XLIV

361 21 0
                                    

a/n: I'm a Naruto Shippuden fan and that's the source of Narima's pics (Kaguya) I hope you'll enjoy this short update.

✴️•~•✴️
Emra at Zura

ANG KALAYAANG maglakad sa isang daan na luntian. Napupuno ng damo at maliliit na bulaklak. Ito ang pinaka natatanging hiling niya nang makababa sa lupa.

Kahit na ano mang naitala tungkol sa magkapatid at kay Narima, ang tanging nakakaalam lang ng tunay na kuwento ay sila lang din mismo.

Wala siyang alaala mula sa itaas. Ang bukod tanging huling naaalala niya ay ang pagdausdos pababa sa lupa.

Kasabay ng pagbaba ay ang tila paghiwalay ng kalahati niya. Hinayaan niya lang itong mangyari, nang makitang namuo ang isang maliit na butil gawa sa espiritong tila kumawala sa kanya, ibinaon niya ito sa lupang mismong pinagbagsakan. Nagpatuloy siya sa paglalakad sa kawalan nang may mga nagtangkang tumugis sa kanya. Ang alam niya lang ay kung anong hilingin niya ay natutupad.

Lumayo!
Tumalsik!
Masaktan!

Lahat ng ibulong sa isip ay natutupad gamit man ang ibang salita, naiintindihan pa rin siya ng madla.

Hindi niya alam kung saan magpupunta. Tila hindi siya kabilang sa mundong batid niyang dati niya pa tinatanaw mula sa itaas.

Ano bang mayroon sa itaas?

Ang naggagandahang bituin ang una niyang natanaw nang tumingin sa itaas. Isa siyang anak ng kalawakan, isang tala na dapat lamang manatili sa itaas at magpatuloy sa pagningning upang magbigay landas.

Pero nang makilala si Emra.. Ang sariling pagkalito sa katauhan ay natabunan ng kagalakan. Wala nang mahihiling pa si Narima. Wala nang mas isasaya pa ang kanyang buhay sa ibaba. Tutal ay napagtanto niya ring hindi na siya makakabalik pa sa itaas.

Ang bibig na pinili niyang itikom dahil naniniwala siyang mapanakit ito.. ay muli niyang ibinuka.

"M-Mahal mo ako?" At Narima? Iyon ba ang pangalan niya?

Tumango ang binibini kaya't dali-dali niya itong niyakap. Iniikot sa ere at buong pagmamahal na hinagkan.

"Mahal niya ako!" Natatawang pinanood siya ng binibini habang isinisigaw sa kawalan ang pagmamalaki ng kanyang pagmamahal.

Kahit ang katotohanang nakapagsalita na ito ay hindi niya kayang paniwalaan.

Masayang magkahawak ng kamay na binagtas nila ang daan pabalik sa mumunting kubo ni Emra.

Tumagal pa ang ilang taon na walang ibang nakakaalam ng pagsasama ng dalawa. Hanggang sa ayain niya si Narima na makipag isang dibdib.

Malugod na tinanggap ni Narima si Emra sa buhay niya. Hindi na muling tinangka na maghanap ng kasagutan sa sariling katauhan niya.

"Emra.. Si Nara?" Nagtatawanang pinagkaisahan nila si Narima.

"Nagtatago ka na naman!" Agad na hinagkan siya ni Emra bago pa mapagalitan ang sutil na anak.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon