XXVI

401 24 3
                                    

M.
Yrreverre

TUTOP ang labi, hindi ko siya magawang tingnan. Paano siya naging Falqueza? Akala ko ba Salazar siya? At paanong siya ang pinuno? Ang buong akala ko ay isang matanda at istriktong Señor ang namumuno. Istrikto naman siya pero hindi pa siya matanda! Gano'n naman kadalasan ang naiisip natin na namumuno kasi ang tingin nila sa kabataan ay kulang pa sa kasanayan.

"Señor, ang iyong pagdating ay talagang aming ikinagagalak.." Ang kaninang halos magtaboy sa akin ay magalang na bumabati sa kanya.

Tinanguan lamang siya ng huli at bumaling na ang tingin sa akin.

"Anong pinagtatalunan ninyo?" Biglang nanahimik ang paligid, tila naninimbang kung sino ba ang dapat na magsalita.

Si Pangatlo sa tatlong pangalawang pinuno o bise ay nagtaas ng kamay. Isa siyang ginoo na mapapansin mo ang bahagyang pagsilay ng puting buhok pero ang katawan niya ay mukha pang malakas at kayang tumumba ng tao.

"Pormal na ipinakilala kanina si binibining Marinara.. Isang Yrreverre. Sa katunayan, pinagtatalunan kung dapat bang nasa puder natin siya dahil nga isa siyang Yrreverre pero may halo ng Nofuente.."

"M-Malaking dagok ang dulot niyan! K-Kapag hindi natin makumpirma kung ano bang dapat gawin na baitang!" Mas pili ang salitang gamit ng ginang ngayon, kanina kasi bulgar sa salita niya na ayaw niyang malagi ako sa kapulungan nila.

"Kung hindi ba naman binigyan ng kahihiyan ni Rinasoella ang pamilya niya.. Tiyak na Yrreverre pa rin ang namumuno." Isang malumanay pero tumpak kung magsalita ang isang ginoo sa lamesa. Napatuon ang pansin ng lahat sa kanya maging si Venancio.

"Huwag na nating idamay ang namayapa. Ang desisyon para sa bata ang pag-usapan." Singit ni donya Victoria. Tila napipika na at ano mang oras pwede nang makapanakit.

"Kaya nga Victoria.. Nagbibigay lamang ako ng dagdag na opinyon upang kahit papa'no may pagbasehan ang lahat sa gagawing desisyon."

Nanahimik ang lahat, habang ang ginang na kanina pang umaatake sa'kin ay may multo ng ngisi sa labi.

Nararamdaman ko ang panginginig sa galit ni donya Victoria. Kung puwede lang, baka kanina niya pa itinumba ang lamesa. Pero matatag siya at nakaupo pa rin sa tabi ko.

"Anak siya ni Rinasoella Indranea Adelfa Yrreverre.. Ang dapat na susunod na pinuno matapos ang kanyang nakatatandang kapatid na si Rolinda na nabaliw sa pagkawala niya. Hindi naman maasahan si Rosa ngayon dahil hindi katulad ng dalawang nakatatandang kapatid, wala siyang salamangka. Ang kanilang ama ay matagal nang namayapa habang ang ina ay nanghihina na ngayon, baka hindi na abutin pa ng ilang buwan."

Pinipilit kong intindihin lahat ng paliwanag ng katabing isa sa mga pangalawang pinuno. Kinakabahan man sa mga naririnig, hindi ko pa rin magawang maiwaglit ang pagkakataon na makinig.

"Ang mga Nofuente sila ang pumatay kay Macario Vedasto Nofuente.. Ang iyong ama, binibini.." Sabi ng isang ginoo.

Ang iyong ama.. Hindi ko alam kung para saan ang pagkagulat ko. Kung para saan ang pa ang pagkakaroon ko ng tainga kung hindi ko rin naman gusto ang naririnig.

Noon pa man, sinasabi nilang kasing ganda ko si mama.. Pero kahit anong pilit nila, hindi nila ako mapuri na kamukha ko siya. Ang aking ama na sobrang maalagain, hindi ko rin narinig na pinuri ako dahil sa pagkamana ko ng ano mang pisikal na katangian, puro ang kanyang kabutihan.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon