XXVII

379 21 0
                                    

✴️•~•✴️
Emra at Zura

"HALIKA na kasi Emra!" Nagdadalawang isip man, nagpatianod ang kapatid kay Zura. Mga makikisig na lalaki ang dinaluhan nila. Lahat din sila may hawak na mga sibat.

"Totoo bang nawala ang diwata?" Agad na nagsiayos ng tayo ang mga kawal. Buong galang na tumango sa nagtanong na si Zura.

"M-Mukhang nakatakas!"

Tumango lamang si Zura. Agad na naghanda ng plano at ng puwedeng magamit sa paghahanap dito.

Umiiling na nauna na si Emra at iniwan ang kapatid. Mukhang wala siyang mapapala kaya't umalis na lang sa lugar.

Ang hayop na sanang gusto niyang mahuli ay nais niyang pag-eksperimentuhan. Gusto niyang mas lumawak ang kaalaman tungkol sa buhay.. Sa mga nilalang na nabubuhay.

Bigong napasalampak siya sa dayami kaharap ang papalubog na araw. Kahit walang huli, napagod siya dahil sa dami ng itinuro ng kapatid. Hindi naman talaga ito ang pakay niya, gusto niya lang ng huli. Kapag kasi sinabi niya na para sa pag-aaral niya ito, hindi papayag ang kapatid dahil daw dapat makuntento na lang sa biyaya na natatanggap sa maykapal at huwag nang kuwestiyunin.

"Oh! Mona! Laki na ah!" Natutuwang sinalubong niya ang nagbubuntis na alagang pusa. Maamong nagpapansin naman ito at nagpayapos.

Alam niya na kung paano nabubuo ang mga sunod na nilalang, mulat na siya kung paano at hanggang kailan tumatagal sa sinapupunan ng babae ang sanggol.

Ang eksplenasyon kasi sa kanila, kapag pumutok na ang sinapupunan. Mas tama na alam kung kailan lalabas ang bata.

Minsan sa sobra niyang talino, pinagkakamalan siyang baliw. Iyon ang bagay na ikinagalit ng kaniyang ama kaya't patago niyang ipinagpatuloy ang paghahanap sa mga sagot.

Nang walang makuyakoy sa maliit niyang kubo, nagtungo siya sa kung saan dalhin ng paa.

May malaking hukay siyang tanaw, halos isang tribo ang kayang sakupin, sa gitna nito ay ang malaking puno. Kunot noong tinanaw niya lang ito mula sa itaas at pumihit na paalis.

Habang naglalakad, malalim ang kanyang iniisip pero ang mga matang mapanuri ay nahagip ang isang kakaibang imahe.

Sa likod ng batuhan, may nakasilip na mga matang kakulay ng kalawakan, may literal na pagningning ito. Hindi pa siya makapaniwala, ang akala ay ligaw na hayop lamang.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon