XXVIII

342 25 1
                                    

M.
Akin

MALAKI ang lugar kung saan sila nag-eensayo. Parang isang camp site na talagang may nakatayong mga kubo pa at mga tent. Mga toldang, ang gamit ay makakapal na tela pangtabon ng loob ng ilan sa mga ito.

"Binibini, halika na!" Napakurap-kurap pa ako bago nagmamadaling sumunod kay ate Perla. Maganda ang lugar aakalain mong nasa mahiwagang mundo ka dahil sa napakagandang tanawin at halos kumikislap na lawa ang maaabot ng iyong tanaw.

Naaalala ko ang pamilyar na Greek mythology movie na dati kong napanood. Itong kalupaan na ito ay napapalibutan ng sagradong orasyon, bagay na tumatabon sa totoong nasa loob nito. Kumbaga isa itong proteksyon upang maitago ang presensiya ng lahat na nandito miski ang buong lugar.

"Nauna na si Señor Venancio dito. May aasikasuhin iyon sa pagkakaalam ko. Pero mabilis lang siguro! Dadalhin kita kay Donya Clarita."


Lahat ng nakakasalubong namin ay tinatanguan ni ate Perla. May ilan pang yumakap sa kanya. Pero siyempre hindi mawawala ang kakaiba nilang tingin sa akin. Kung pwede lang umismid, ginawa ko na.

"Perla! Mabuti naman at maaga kayo!" Katulad ng dati, mapang-asar ang tono ni donya Clarita. Sinisiko niya rin ako katulad ng nakasanayan.

"Kumusta si Clarifa? Maayos na ba ang pakiramdam niya?"

"Oo naman. Pinaalagaan ko na sila ng anak niya sa mga pinsan niya at dahil napapagod na akong paroot-parito. Alam mo naman na sunod-sunod ang gusto nilang pagpupulong dahil sunod-sunod din ang dating ng mga problema."

"Mabuti naman kung gano'n. Siya nga pala! Sa susunod na linggo pinayagan ako ni Señor na dumalaw sa ating bayan. Baka madalaw ko na rin sina Clarifa."

Abot hanggang mata ang ngiti ni Donya Clarita kay ate Perla. Masiyahin kasi silang parehas pero may kung anong lungkot sa mga mata ni Donya Clarita ngayon. Sanay ako noon na manood sa mga tao. At masasabi kong lungkot at panghihinayang, at pagsisisi ang isinisigaw ng kaniyang mga mata.

"Mag-meryenda muna kayo. Nagdala ng masarap na kakanin si Donato." Sa pagbanggit niya ng huling pangalan, tila na-estatwa si ate Perla. Bahagya pang nanginig ang labi niya pero tinabunan niya ito ng ngiti.

Nagku-kwento ng kung ano-ano si Donya Clarita habang ginigiya kami sa isang maliit na kubo na may kulay kayumanggi na bandila sa tuktok.

"Ginahambalan man gid kita sang--" Ang matangkad na ginoo ay napatigil sa pakikipag-usap sa isang naninilbihan na ginang dahil sa aming presensiya.

"Donato si Marinara, anak ni Rinasoella.. ng pinsan mo!" Napakurap-kurap pa siya at tinitigan ang mukha ko. Kalaunan ay matamis na ngumiti siya. Siya yung tipo ng lalaki na maginoo at masiyahin.

Kung susuriing mabuti, hindi nalalayo ang edad niya kay ate Perla. Payat siya kung tingnan pero matikas ang pangangatawan niya. Ang kulay ng kaniyang balat ay pang-Pilipino talaga. Pati ang pagka-itim ng kaniyang buhok at mga mata. Maayos siyang manamit kahit simple lamang ang suot.

"Binibini.. Ikinagagalak ko na makilala ka." Hindi man nila ako tinatanong kung papaanong nagkaanak ang aking ina o ano pang may kinalaman sa mga magulang ko, ramdam ko ang pagkauhaw nila sa impormasyon. Pero kay Ginoong Donato, wala akong naramdaman na pagkaasiwa.

"Si Clara kumusta? Napapasuso ba nang maayos ni Clarifa?" Makisig na humalakhak siya nang hindi na makita ang kanyang mga mata.

"Opo, nagpaalam naman ako sa kanila. Pati si Claro ay pinabantayan ko din sa kaniyang mga tiya. Babalik din ako dahil ika-apat na kaarawan niya na sa susunod na araw." Napadakong muli ang mga mata niya sa'kin. Hindi naaalis ang ngiti niya sa labi.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon