XIV

548 37 2
                                    

M.
Kapahamakan

ISANG maingay na umaga ang gumising sa akin. Nagtataka man ay dahan-dahan akong bumangon. Hanggang sa bigla akong kabahan. Napatakbo ako palabas ng silid matapos ayusin ang sarili nang mabilisan.

"P-Papa! T-Tama na!" Pamilyar ang boses ng dilag kaya't lalo akong kinabahan.

"Ilabas ninyo ang anak niyo!" Isang galit na galit na boses ang dumagundong sa labas ng mansiyon namin.

"Anong pakay niyo ba sa anak namin? Baka pwedeng daanin natin sa maayos na usap--" Mahinahon ang pagsasalita ni ama. Pero nahihimigan ko na ang iritasyon dito.

"Basta kailangan ko siyang makausap!"

Imbes na matakot ay buong tapang na lumabas ako ng mansiyon at hinarap ang ginoo.

"B-Binibini!" Tila takot na takot ang mga mata ni Maria, hindi ko alam kung para sa'kin ba iyon.

"Totoo bang ikaw ang nag-abot ng liham na 'to?!" Pinaningkitan ko ang hawak na liham ng ginoo at takang bumalik ang tingin kay Maria.

"Ano po bang nang--"

"Sagutin mo lang ako! Hindi kita idadamay basta't sabihin mo kung kaninong pirma ito!"

Nahihiya si Maria sa'kin. Nag-iwas siya ng tingin at tsaka yumuko. May bumabakas na luha niya sa buhangin kaya't sumikip ang dibdib ko.

"Ako nga po ang nag-abot pero hindi ko kilala kung kanino nang-galing 'yan."

Nagkasalubong pa lalo ang mga kilay ng ama ni Maria. Tila hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Huwag ka nang magsinungaling! Kailangan ko lang ng kumpirmasyon kung si Joselito ba ang nagpa-abot nito!" Nanginginig ang mga kamay ni Maria. Kailangan nila ng tulong ko pero sa paanong paraan ako makakatulong?


"Maniwala po kayo hindi ko kilala. May bigla nalang naghulog niyan sa harapan ko kasama ang maliit na papel na nagsasabing iabot ko kay Maria ang liham. Bakit hindi kayo magtiwala sa'kin?" Hindi makapaniwalang tiningnan ako ng ama niya.

"Si Maria ay hindi sinasabi kung sinong bastardo ang walang kahiya-hiya na mag-aya sa kanya sa kalagitnaan ng gabi! Malaman ko lang na nagtagpo sila, ipapabitay ko ang binatang 'yan!"

Inis na nag-martsa paalis ang kanyang ama, sumunod naman siya pero bahagya siyang lumingon sa akin at nagpasalamat nang walang tinig.

"Alam kong si Joselito ang nagpadala no'n anak.. Bakit hindi ka nagsabi ng totoo?" Hindi naman galit si ama kaya't nagpasya akong sabihin ang totoo.

"Si Maria na lang ang pag-asa ni Joselito.. Hindi ko gustong tuluyan siyang malugmok sa kalungkutan at gawin din ang pagkakamali ng nakatatandang kapatid.." Nakita ko ang pagsilay ng tipid na ngiti kay ama. Bahagya niya naman akong tinapik sa ulo.

"Mabuti kang bata, Marinara. Katulad ka ng inaasahan ko.." Iiwan niya na sana ako kaso bigla siyang lumingon muli sa'kin.

"Ang iyong ina nga pala ay masama ang pakiramdam.. Maaari mo ba siyang samahan? May dadaanan lang ako sa pamilihan." Tumango ako at sumunod na sa loob.

Pagbalik (Adelfa Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon