V

1.1K 60 5
                                    

M.
Mabuti

NAPABANGON ako mula sa pagkakatulog dahil sa uhaw na naramdaman. Agad kong kinapa ang gasera sa gilid ng aking kama at binitbit palabas ng kuwarto.

Maliwanag ang buwan, sumisilay ang liwanag na hatid nito sa siwang ng malaking bintana dito sa sala.

Nakainom naman ako nang matiwasay ngunit biglang may kung ano na nag-udyok sa akin na lumabas ng bahay. Dahan-dahan kong nilakad pababa ang hagdan pagkalabas ng bahay at hindi nga ako nagkakamali.

May isang kuting na nag-iingay sa unang hakbang ng hagdan. Isang malinis na kulay puting kuting na kulay asul ang mga mata.

"Ming-ming~" Hindi ko napigilan ang sarili na yapusin ito at amuhin dahil mahilig talaga ako sa mga pusa. Umupo ako sa pangalawang baitang at binuhat ang kuting pagkatapos ay ipinatong ko sa aking nakatupi na hita.

"Anong pangalan mo, binibini?" Napahagikhik naman ako dahil tiningnan lang ako ng inosenteng pusa at ngumiyaw lang siya sa'kin.

"Papangalanan kita.. Muning! Muning na ang pangalan mo. Cute! Ang ganda ng blue eyes mo, Muning. May lahi ka ba? Nalahi--"

Bigla akong nangilabot nang may makita akong matandang babae na nginitian lang ako. Nakatayo siya ilang metro ang layo mula sa akin sa ilalim ng puno ng narra. Siya pa rin yung nakita ko noon pero nakaputi siya ngayon. Sa takot ko ay nabato ako sa inuupuan ko at hinintay siyang lumapit sa akin pero bago ako mawalan ng malay ay nakipagtitigan siya sa akin at sinabing..

"Quédate quieto allí.. Solo un recordatorio. Eres el siguiente.."

"Eres el siguiente.."
"Eres el siguiente!"

Huli kong narinig ang halakhak niyang nakakabingi..

●●●●

NAGISING ako dahil sa kakaibang pakiramdam ng katawan ko. Tsaka ko lang napansin na mainit ako. Medyo nahihilo din ako at sumasakit ang ulo ko.

"¡Gracia divina! ¡Qué bueno que Rafael te haya visto abajo!" (Goodness gracious! Good thing Rafael saw you downstairs!)

"R-Rafael?" Nahihirapan akong magsalita sa hindi malamang kadahilanan. Parang wala akong lakas na gawin ang ano mang bagay.

"Manang Lita, ako na ang bahala sa anak ko." Seryoso akong tinignan ni ina at hinawi ang ilang hibla ng buhok ko na tumatabing sa noo ko.

"I-Ina.." Gusto ko sanang mag-kuwento sa kung anong nangyari sa akin pero hindi ko magawa may kung anong nagbara sa lalamunan ko at pumipigil sa pagbuka ng bibig ko. Tila nanghihina ako at walang lakas na magsalita.

"Huwag kang mag-alala anak.. Bukas na bukas ay ipapasama kita kay Rafael sa Aurora.. Ilang araw lang kayo doon." Hindi ko naman magawang magtanong, mabuti nalang ay patuloy na nagsasalita si Donya Rosa.

"Huwag kang mag-alala, ligtas ka sa inaanak ng iyong ama.. Marahil ay ito na ang tamang oras upang masagot ang ilan sa'yong mga katanungan. May ilan na akong sinanggunian."

Hindi naman ako nakaimik dahil kailangan ko ngayong magtiwala. Hindi lang nakasalalay sa akin ang buhay ko ngayon.. Nakasalalay na rin sa mga taong nakakasalamuha ko.

Hindi ko namalayang nagdire-diretso na ang tulog ko hanggang kinabukasan. Maaga palang ay nagising na ako pero hindi katulad kahapon ay maayos na ang pakiramdam ko.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon