili ko na pamilyar ang presensiya niya, ang amoy niya at miski ang paraan ng pagtitig niya kahit hindi ko masulyapan ang mga mata niya dahil sa tumatabing na itim na tela.

Bigla na lamang bumuhos ang napaka lakas na ulan. Kasabay ang marahas na tunog ng pagkulog at ang pagkidlat.

Tsaka ko lang napansin na iniwan ako ng ninja man na 'yun sa kalagitnaan ng malawak na lupain kaharap ang malaking mansiyon.. At alam ko kung kaninong pamamahay ito..

Maria..

Señor Escobar..

Bigla akong nahilo, parang umikot ang paligid.. Tila may nagpabilis ng pagtakbo ng oras pero nasa iisang lugar pa rin ako.

Nagtatakbo ako upang sumilong at natagpuan ang maliit na kwadra pero walang kabayo. Hindi tumigil ang malakas na pagbayo ng hangin at ulan.

"May napakalakas na bagyo ang sumasalanta ngayon sa'min. Ito ang unang beses na natakot ako.. Hindi dahil sa malakas na pagbugso ng ulan.. Kundi dahil sa masamang pangitain.. Kailangan kong manalangin.."

Mula sa kinatatayuan ko, isang basang-basang Maria ang takot na takot na lumabas ng mansiyon nila.

"Amaaaa! Inaaaa! Tuloooong!" Hindi niya alam kung saan siya tutungo, kung babalik ba siya sa sariling pamamahay o tatakbo sa malayo upang humingi ng tulong.

Hanggang sa natagpuan ko nalang ang sarili ko sa loob ng pamamahay nila. Nagugulat pa rin ako kapag nangyayari ang mabilis na paglipat ng katawan ko sa kung saan.

Nanlaki ang mga mata ko nang matagpuan ng mga mata ang ginang na walang awang hawak sa buhok.. Ni Kapitan Concepcion..

Sa kabilang banda naman matatagpuan ang tila nawalan ng malay na si Señor Escobar dahil nakaposisyon siya na parang tumama ang ulo sa sulok ng pinagsasandalang lamesa.

Nanginginig ang mga tuhod ko. Mabuti at nagawa ko pang magtago sa loob ng isang silid. Pero mula dito, ramdam ko ang kilabot.

"BAKIT KASI HINDI AKO, HA? PUTA KA! HAH! GUSTO MO PA TALAGANG NASASAKTAN KA?!" Pinagsasampal niya ang ginang matapos nito ay pinunit ang suot na baro nito..

Huwag.. Hindi ko kaya..

"T-Tama na P-Procopio... Maawa ka.." Basang-basa ang mukha niya mula sa kakaluha.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon