XXXVII

358 21 1
                                    

M.
Rolinda

NAPAKAINIT kaya't nagbabad ako sa palikuran ng pagligo. Hindi ko na binalak na kung saang anyong tubig sa labas pa maligo dahil kung anong panganib at pangyayari lang ang dulot nito sa akin.

Paalis kami ngayong umaga dito sa isa pang casa na pagmamay-ari ng mga Yrreverre. At kahit na anong pagpapanggap ko sa pagiging matapang, natatakot pa rin talaga ako sa laki ng bahay na ito at dadalawa lang ang naninilbihan.. Ibig sabihin apat lang kami na nandito ngayon.

Lalabas na sana ako ng palikuran nang may itim na imahe ang nakita kong mabilis na dumaan sa may bintana.

"W-Wala lang 'yan.." Bulong ko sa sarili. Ilang Pater Noster pa ang nadasal ko hanggang sa tuluyan akong lumabas nang nakatapis at agad nagtatakbo sa aking silid.

Sa bilis ko, nakabanggaan ko pa si Venancio. Kunot ang noo niya na akala mo inagawan ng laruan! Bahagya pa akong tumalbog sa lakas ng pagkakatama ko.

"Anong problema?"

May multo..

Gusto ko sanang sabihin pero baka paratangan niya ako na duwag. Kahit totoo naman.

"W-Wala!" Agad kong sinara ang aking pinto at nagbihis nang mabilisan. Suwertehan na lang kung dalawin ako ng multo dito sa loob.

Pero mukhang may gusto talagang lumapit sa akin dahil biglang bumukas ang malaking bintana sa aking silid.

Dala-dala ko lang na punyal ay ang kay Donya Victoria na bigay.

Akala ko totoo ang mga napapanood ko na kapag may nakakatakot na pangyayari, mapapatili ka. Sa sitwasyon ko ngayon, halos walang nalabas na boses sa akin.

Ang inaasahan kong magpapakita ay biglang humila sa akin.

Mata sa mata kami ngayon..

Sobrang magkalapit ng aming mukha.

Siya ang nakita ko sa bangungot. Walang duda na siya si Tiya Rolinda!

Nanlilisik ang kaniyang mga mata. Mas magulo na ang buhok na akala mo may sariling buhay. Bahagyang naka awang ang bibig na parang galit na leon.

Nakadagan siya sa akin at ang isang palad ay ipinantakip sa aking bibig.

Hawak ko ang punyal pero hindi ko magawang itarak sa kanya..

Buong lakas ko siyang iniuntog sa aking ulo kaya't napaatras siya at nawalan ng balanse. Ang sandaling pagkakataon na yun ay ginamit ko upang makatayo.

Nababasa ko sa galaw ng kaniyang mga daliri na tila nangangati siyang sakalin ako.

At nakikita ko sa kaniyang mga mata ang kagustuhan na paslangin ako.

Hindi niya pinansin ang inilaglag kong punyal sa gilid ko. Ginawa kong sandalan ang pintuan ng silid na ito.

Pumusisyon ako ng atake sa kaniya pero pinapakiramdaman ko lamang siya. Napaka tahimik namin, walang kahit na anong ginagawang tunog bukod sa ilang pagdausdos sa sahig at ilang patama sa isa't-isa.

Nagtataka man na hindi niya ako ginagamitan ng salamangka, hinarap ko siya ng buong tapang. Kahit na gaano ka-nakakatakot ang itsura niya ngayon, iniisip ko na lang na Tiya ko siya na nakalimutan lang maligo.

Nawala ako sa iniisip nang bigla siyang tumalon at balak akong sunggaban gayong nakasandal ako sa pinto.

Muntikan nang masira ang pinto sa lakas nito.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon